Badminton
Kyle's POV
Nandito kami ngayon sa school gymnasium para sa aming klase sa Physical Education. Wala pa ang mga babae naming kaklase, nagbibihis pa yata sila hanggang ngayon. Kaming mga lalaki naman ay katatapos lang maglaro ng badminton. Individual sports kasi ang nakalagay sa curriculum namin para sa aming PE1.
Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase naming babae. Napako ang tingin ko sa isang babae. Naka bun ang kaniyang buhok at nakasimangot siya. Nakasoot siya ng maikling palda na ang alam ko ay may short sa loob, at sando naman bilang kanilang pang-itaas, katulad ito ng official uniform ng mga naglalaro ng badminton.
Hindi siya ang pinakamaganda sa mga naroon pero may kakaiba siyang karisma na tila nagtutulak sa mga tao na hangaan siya. And for me, that makes her the most beautiful girl.
Simple lang siya. Walang kaartehan sa katawan. Napaka natural ng pagkatao niya. It's like she is in the middle of everything, not too much, not too little... But definitely enough.
"Ano ba, Rielle! Hindi naman kasi sobrang ikli eh. Iniisip mo lang iyon." Mahinang sigaw ni Dame sa kaniya.
Si Czarielle nga ang tinutukoy ko. Iba na nga yata talaga ito.
Nagsimula na rin maglaro ang mga babae naming kaklase. May mga nagpakitang gilas at may iba naman na nagkalat lang sa loob. Mayroon din na marunong lang ng mga basic.
"Next pair will be Montesilvia and Nicolas." Anunsiyo ng aming guro sa mga apelyido na susunod nang maglalaro.
Pumunta si Czarielle at ang kaklase namin na makakalaban niya sa gitna ng court.
Ang buong atensyon ko ay nasa kaniya lang.
"Shit, ang ganda ni Czarielle ngayon." Rinig kong komento ng lalaki sa likuran ko.
"Oo nga, pre."
"Si Czarielle 'yon diba? Bakit parang may nag-iba sa kaniya?" Wika ng lalaki sa gilid ko na mula sa ibang klase.
"Nag-iba siya ng style ng buhok at pananamit. Maganda pala talaga siya."
"Mukhang masarap." Sabay tawanan ng mga lalaki sa gilid ko.
Doon na tuluyang naputol ang pisi ko ng pagtitimpi. Napatikhim ako sa huli kong narinig. Binalingan ko ang mga lalaki sa gilid ko pati na rin iyong nasa likuran ko at saka sila tinignan ng masama.
"Huwag si Czarielle! Do not ever try to do something bad or even say something bad to her." I said firmly and in gritted teeth.
Mukha naman naintindihan nila ang sinabi ko dahil agad silang tumango sa akin na parang mga nahintakutan.
Inalis ko ang tingin ko sa kanila at muling pinanood si Czarielle. Magaling siyang maglaro ng badminton. At tama sila, ang ganda niya— I mean no, mas lalo siyang gumanda. Maaaring hindi siya masyadong napapansin noon dahil sa ayos niya pero para sa akin, noon pa man ay maganda na siya. It's her simplicity that makes me fall for her. Ngunit ngayon, masasabi kong may kakaiba talaga. It's like something is shining within her. And it's making me fall harder.
Natapos ang laro nila na siya ang nanalo. Umalis sila sa gitna noong tinawag na ng guro namin ang susunod na mga maglalaro. Ako naman ay tumayo na at naglakad papunta sa entrance ng gym.
"You're showing too much skin, lady." Sambit ko nang dumaan si Czarielle sa gilid ko.
Napasinghap siya nang makita ako at saka ako inirapan. "Ano naman sayo?"
"I don't like it." Medyo inis na sagot ko sa kaniya.
"What do you want, Kyle? I don't understand you and your game. Bigla kang hindi namamansin diyan tapos ngayon bigla kang mangingialam sa akin. Ano bang gusto mong mangyari?"
She's mad. I could see it in her eyes.
"I'm sorry, okay? But would you please change your clothes now? Ayoko lang may mga taong bumabastos sayo, you don't deserve that. No one is." Pakiusap ko sa kaniya gamit ang malumanay na boses.
"Oo na! Nakakainis ka talaga!" Mahina ngunit madiin na wika niya sa akin at saka padabog na naglakad paalis.
Ewan ko kung bakit pero napangiti na lang ako dahil sa inasal niya. Iba talaga siya.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ko siya nakitang naglalakad pabalik sa gym. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa bukana ng gym para hintayin siya. Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya nang makita niya ako. Nginitian ko siya. She was now wearing our school jogging pants and a white shirt. It's so simple but she looks so pretty.
"Much better. Let's go?" Nakangiting saad ko nang makarating siya sa kinatatayuan ko.
Napasinghap na naman siya. "I can go by myself." Aniya sabay irap muli sa akin.
Ang sungit niya ngunit alam ko naman na ako ang may kasalanan.
Napakamot ako sa batok ko bago ko siya sinundan. Hinabol ko siya at sinabayan sa paglalakad sa kabila nang patuloy niyang pang-iirap sa akin.
"Maybe we can sit here." Tinuro ko sa kaniya ang bakanteng upuan na nakita ko.
"No, thanks." She answered coldly, at saka naglakad papunta sa kinauupuan nila Tasha.
Pasimple akong nagbuntong hininga. What shall I do?
But hey, I don't have any plan on giving up on her.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Teen Fiction"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...