First love
Friday na naman. Ang bilis talaga ng araw. Wala kaming pasok ngayon pero nandito kami sa auditorium for a brief meeting about the different school clubs.
"Wala pa rin akong clubs na sasalihan." Nakalabi kong saad kay Ezekiel. Mahina lang dahil baka mapagalitan kaming dalawa dahil sa ingay. Nakita kong napatingin si Kyle, na katabi niya, sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Simula noong bumalik si Ezekiel ay nakakasama na namin si Kyle, pero minsan lang iyon. Madalas ay mag-isa pa rin siya.
"Isang taon akong nawala tapos ganyan pa rin ang problema mo? Grabe ka talaga, Czarielle." Pang-aasar niya sa akin habang tumatawa.
"Ewan ko sayo. Hindi ka nakatulong." Kunwari'y galit na inirapan ko siya.
"Sorry na." Tumawa siya sabay akbay sakin. "Ayaw mo ba sa Dance Troupe?"
Dance? No way! Agad akong kinilabutan.
"I d-don't l-like it." Nauutal kong sagot sa kaniya.
"Czarielle naman. It has been what? Two years? You should forget that. Move on."
Parang pinipiga ang puso ko sa bawat katagang binitawan ni Ezekiel. He was right, it has been two years since that incident happened. I should move on. I must move on! Pero paano? Paano ko gagawin iyon kung everytime na sinusubukan kong mag move on ay naaalala ko ang mga nangyari at tanging sakit ang binibigay non sa akin? Paano ko gagawin iyon kung pakiramdam ko ay kamakailan lang nangyari ang lahat?
Naramdaman ko ang pagpapawis ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay tutulo na ang mga luha ko ilang sandali na lang kaya agad akong tumayo at nagpaalam kay Ezekiel na pupunta lang ako sa banyo.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ako makagawa ng eksena at sa tingin ko naman ay nagtagumpay ako.
Pagkalabas ko ng auditorium ay agad kong tinext si Ezekiel at sinabing okay lang ako, na huwag niya na akong hanapin dahil babalik din ako kaagad. Tinext ko rin sila Dame na umalis lang ako sandali.
Dali dali akong pumasok sa nakita kong CR at doon ko hinayaang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko.
Bumabalik na naman sa alaala ko ang lahat. Lahat ng mga nangyari. Lahat ng mga pinagdaanan ko. Lahat ng sakit.
At hanggang ngayon ay ang sakit sakit pa rin.
Ilang minuto rin akong nagtagal doon. Nang pakiramdam ko ay wala na akong iluluha pa ay saka lamang ako lumabas sa cubicle. Inayos ko ang sarili ko at saka lumabas sa comfort room.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa pintuan ay may humila sa braso ko at naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Akala ko noong una ay si Ezekiel iyon. Pero hindi, iba ang pabango niya, ang tindig niya at iba ang nararamdaman ko.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Kung dahil ito sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ako sigurado.
Tumingala ako para tignan kung sino ang taong yumakap sa akin at upang itulak siya palayo ngunit nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"K-kyle?" Gulat na tanong ko sa lalaki na ngayon ay nakatingin din sa mga mata ko.
"Hush! If you're hurt, just cry. If you're sad, just cry. If you're lonely, just cry. But after crying, make sure you will go to me and I will be the one to comfort you." Malumanay niyang wika. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin.
Naiiyak na naman ako dahil sa mga sinabi niya ngunit wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko. Mas nangingibabaw sa akin ang bilis ng tibok ng puso ko. May nararamdaman din akong mga insekto na tila muling nabuhay sa sikmura ko.
Ano ba talaga ito? Bakit tuwing nandyan si Kyle ay saka ko lang ito mga nararamdaman?
And in instance, may nag flashback sa alaala ko. Bumaha ng iba't-ibang alaala, mga pangyayari kung saan may kasama ako isang tao. Masaya ako, masaya kaming dalawa.
Naramdaman ko na pala ang mga bagay na ito noon pa man. Naging manhid ba ako dahil sa sobrang sakit na dala ng nakaraan kaya hindi ko ito agad na figure out?
More than two years ago, halos araw-araw kong nararamdaman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Ang mabilis na karera sa dibdib ko. Ang kakaibang init sa mukha ko. Lahat iyon ay dahil sa kaniya. Sa lalaking minahal ko ng sobra. Sa lalaking nagbigay sa akin ng maraming alaala. Sa lalaking unang nanakit sa akin, sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala.
Sa aking First Love.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Teen Fiction"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...