Chapter 34- Little Things

56 1 0
                                    

Be with someone who will love you for who and what you are. Someone who will see you at your worst but will still choose to stay. Someone who will love you with all your imperfections and will think that those flaws are what makes you a beautiful human being. Someone who will understand your strengths and will accept your weaknesses. Someone who will help you to be a better version of yourself. And together, the two of you will complete each other.

And I know for a fact that I am blessed because I finally found that someone.

I smiled widely as I stared at the man right beside me. Nakahiga siya sa mat na nilatag namin kanina dito sa garden, ginawa niyang unan ang mga braso niya. Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi habang nakatanaw siya sa kulay asul na kalangitan.

Itinaas ko ang kanang hintuturo ko at marahang nai trace ang matangos na ilong ni Kyle. Hindi pa ako nakuntento at pinadaan ko pa ang hintuturo ko sa ibabaw ng labi niya papunta sa kanang pisngi niya at saka iyon marahang tinusok tusok.

"What is it?" Tumagilid si Kyle at humarap sa akin. Nakangiti niya akong tinignan.

Nakangiti akong umiling iling sa kaniya. Tapos ay humiga ako at isiniksik ang sarili ko sa tabi niya na tila isang maliit na bata.

"I'm so lucky to have you." Malambing na wika ko sa kaniya habang nakatago ang mga mukha ko sa dibdib.

It has been six months after Kyle started to court me. Anim na buwan simula noong nagpakilala siya sa mga magulang ko, simula noong sinabi niya na liligawan niya ako pumayag man sila o hindi. Anim na buwan na pinaghalong saya, lungkot, problema, kilig at iba pa na kay Kyle ko lamang naranasan.

"Let's go, Rielle... We will go somewhere." Biglang saad ni Kyle na noon ay nakaupo na sa damuhan at matamang nakatingin sa akin.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa mat at saka siya tinignan. "Saan tayo pupunta?"

"Basta. Let's go?" Tanong niya habang inaayos ang mat na nilatag namin kanina.

"Magpapalit muna ako. Wait for me, alright?"

"You know I'll always wait for you." Ani Kyle sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko, hindi pa siya nakuntento at kinurot pa niya ang ilong ko. Nanggigil na naman siya sa akin.

"Stop it, Kyle!" Kunwari'y masungit na saway ko sa kaniya.

"Can't help it, my love is so pretty."

And right there and then, I blushed.

Pabiro ko siyang pinalo sa braso. "Diyan ka na nga, magpapalit lang ako ng damit sandali."


"What are you wearing?" He looked at me from head to toe.

"Bakit anong masama sa soot ko?" Tanong ko habang tinitignan din ang soot ko. I was wearing loose top, a short and a flat shoes.

"We're not going to the mall, Rielle. Please change into something more comfortable."

"Pero komportable naman ako sa soot ko ngayon."

"Just please... change." Aniya habang hinihilot ang sentido niya. Mukhang sumasakit na ang ulo niya dahil sa akin.

Bumalik ako sa kwarto ko at naghanap ng bagong susuotin. I wore a pulled over skinny jeans across a tight-fitting sweater.

"Much better," komento ni Kyle nang makita niya akong bumababa sa hagdanan namin.

Nagpaalam kami sa parents ko na kasalukuyang nasa study room. Agad silang pumayag at sinabing mag-ingat kaming dalawa. Gusto ni Mommy si Kyle, she has been very vocal about it. Si Daddy naman ay hindi masyadong nagkokomento ngunit alam ko na gusto niya rin si Kyle, hindi naman siya papayag na ligawan ako ni Kyle kung ayaw niya rito.

"Pahatid tayo sa dri—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagsingit ni Kyle.

"Gusto ko sanang mag commute na lang tayo. Would you be fine with that?" Aniya sa malambing na boses.

"Of course."

Hinawakan ni Kyle ang kamay ko at sabay kaming naglakad paalis sa bahay namin. Tahimik kami buong biyahe at nang nakarating kami sa pupuntahan namin ay napanganga ako.

Akala ko pupunta kami sa mall o kaya ay dadalawin ulit namin ang ina niya. Ganoon kasi ang madalas na ginagawa namin. Pero iba ngayong araw dahil pumunta kami sa isang theme park.

Kaya pala pinilit niya akong magpalit ng damit. Ganito pala ang plano niya. Kyle really has his own way of surprising me every time.

"Let's go," aniya habang marahan akong inaalalayan papasok sa loob ng theme park.

"Gusto ko non!" Tumigil ako sa paglalakad at tinuro ang isang panda na stuffed toy.

Napatingin siya roon at saka ngumiti sa akin.

"Manong, isa nga po." Aniya sa nagbabantay sa palaro sabay abot ng pera na bayad niya.

Kailangan mong batuhin ang bull's-eye ng dart board ng isang beses gamit ang limang darts na ibibigay sayo. Mahirap ito dahil malayo ang distansya ng tao mula sa dart board.

Sa unang subok niya ay sablay agad. Sumubok ulit siya sa pangalawang pagkakataon ngunit sablay ulit.

"Let me try." Kumuha ako ng isang dart mula sa mga hawak niya. Tinira ko iyon ngunit hindi tumama sa bull's-eyes, sayang nga lang dahil malapit na ito doon.

"Ako na ulit." Aniya sabay marahang ginulo ang buhok ko. Pagkatapos non ay binaling na niya ang atensyon sa dart board, mas nakapokus na siya ngayon kumpara kanina.

Dahan dahan niyang iniangat ang dart doon sa tapat ng dart board at saka iyon pinakawalan sa ere.

Pigil ang hininga ko habang hinihintay na tumama ang dart.

At natamaan niya! Bull's-eyes!

"Wow! You got it!" Namamangha na wika ko at saka nagtatalon talon.

Binigay ni Manong sa kaniya ang panda na stuffed toy na siya namang binigay niya sa akin.

"Thank you, Kyle." Nakangiting wika ko sa kaniya.

"You're welcome, Rielle. Let's go." Aniya sabay hawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya nang pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. Ngumiti siya sa akin at napangiti rin ako.

Hanggang ngayon pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang lahat. Noong una kong nakita si Kyle ay katulad ng iba, napansin ko agad ang kagwapuhan na taglay niya. But that was all. Hindi ako nagkagusto sa kaniya, ni hindi ko nga nakita ang sarili ko na magkakagusto sa kaniya.

Pero nagbago ang lahat noong tumuntong kami sa college. Hindi ko alam kung bakit parang pilit pinagkukrus ang landas namin dalawa. Then I just found myself getting curious about him. Little did I know that while I was searching for answers to feed my curiousity, I was drowning in the process. I was slowly drowning in him.

Parang kahapon lang hindi niya ako kilala tapos ngayon heto na siya sa tabi ko. Parang kahapon lang hindi kami nagpapansinan tapos ngayon magkahawak na kami ng mga kamay.

Tinignan ko ang panda na stuffed toy na binigay niya sa akin, yakap ko ito ngayon gamit ang kaliwang kamay ko. Pagkatapos ay tinignan ko naman ang magkahawak na mga kamay namin ni Kyle.

Truly, the little things and the little moments aren't really little.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon