"Hi, Keith!" Todo ngiti kong bati sa kanya.
Inirapan niya lang ako at bumalik sa pagbabasa ng libro. Aba't makairap, pasalamat sya, sya ang lab op mah layp. Kundi-- Okay. Tumabi ako sa kanya.
"Alam mo, kahit masungit ka. Crush parin kita."
Lumapit pa ko sa kanya.
"I love you!" Bulong ko sa kanya. At tumayo na ko.
Hindi nanaman niya pinansin.
Umalis na ko, magpapahangin lang. Puro lamig ng aircon meron ang classroom namin e.
Nandito ako sa hallway. Nagpapahangin.
Masakit paring hindi niya pinapansin. 5 months na akong nagsasabi non sa kanya. Pero hanggang ngayon, wala paring epekto sa kanya.
'Tss.' 'Get fcking out of here.' 'Get lost!'
Yan lang ang lagi nyang sinasabi sakin. Maybe he hates me.
Pero hindi ako papayag. Syempre, kailangan kong baguhin yun.
Kailangan kong mabago yun. I'll make him fall inlove with me.
Tingin niyo kailangan ko na siyang ligawan?
Fine. I'll officially court him. Seriously.
Limang buwan ko na syang tinatanong, pero isang matamis lang na.. 'No. So leave me alone.' ang natatanggap kong sagot.
Babalik na sana ako sa classroom nang makita ko syang naglalakad palabas.
Omg, imagination ko lang ba 'to o ano?! NAKATINGIN SYA SAKIN!!
Tapos nagsmirk? (_ _")
Naglalakad na sya ngayon. Teka! May sasabihin pa koooo!
Hinabol ko sya. Hinawakan ko sya sa braso at tumingin siya sakin. Bumaba yung tingin niya sa braso niya.
"Liligawan kita, Keith." Diretso sa matang sabi ko.
"I thought you are smart. I said no for the nth time!" Iritang sagot niya.
Ngumiti naman ako ng malaki at parang nagulat naman siya ng konti dahil sumagot ako ng di niya inaasahan..
"And I thought you are smart, too. It's a statement baby, not a question."
BINABASA MO ANG
Hindi ako si Maria Clara
Ficção AdolescenteIstoryang walang kwenta. Walang poise. At walang katapusan. Synopsis: Eris Cua is not the modest, reserved girl in town. She does whatever she wants to get her crush, even if it means courting him. Her outgoing and free attitude oversees the possibi...