Kabanata 2

149 4 0
                                    

I.D.

Pangalawang araw na ng pasukan ngunit wala pa rin kaming masyadong ginawa. Puro announcement of requirements and the do's and don'ts ang nangyari sa buong araw.

"Class dismissed!" Wika ng guro namin sa huling subject sa araw na ito.


Nililigpit ko ang mga gamit ko noong lapitan ako ng mga kaibigan ko. Wow, ang bilis talaga nilang dalawa.

"Punta tayo sa mall ngayon..." Suhestiyon ni Dame na may kasama pang pag puppy eyes para pumayag kami.

"Sounds great. Let's go!" Mabilis na pagsang-ayon ni Naomi.

I half-smiled at them. "Pass muna ako, girls."

Wala ako sa mood maglaboy ngayong araw. Siguro dahil pa rin ito sa kakulangan ko sa tulog. Palagi naman kasi akong kulang sa tulog. Hindi ko alam kung kailan ako matututo na tigilan na ang pagpupuyat.

"KJ!" Magkasabay na sigaw ng dalawa sa akin. Sa sobrang lakas ng sigaw nila ay napatingin sa amin ang mga kaklase namin na nasa classroom pa rin.

"Sorry, don't mind us." Medyo nahihiya na baling ko sa mga kaklase namin. "Tone down your voice, girls. At sa susunod sasama na talaga ako sa inyo. I promise." Pagkausap ko naman sa mga kaibigan ko.

"Huwag na. Uuwi na lang din kami. Hindi ka naman kasi kasama so what's the point of going there?" Nakalabing wika ni Naomi.

"Sweet! I guess this is what friends are for." Natatawang sabi ko sabay kindat sa kanilang dalawa.

"Whatever, Rielle!" Magkasabay na sambit ng dalawa at saka ako sabay din na inirapan.

Alam ko naman na nagtatampu tampuhan lang ang dalawa na ito kaya nginisian ko na lamang sila. Ganito naman kami, kunwaring nagtatampo sa isa't isa pero maya maya lang ay nagtatawanan na kami. Naniniwala kasi kami na life is short para sayangin mo sa pagtatanim ng galit at sama ng loob sa isang tao. Life is a precious gift from Him, kaya dapat lang na gamitin natin ito ng maayos at makabuluhan. You must live life to the fullest, but of course with due limitations.

Noong matapos na ako sa pagliligpit ng mga gamit ko na inabot ng ilang oras dahil sa panggugulo nila Dame ay saka kami sabay sabay na umalis sa classroom namin at naglakad palabas sa gate ng paaralan. Medyo malapit lang ang bahay namin mula dito, pwede iyon lakarin ngunit may katagalan. Pero dahil magkakasabay kaming tatlo ay naglakad na lang kami. Nagtext na ako kay Mang Ruben kanina na hindi ako magpapasundo dahil kasama ko sila Naomi.

Si Dame ay nakatira sa subdivision na malapit sa school, as in walking distance lang talaga. Ako at si Naomi naman ay sa magkalapit lang na subdivision naninirahan.

"Girls, naaalala niyo ba si Johann?" Biglaang tanong ni Dame habang hindi maitago ang kilig na nararamdaman.

"Iyong captain ng soccer team sa school?" Naomi asked back while giving her full attention to Dame.

"Oo, siya nga." Sagot ni Dame sabay pakawala ng impit na tili. Hindi pa siya nakuntento at nag cling pa siya sa braso ko at marahan iyong nai sway ng paulit ulit.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matawa dahil sa ginagawa siya. She looked like she's dreaming while her eyes are wide open.

"Anong meron sa kaniya? Don't tell me nakita mo siya kanina." Agad na wika ni Naomi habang nakalabi.

Ganiyan silang dalawa. Mahilig sila sa boys talk pero hanggang doon lang naman iyon dahil wala pa silang balak mag-entertain ng manliligaw. Alam mo iyong parang gusto nilang palaging kiligin pero wala naman silang balak ma inlove... Ganoon sila. Ay ewan, kahit ako ay naguguluhan din sa dalawa na ito.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon