Tinago ko na ang cellphone ko at lumabas ng convenience store.
Balak ko sanang puntahan na si Eros na may kausap ngayon sa cellphone nang biglang may lumapit saking lalaki. Malaki ang katawan niya, moreno, at mukhang walang gagawing maganda.
Tinignan ko siya nang masama at akmang lalagpasan na siya ngunit mabilis siyang kumilos at mas lumapit sakin.
Nagsalita siya malapit sa tenga ko na siyang nakapagpatayo ng mga balahibo ko. "Sex tayo."
What the actual fuck? Tangina manyakol. Kumulo ang dugo ko. Nakakadiri amputa.
"Tangina mo!" Sigaw ko sa mukha niya "Eros!" Sigaw ko ulit ngunit mukhang hindi niya ko naririnig dahil nakatalikod siya mula dito. Naiiyak na ako ngunit hindi ko pinakita iyon sa lalaki.
Tumagilid ako at siniko siya sa tyan. Napalayo naman siya ng konti sa akin ngunit sisipain ko pa lamang ang armas niya, nahawakan niya agad ang binti ko bago pa man tumama sa kaniya.
Napasigaw ako ng sobrang lakas nang bigla siyang tumumba sa lapag. Dahil dun, nabitawan niya ang paa ko. Hindi ko inaasahan yun dahil may kausap parin si Eros sa cellphone ngunit nakatingin na siya dito. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at agad siyang sumugod dito upang ilayo ako sa nangyayari.
Paglayo namin, dun ko lang na-realize kung sino yung tumulong sa akin.
Nandito kami sa lugar kung saan madalas niya kaming pinagmamasdan. Kaya pala ang bilis ng reaction niya.
"Seven..." Halos pabulong na sabi ko. Sinipa niya sa tyan yung lalaki na ngayon ay nagdudugo na ang labi. Napahiga yun sa kalsada at bumangon. Akmang susuntukin siya ni Seven kaya mabilis siyang tumakbo palayo.
Tumingin agad sakin si Seven at nilapitan ako. Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya. "Ayos ka lang ba? Hinawakan ka ba niya?"
"Ayos lang ako. Salamat Seven." Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na hawak ngayon ni Eros. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sakin ni Eros.
Nakaramdam naman ako ng awkwardness habang mas tumatagal ang pagtitig ni Seven sa kamay namin at pagpisil ni Eros sa kamay ko.
"A-ah.. Eros, si Seven. Kaibigan ko nung high school." Napangiti naman ng mapait si Seven sa binigay kong description sa kaniya. We were actually friends, trying to be almost lovers.
"Seven, si Eros. Nililigawan ko." Pagpapatuloy ko sa pagpapakilala sa kanila. Napatingin naman silang pareho sakin na parang may mali akong sinabi. Tila ba isang malaking tandang pananong ang nasa mukha nila.
"Bakit?" Tanong ko sa kanilang dalawa, ngunit hindi na ako nakatanggap pa ng kahit anong sagot.
Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay nila bebe Eros. Inaya namin si Seven na magmeryenda pero nagpaalam si Seven na may pupuntahan pa daw siya.
"Is he really just your friend?" Biglang sabi ni Eros. "You shouldn't have said that."
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Alin?"
"That you're courting me."
Sasagot palang sana ako nang magsalita siya ulit. "Not that I'm embarassed, it's just that..."
Gusto kong sabihin sa kaniya lahat. Syempre, gusto kong makilala niya ako ng lubos at marealize niyang mabuti ako para sa kaniya.
"We were just friends..." Sabi ko noong parang nahihirapan na siyang humanap ng salita na sasabihin niya. "At nanatili nalang kaming magkaibigan. Siguro ay nagmahal kami sa maling panahon o hindi gusto ng pagkakataon."
Bakas sa mukha niya ang konting pagkagulat ngunit mukhang inaasahan na niyang may kakaibang namagitan sa amin.
"I was hella in love." Mapait na pagpapatuloy ko. "And I was hella hurt."
Bumalik sa isip ko ang mga nangyari sa huling araw na nagkita kami ni Seven at tuluyang hindi na nagkita. Ang ginawa niyang pagbalewala sakin, ang pagiging manhid niya, at ang istorya sa likod ng mga malalamig niyang ekspresyon. Nabuklat muli ang pahina ng mga dahilan at tunay na dahilan kung bakit kami nagkalayo.
Kinwento ko sa kaniya lahat habang seryoso siyang nakikinig. Noon ko lang napansing huminto pala kami sa paglalakad. Ngumiti ako sa kaniya. "Ganun talaga siguro."
Wala siyang imik. Ginulo niya lang yung buhok ko at ngumiti siya sakin.
Ngumiti siya!!!! Sa isang ngiti niya lang ay umaliwalas ang paligid ko. Nagawa niyang pawiin ang mga pagdadaing ko. Para bang isang karera ang puso ko at nag-uunahan ang mga tibok nito.
"E-eros..." Nauutal kong sambit habang nakatulala sa mukha niyang napakaliwanag at nakangiti para sa akin.
Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Bakit?"
"Natutunaw ang puso ko kapag nginingitian mo ako." Seryoso at diretso sa matang sabi ko.
Para namang may kung ano sa mata niya at nag-iwas siya ng tingin kasabay ng popular na reaksyon niyang, "Tss." Pero this time, parang pinipigilan niyang ngumiti.
Omaaaaaaygad. O em ji talaga! Hay, Eros bakit ka ba ganyan? Walang katapusan ang saya at kilig na dinudulot mo sakin!
Natawa ako sa reaksyon niya. Hinawakan ko na ang braso niya at hinatak papunta sa kanila.
Nakaramdam ako ng pagva-vibrate sa hita ko. Huminto ako sa gate nila at hinugot ang cellphone ko mula sa bulsa ko.
Nagchat sa akin si kuya.
Kuya:
Call me asap.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Minsan lang siya magpadala sakin ng ganitong mensahe. Madalas ay "call me when you're home." Pero ngayon, asap? Bakit kuya?
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Teen FictionIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...