Fall
Nandito ako ngayon malapit sa kinaroroonan ng gate para hintayin ang pagdating ni Czarielle.
"Morning bro. Tara, sama ka sa amin?" Pagyayaya sa akin ng teammates ko sa basketball nang makita nila ako na nakaupo sa isa sa mga bench na nasa school ground.
"Mauna na kayo, bro." Pagtanggi ko sa kanila.
"May hinihintay ka ba?"
"Oo eh."
"Sino?"
"Si Prada ba?"
"Ikaw ha!"Sunud sunod na pangangantiyaw nila sa akin.
Sino si Prada? Siya ang captain ng volleyball team na obviously ay nililink nila sa akin. Kabatch din namin siya.
"Hindi siya." Seryosong sagot ko sa kanila. Alam ko kasing hindi sila matatapos sa pang-aasar sa akin kapag hindi ako sumagot.
"Sabi mo eh. Una na kami ha?" Nakipag fistbump muna sila sa akin bago sila umalis.
Naghintay pa ako roon ng ilang minuto dahil wala pa ring Czarielle ang dumarating. Umayos ako sa pagkakaupo nang makita ko si Dame at Naomi na sabay pumasok, akala ko ay kasama nila si Czarielle ngunit wala ito.
"Oh K-Kyle, may hinihintay ka?" Halatang nahihiya na tanong ni Naomi noong napansin niya ako. Hanggang ngayon pala ay nahihiya pa rin sila sa akin.
Napahawak ako sa batok ko. Tumayo ako para hindi naman nakakahiya sa kanila. "Oo eh." Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila na si Czarielle ang hinihintay ko.
"Sino?!" Ganadong tanong ni Dame sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin sa mga mata nilang punong puno ng curiosity. "Si Czarielle."
I chose to tell them the truth dahil naisip ko na kung gusto ko si Czarielle, dapat malaman iyon ng mga taong malalapit sa kaniya. I know how much she loves her friends so much.
As if on cue, sabay na tumili sa harapan ko si Naomi at Dame. Hindi pa sila nakuntento at naghagikgikan pa sila habang anyong nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Agad ko silang pinatahimik dahil mas lalo na kaming pinagtitinginan ngayon dahil sa ingay na ginagawa nila.
"Kaso galit siya sayo." Wika ni Naomi noong humupa na ang sobrang taas na emosyon na nararamdaman niya.
"Correct! Ikaw naman kasi eh." Paninisi ni Dame sa akin at saka niya inikot ang kaniyang mga mata pataas.
"I know. That's why I want to say sorry to the both of you. I'm sorry if I hurt your friend or if I made her mad. I will explain myself to her soon, I promise."
"Bakit ka sa amin nagso sorry? Dapat kay Czarielle ka humingi ng tawad." Masungit na wika ni Naomi.
"I know. But still, you are her friends. Alam ko na noong nasaktan ko siya ay parang nasaktan ko na rin kayo."
Nanlaki ang mga mata nilang dalawa sabay nagbulungan.
"Shit. Ang swerte ni Rielle!" Bulong iyon ngunit narinig ko pa rin. Malalakas kasi talaga ang boses ng mga kaibigan ni Czarielle.
Medyo napatawa ako dahil doon habang sila naman ay napatitig sa akin.
Bakit sila namumula?
"Ayos lang ba kayong dalawa?" Nag-aalangan na tanong ko sa kanila.
Hindi nila ako sinagot. Nanatili silang nakatitig sa akin. Nakaka conscious din pala ang ganito kaya nag-iwas ako ng tingin.
"A-ay nako! Kailangan na pala naming umalis." Agad na sambit ni Dame at saka hinila si Naomi para matangay sa paglalakad niya.
"Oo nga. Bye Kyle, good luck!" Pahabol na sigaw ni Naomi dahil medyo malayo na sila sa akin.
Mabilis silang naglakad palayo. Napakibit balikat na lang ako habang bumabalik ako sa pagkakaupo ko kanina. Ang tagal naman ni Czarielle ngayon.
Sinipat ko ang relo ko at doon ko nalaman na maaga pa rin pala. Noong magbalik ako ng tingin sa labas ay eksaktong nakita ko si Czarielle na naglalakad papasok sa gate.
"Good morning, Czarielle," bati ko sa kaniya nang magkaharap kaming dalawa.
Tinignan niya ako saglit tapos ay nagpatuloy sa paglalakad na akala mo ay hindi ako nakita.
"Come on, Czarielle. I'm sorry, please." Pakiusap ko sa kaniya habang pilit siyang sinasabayan sa paglalakad.
Hindi pa rin siya kumikibo.
"Czarielle, please."
Nakaka frustrate pala ang ganito. Ngayon alam ko na ang naramdaman ni Czarielle dahil sa ginawa kong pambabalewala sa kaniya. Sobrang tanga ko talaga para gawin iyon.
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante ngayon dahil sa ginagawa kong pagsunod kay Czarielle. Wala naman akong pakialam doon dahil para naman ito sa babae na nasa unahan ko ngayon.
"Czarielle," malumay na tawag ko sa kaniya nang magkatabi kami.
"What do you want?! Wala ka bang makasama kaya ako na naman ang ginugulo mo ngayon?!" Irritation was written all over her face.
"No, I chose to be with you. I want to be with you," diretso kong tugon. Napahinto siya sa paglalakad. Napatigil din ako sa paglalakad nang ma realize ko ang mga sinabi ko.
Hindi siya makatingin sa akin. Nakayuko lang siya pero kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya.
I took that chance to express myself to her.
"Czarielle, I'm really sorry. I know I was stupid back then. I was stupid for leaving you last time. I was stupid enough to do all the things that I did to you. I'm really sorry."
Tumingin siya sa akin ngunit agad din nag-iwas ng tingin.
"Ang dami ng nakatingin oh, lumayo ka na sa akin. Baka masira ang image mo dahil sa pagdikit mo sa akin." Malamig ang boses na sinabi niya sa akin.
"I don't care. Ikaw ang mahalaga sa akin. Ikaw lang at hindi sila."
Damn. Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko. Maybe because it wasn't really me who is talking right now, it was my feeling. Every word comes not from the mind but from the heart.
Halatang nagulat siya dahil sa naging sagot ko ngunit kaagad din naman siyang sumimangot at saka ako hinarap.
"It's not funny, Kyle. Stop playing around," sabay lakad niya paalis sa tabi ko. Mas mabilis ang lakad niya ngayon kumpara sa kanina.
Hinabol ko siya at hinawakan sa kaniyang braso.
"I'm not playing here, Czarielle. Listen, I'm very sorry. I didn't mean to hurt you. It was not my intention to make you feel that way."
"Then was it your intention to make me f---" Mahinang saad niya na hindi ko narinig ang hulihang bahagi dahil sa isang grupo ng mga estudyante na maingay na dumaan sa gilid namin. Tumingin pa nga ang mga ito samin ngunit umalis din agad.
"What did you say?" I asked eagerly.
"Ha? Wala. Don't assume too much." Aniya sabay alis ng tingin niya sa akin.
"Come on, Czarielle, tell me. I heard you saying something."
"Ewan ko sayo." Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at saka siya muling naglakad palayo.
Ang pikon talaga ng babaeng gusto ko.
Pero sigurado talaga ako na may narinig akong sinabi siya kanina.
Make you what, Czarielle?
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Teen Fiction"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...