Gabi na pero hindi parin ako makatulog.
Napagdesisyunan kong bumaba at uminom ng kape.
Sabi nila, nakakawala ng antok ang kape at dapat hot chocolate or hot milk ang inumin dahil mabisang pampaantok iyon.
Pero para sa'kin, mas inaantok ako kapag nagkakape ako. Hindi ko alam kung bakit. Hahaha
Kumuha ako ng ice at cold water para ilagay sa mixture ng kape ko. I love cold coffees and frappes.
Iinumin ko na sana 'yung kape nang makita kong bukas yung ilaw sa labas. Hinawi ko 'yung makapal na kurtina para makita kung bakit.
Nakita ko doon si Eros na nakaupo sa lapag. Lumabas ako at nakita ko siyang umiinom ng cold coffee in can, sa tabi niya ay ilang empty cans ng beer.
Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko ang mga binti ko. Ininom ko ang tinimpla kong kape. Nakaharap kami ngayon sa dagat sa di kalayuan.
"Mas masarap ang timpla ko kaysa sa in-can." Paninimula ko.
"Weh?" Sabi niya. Palagay ko ay medyo lasing na siya.
"Bakit nandito ka pa? Gabi na a." Tanong ko.
"Gusto ko lang mapag-isa. Matagal na kong mag-isa, pero bumalik nanaman siya." Wala sa loob na sabi niya. May tama na nga, madaldal e.
"S-si Ericka ba?" Tanong ko.
"Sino pa ba?" Natawa siya sa sinabi niya.
There was an awkward silence. Maybe nahalata niya rin iyon. Medyo masakit kasi para sa'kin 'yung sinabi niya.
"Bakit ka ba nagtyatyaga sa'kin?" He asked out of nowhere.
"Simple. Mahal kasi kita." Simpleng sagot ko at uminom ulit ng kape.
"Nag-aaksaya ka lang ng effort."
"Bakit? Bumalik ka na ba sa kaniya?" Di ko napigilang itanong.
Hindi siya sumagot. Silence means yes. But there's my heart wishing he didn't.
"Haha. Okay lang kung bumalik ka na. Just let me know." Sabi ko.
He was still silent at the moment.
"I'll take that as a yes." Sabi ko. Akmang tatayo na ko nang finally sumagot na siya.
"Hindi ganoon kadali 'yun. Matapos kong malaman na sila ng bestfriend niya habang kami. Babalik siya rito at sasabihin na balikan ko siya? Parang ang dali-dali ng sinabi niya."
Nagulat ako sa sagot niya. Inaasahan kong yes or no lang ang sagot niya. Pero hindi ko ine-expect na ikukwento niya ang nangyari. I know him. He would never tell me stories, he would always be careful.
Pero siguro nga, dala ng nakainom siya nang konti.
"Walang reset button ang buhay. Kapag nagkamali ang isang tao, kailangang tanggapin kung game over na. You can start over again, with a different game. And make sure na hindi mo na uulitin ang mga mali mo." Sabi ko.
Natawa nalang siya. "Bakit ba ang dami-dami mong alam? Ang tapang mo." Said he. "That makes you mysterious." Really? After telling stories, he's now describing me? Is he on drugs? Kilig lang ako e. He's not on drugs, but he's on alcohol.
"Naranasan ko nang masaktan. Naranasan ko nang maiwan. Lahat na yata naranasan ko." Natawa nalang din ako.
And there was again awkward silence. I sipped at my iced coffee.
And the next line he spoke up was the thing I never expected I would hear from him.
"Why can't it be you? Sana ikaw nalang ang minahal ko." Nagulat ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Novela JuvenilIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...