Chapter 31: Twisted

22 1 0
                                    

Ramdam na ramdam ko parin ang paninikip ng dibdib ko. Unti-unti na kong nauubusan ng hininga. Pero patuloy parin akong hinahabol ng isang lalaking nakamaskarang itim. Dala nito ang isang baseball bat at papalapit na siya nang papalapit sa akin.

Binuhos ko ang buong lakas ko sa pagtakbo palayo hanggang sa wala nang matira, hanggang sa wala na akong matakbuhan.

Dumating na ang kinatatakutan ko. Naramdaman ko ang mariing paghawak ng lalaki sa braso ko at akmang papaluin ako nang hawak niyang baseball bat.

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit at hintaying lumapat ang bat sa ulo ko.

Kasabay nang pagpikit ko ang pagliwanag ng paligid. Napadilat ako at napabangon sa kinahihigaan ko.

Ano? Isang panaginip nanaman na umagaw sa payapa kong pagtulog. Hinihingal parin ako at ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko.

Ganito na ang parati kong napapanaginipan simula nang iwan ako ni Eros sa daan.

Naalala ko nanaman at nagsimula nanamang manikip ang dibdib ko. Masikip. Mabigat. Masakit.

Bumuga ako ng hangin, umaasang sa paglabas nito sa katawan ko ay kasabay nitong aalis ang sakit na nararamdaman ko.

Muli akong humiga at sinilip ang cellphone ko.

Wala paring text.

Bakit kaya ganyan ka sa akin Eros? Bakit ang dali-dali mo akong saktan? Bakit ang dali mo akong husgahan?

Kahit na masakit, tinext ko parin siya. Hindi ako nanligaw para lang mapunta dito ang relasyon namin. Kaya kahit masakit, magpapakumbaba nalang din ako. Kung ito lang naman ang sagot sa 'di-pagkakaintindihan namin.

Kamusta ka na? Sana hindi ka nagpapalipas ng gutom. Pwede ba tayong magkita mamaya?

Lumipas ang ilang minuto, nakatanggap narin ako ng reply mula sa kaniya. Sa wakas, makakapag-usap narin kami. Napagdesisyunan ko nang ayusin 'to at magpaliwanag sa kaniya. Umaasa ako na sana, hindi na mainit ang ulo niya sakin.

Agad akong naligo at nag-ayos ng katawan. Sinubukan ko ring magpaganda para baka sakaling magandahan sa akin si Eros, mabawasan ang galit niya.

Nagsuot lang ako ng isang long-sleeves na dress. See-through ang manggas nitong puti habang pastel blue naman ang dominant color ng kabuuan ng dress.

Excited na akong makita si Eros. Kahit sa ganitong sitwasyon ay hindi parin nawawala ang pananabik kong makita siyang muli. Ilang araw na rin kaming hindi maayos kaya siguro sobrang namiss ko siya.

Miss na miss ko nang kulitin siya, landiin siya, at iparamdam sa kaniyang mahal ko siya.

Pagdating ko palang sa Luna Café, nakita ko agad ang Eros ko. Nakaupo siya sa isang corner at umiinom ng tubig. Shemay, umiinom nalang gwapo pa!

Napatingin ako sa wrist watch ko, sakto lang naman sa oras ang dating ko pero nandito na agad siya.

"Kanina ka pa ba?" Bungad ko sa kaniya ngunit tinapunan niya lang ako ng tingin at umiling. Pero matapos ang ilang sandali ay nag-iwas na ulit siya ng tingin.

Ayos lang. Kahit sobrang lamig na ng pakiktungo mo sa akin ay ayos lang. 'Wag mo lang akong iwan.

"Baby..." Panimula ko. Huminga ako nang malalim at inipon ang lakas ko. "Tatay ko siya." Napatingin naman siya sa akin na parang naguguluhan.

"'Yung lalaking lumapit sa atin sa Antipolo, tatay ko siya." Halata namang nakikinig siya kaya tinuloy ko na ang sinasabi ko. "Hindi kami okay. Matagal na kaming hindi nagkita. Broken family kami, baby." Sinubukan kong itago ang lungkot sa boses ko. Halata sa mukha niyang nagulat siya sa sinabi ko pero nanatili lang siyang nakikinig.

Hindi ako si Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon