First day
Isn't it amazing how we met people by accident then in instance they just meant a lot to us?
Was meeting them a choice or a fate?
Shrugged shoulders.
"Czarielle Montesilvia, wake up!! Anong oras na!!"
Nagising ako dahil sa sigaw mula sa labas ng kwarto ko. I know it was Manang Mercy, she has been doing that for three times already.
"Five minutes pa po!" May kalakasang sigaw ko sabay takip ng unan sa mukha ko.
"Kanina pa iyang five minutes mo na 'yan! Tumayo ka na diyan!!" Malakas ang boses na wika ni Manang na ngayon ay sigurado akong nandito na sa loob ng kwarto ko.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tuluyang buksan ang mga mata ko. I heaved a deep sigh then lazily sat down on my bed. Bakit ba kasi kahit ang liit na tao ni Manang ay para siyang may built-in megaphone sa katawan niya sa lakas ng boses niya. I feel bad for my eardrums.
"Mabuti naman at tumayo ka ng bata ka." Aniya sa mas kalmado nang boses.
Tinignan ko siya at saka nginusuan.
"Mag-ayos ka na riyan at baka ma-late ka sa first day niyo. Ihahanda ko na ang umagahan mo."
Pasukan na pal- Wait, WHAT?
Oh damn! Ngayon nga pala ang unang araw ko bilang isang ganap na college student. Just the thought of it sends shiver to my body. I wonder what will going to happen now that I'm in college.
Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili.
This is it, Czarielle. You're a college student already. You can do this!
Pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa malaking salamin na nasa kwarto ko. Inayos ko ang suot kong uniporme bago sinuklay ang mahaba at itim kong buhok. Nang makuntento na ako ay isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko.
"Aalis na po ako." Pagpapaalam ko kay Manang Mercy na ngayon ay abala na sa kusina.
"Sige, hija, nasa labas na si Ruben para ihatid ka. Mag-iingat kayo."
Magalang akong tumango sa kaniya bago ako humalik sa kaniyang pisngi.
Si Manang Mercy ay itinuturing ko ng pangalawang ina ko dahil sa tagal na niyang naninilbihan sa aming pamilya. Bagong kasal pa lamang ang mga magulang ko ay dito na siya nagtatrabaho hanggang sa ngayon na malaki na ako. Siya ang tumatayong ina at ama ko sa tuwing wala ang mga magulang ko.
"Tumawag nga pala ang Mommy mo, hindi pa raw sila makakauwi hanggang sa susunod na linggo."
Tinanguan ko na lamang siya bago ako tuluyang umalis. My parents have been like that for I don't know how long and I am so used to it. Don't get me wrong, I'm not complaining. It was just that, I can't help but feel sad and lonely at times.
Glamour University~
Sa pangalan pa lang ng paaralan ay iisipin mo na agad na puro mayayaman ang mga estudyante dito. Sa pangalan pa lang ay parang ang sarap nang mag-aral dito. At dahil hindi na naman bago sa akin ang lugar na ito ay masasabi kong maganda talaga rito. Maganda ang paraan ng pagtuturo ng mga guro, maganda ang pagpapatakbo sa sistema at maganda ang mga facilities and equipments.
Glamour University has a sub-division which is called Glamour Academe. It was intended for the elementary and high school department. Glamour University was, of course, for the senior high school and college department. Karamihan sa mga nag-aaral sa Glamour University ay nagmula rin sa Glamour Academe. Kaya nga hindi na bago sa akin ang mga mukha ng mga estudyante na nakikita ko ngayong first day of school.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Подростковая литература"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...