Kabanata 19

79 5 3
                                    

Problem

"Czarielle!"

Isang masungit na sigaw mula sa likuran ko ang nagpatigil sa aking paglalakad. Kilalang kilala ko ang may-ari ng boses na iyon.

Alam kong dapat ay mainis ako sa kaniya pero bakit biglang nagwala ang mga insekto sa sikmura ko? Talaga bang ganito ang epekto niya sa akin?

Pinilit kong dedmahin ang nararamdaman ko at ang taong tumatawag sa akin. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako nagpasyang magpatuloy sa paglalakad na animo'y walang narinig kanina.

"Hey!" Muling sigaw niya.

At muli ay hindi ko siya pinansin.

"Czarielle, wait!"

Patuloy ko siyang hindi pinapansin. Sa tingin ko naman ay wala nang dahilan para kausapin ko pa siya ulit. Siya nga unang umiwas sa akin diba?

Akala ko ay sisigaw muli siya para tawagin ako pero mukhang nagkamali ako ng akala. Hindi na nasundan pa ang kaninang pagtawag niya.

Alam kong para akong tanga rito na nag-iinarte noong tinatawag niya tapos ngayon ay manghihinayang kasi tumigil na siya. Alam ko naman na isa itong kabaliwan. Pasensiya naman, nasasaktan lang.

Wala akong karapatan, oo. Wala kaming relasyon, oo. Pero magkaibigan kami for pete's sake! Katanggap tanggap naman siguro kung mag-inarte ako rito dahil nasaktan ako at patuloy na nasasaktan dahil sa biglang pagbabago ng trato niya sa akin.

Patuloy lang ang pagmo monologue ko sa aking isipan nang biglang may humila sa braso ko.

"Aray! Ano ba?!" Isang masamang tingin ang pinukol ko sa taong humila sa akin. Mabilis na rumehistro ang gulat sa mukha ko na pinilit kong itago kaagad nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko.

"I was calling you. Are you deaf?" Bakas ang iritasyon sa kaniyang mukha.

"I waited for you last time. Are you blind?"

Naiinis ako dahil parang wala lang sa kaniya ang mga nangyari pero heto ako at apektadong apektado dahil doon.

"I'm sorry. I was---"

"Save your explanation for yourself. I don't need that." Pagputol ko sa ano man na sasabihin niya. Tinanggal ko rin ang kamay niya sa braso ko. Nakita kong nagulat siya dahil sa sinabi ko at sa ginawa ko. Pinabayaan ko ang mga iyon at naglakad na muli.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko ngayon.

"Czarielle, wait!" Inis niyang wika nang maabutan niya ako sa paglalakad.

Bakit ba kailangan niyang maging matangkad at ako ay hindi? Pakiramdam ko tuloy ang tatlong hakbang ko ay katumbas lamang ng isang hakbang niya kaya madali lang para sa kaniya ang maabutan ako.

"What do you want?" Nagpipigil ng inis na tanong ko sa kaniya. I don't know how long will I be able to hold my anger. Alam kong nasasagad na ang pasensiya ko ngayon.

"Why are you acting like this?" Kitang kita ko sa mga mata niya na naguguluhan siya sa mga nangyayari.

Like seriously?! Hampasin ko kaya siya ng librong hawak ko ngayon at baka sakaling matauhan siya.

"Like this? What do you mean by that, Kyle? But anyway, you don't care. You shouldn't care." I know I am getting harsh on him. But can you blame me? Tuwing naaalala ko ang ginawa niyang pang-iiwan at pandededma sa akin ay pinaghalong sakit at inis ang nararamdaman ko.

Naiinis ako sa ideya na lumalapit lang siya sa akin kung kailan niya gusto. Ang dali lang para sa kaniya na huwag akong pansinin kapag gusto niya tapos ay kausapin muli ako kapag naisipan na niya. Ang dali lang sa kaniya na tratuhin ako tulad ng pagtrato niya sa mga taong hindi niya kakilala. Nakakainis isipin na lumalapit lang siya sa akin kapag convenient sa kaniya ang sitwasyon.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon