Tumawag sila Fats kanina, kita daw ulit kami bukas ng uwian.
Nandito ako ngayon sa Club Room, practicing with Andrei. Today was just another busy day. Everyone's preparing na for upcoming event. No acads class today.
Yes. Nakabalik na kami mula sa outing. And that outing was making me crazy.
Tama naman ako diba? Hindi naman ako kontra bida dito. Oo, silang dalawa talaga 'yung nagmamahalan. Kita ko iyon. Pero dahil ba doon, susuko na ko?
Wala pa naman e. Hindi pa naman sila nagkakabalikan. Hindi pa naman ako pinapaalis ni Eros sa buhay niya. Ibig sabihin, okay lang.
Nagkamali siya. Gusto niyang itama. Pero bakit naman kung kailan umabot na ko sa ganito? Umabot na sa point na mahal na mahal ko na siya. Umabot na sa point na ipagdadamot ko siya, kahit sa taong tinadhana sa kaniya.
Giving up is never a part of me. Never a part of Eris Cua.
"Huy!" Malakas na sabi ni Andrei sabay tambol pa ng malakas sa beatbox niya.
"Bakit?" Walang ganang tanong ko.
"May sakit ka ba? Tara clinic nalang tayo. Hahaha." Tanong niya. Ha?
"Wala. Bakit?"
"Ang lata mo kasi. Hahaha bakit ano ba nangyari?" Tanong niya.
"Si Eros kasi.." Wala sa loob na sabi ko. Nag-iba naman ang aura niya. Ewan ko, pero ang weird ng aura niya.
"Anong meron sa nililigawan mo?" Tanong niya. Yes, alam niya. Alam naman ng lahat ng tao sa campus.
"Wala. Nevermind.." Sabi ko nalang at nagstart na ulit na tumugtog.
"Magkwento ka na kasi." Sabi niya. Umupo pa siya ng parang relax na relax habang nakasandal sa pader.
"Tinatamad ako." Sabi ko.
Lumaki ang mata ko sa gulat nang bigla nalang niya kong yugyugin. Ano bang problema nito?!
"Aray! Hoy! Ano ba?! Andrei isa!" Nagpupumiglas ako pero niyuyugyog niya parin ako.
"Isa, di na tayo bati!" Sigaw ko na nagpatigil sa kaniya pero tumawa lang siya ng malakas. "Ano bang problema mo?!"
"Sorry nag-enjoy ako. Ang cute mo kasi. Hahaha."
"Gago." Inirapan ko siya at mas tumawa lang siya. "Hindi ako cute, ang gorgeous hindi pwedeng maging cute." Bulong ko.
"Welcome back!" Sabi niya pa at tinaas ang dalawa niyang kamay na parang winewelcom talaga ako.
Natawa naman ako sa pag-iinarte niyang iyan nanaman. Hahaha!
Pagkatapos noon ay nagpractice na kami.
Kinwento ko na ang lahat ng nangyari doon sa outing namin. Kating-kati na ko magkwento e. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Bakit ka kasing nag-aaksaya ng oras na ligawan 'yun samantalang pwede ka namang magpaligaw. Dami mo kayang fans." Sabi niya.
"Ang dami ko ring haters." Sabi ko hahaha. "Ano ko sikat?"
"Yie peymus beybe!" Natawa ako sa tono niya.
"Gagi. Hahaha."
"Bakit kasi hindi ka nalang tumingin sa paligid mo. Nandito na nga 'yung iba sa harap mo oh." Sabi niya at naglean forward. Magkatapat na ngayon ang mukha namin.
"Ang lapit mo naman." Sabi ko at umatras.
"Tss. Slow mo talaga." Sabi niya.
"Ewan ko sa'yo ang weird mo talaga!"
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Fiksi RemajaIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...