Kabanata 26

77 5 0
                                    

Damn mouth

Simula noong araw na iyon ay palagi ko ng inaabangan si Czarielle. Hinihintay ko siya palagi sa bench na malapit sa gate ng school.

"Nandito ka na naman." Salubong sa akin ni Czarielle nang makita niya ako na nakatayo malapit sa may puno.

Nginitian ko na lamang ang pagsusungit niya. Sa ilang araw na paghihintay ko sa kaniya ay nasanay na ako sa pagsusungit niya sa akin.

Sabay kaming naglalakad dalawa nang may biglang umakbay sa kaniya.

"Ezekiel naman, ang bigat kaya ng braso mo." Mahinang sigaw niya kasabay ng pagpalo niya sa braso ni Ezekiel.

"Ang payat mo kasi." Pang-aasar sa kaniya ng lalaki na noong nakita ako ay tinanguan ako.

Nag-iwas ako ng tingin sa asaran nilang dalawa. Hindi namin nagagawa ang ganoong klase ng asaran diba?

Why am I suddenly comparing our relationship to his relationship with Ezekiel? Damn.

Maya maya lang ay nagkukwentuhan na silang dalawa at paminsan minsan ay nagtatawanan. Hindi ko na kinaya ang panoorin sila kaya umalis na lamang ako. Ayoko rin naman na makaistorbo sa kanilang dalawa.

Hindi naman siguro para lang sa babae ang pagwo-walk out. Pwede naman iyon sa lahat ng tao na nasasaktan na sa mga nangyayari at nakikita.

Narinig ko ang pagtawag ni Ezekiel sa pangalan ko ngunit binalewala ko iyon.

"Bakit hindi mo kasama si Czarielle?" Pambungad na tanong sa akin ni Dame nang makarating ako sa silid namin.

Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya at saka naglakad pagpunta sa aking upuan.

May ilang sandali lang ay dumating na rin si Czarielle at Ezekiel. Parehas na tahimik ang dalawa.

Parang kanina lang ang saya-saya nila ah? Bahala sila.

Itinoon ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana na nasa gilid ko.

Mabilis na lumipas ang mga oras at bago ko pa namalayan ay tapos na pala ang klase namin. Kung dati ay kinukulit ko si Czarielle na sabay kaming kumain ng lunch, ngayon ay nauna na ako.

Hindi ko sila pinansin. Hindi ko alam kung ano ang problema ko. Basta nawawalan ako ng gana kapag nakikita ko silang masaya ni Ezekiel. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.

Nakaupo ako ngayon sa isang lamesa sa gilid ng cafeteria. Wala ako sa mood na sumama kahit kanino, kahit sa mga ka team ko sa basketball o kahit kay Czarielle pa. Pero syempre biro lang iyon, hindi ako magsasawa na samahan ang babae na iyon.

Hindi ko talaga maintindihan ang inaasal ko ngayon. Gustong gusto ko siyang lapitan ngunit tila may pumipigil sa akin.

Tapos na akong kumain nang makita kong dumating na sila. Napansin ko pa na itinuro ako ni Dame sa mga kasama niya.

"Kyle, pwedeng makiupo na lang kami rito? Puno na kasi ang cafeteria oh. Ang bagal na naman kasing kumilos ni Czarielle." Himig pakikiusap na wika sa akin ni Dame habang nakalabi.

Ngayon ko lang napagtanto na para pala sa anim na tao ang lamesa na pinuwestuhan ko kaya sobrang luwag pa nito ngayon.

Lihim akong napasinghap. "Sige lang. Take a seat." Pagkausap ko kay Dame. Pinigilan ko ang sarili ko na tignan ang babae na nasa tabi niya.

"Thank you, Kyle!" Masiglang wika ni Dame at Naomi. Nginitian ko sila at bigla silang namulang dalawa. May allergy na naman ba sila?

At sa huli ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. Kusang dumapo ang tingin ko kay Czarielle. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Naiilang ako sa kaseryosohan ng titig niya ngunit mas nangingibabaw ang mabilis na pintig ng puso ko. This is so gay. Really.

I met her gazed with the same intensity. Ang akala ko ay maiilang siya at mag-iiwas ng tingin dahil sa ginawa ko pero mukhang nagkamali ako dahil mas lalo niya akong tinignan, she raised her brow without even breaking our eye contact. Hindi siya nag-iwas ng tingin, tila binabasa pa niya ang iniisip ko.

The girl I love is kinda weird. Really.

Wait, did I say I love her?

Oh, damn mouth.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon