Is this love?
Nandito na kami ngayon sa silid namin. Katatapos lang ng lunch break namin. Hindi ako nakasabay kina Czarielle dahil hinila ako ng mga ka-team ko sa basketball sa pangunguna ni Carlo. Tinanggihan ko sila ngunit hindi yata sila marunong tumanggap ng rejection dahil hindi nila ako iniwanan hanggang hindi ako sumasama sa kanila.
"Good Morning, Class!"
"Good Morning Ma'am!" Bati namin pabalik sa aming guro.
"Open your book in page 58. Read the story of Cupid and Psyche. I just need to go to the dean's office. I will be back shortly."
Kinuha namin ang mga libro namin at sinunod ang bilin ni Ma'am Gracia.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin naman siya.
"Finished reading?" Tanong niya habang naglalakad papunta sa lamesa niya.
"Yes, Ma'am." Sabay sabay na sagot namin.
"Good. So now class, before we discuss the story of Cupid and Psyche, let me first ask you. What is Love?"
Tumahimik ang buong klase. Marahil ay nag-iisip ang mga kaklase ko ng maaari nilang isagot.
But really, what is love? Is it something that enables us to live? Is it something that really matters?
Sandali lang ay nagsitaasan na ng kamay ang mga kaklase ko. Ako naman ay nanatili lamang na tahimik sa upuan ko.
"Love is when you find someone perfect beyond his/her imperfection." Sagot ng isa naming kaklase.
"Love is my girlfriend." Wika naman ng kaklase naming lalaki na siyang nagpatawa sa lahat.
"Love is giving your time to someone and making that someone happy."
Lahat ng sinabi nila ay tama. Kahit nga iyong sagot na "Love is my girlfriend", kahit mukhang joke iyon ay totoo naman. You shouldn't have a relationship with someone you don't love. Unless you're fooling yourself.
"Yes, Miss Montesilvia?"
Bigla ako napaupo ng maayos nang banggitin ng guro namin ang apelyido ni Czarielle. Tinignan ko siya at ibinigay ko ang buo kong atensiyon sa kaniya.
"Love is something that even load of words will not be enough to define its true meaning. Nevertheless, love is such a wonderful and magical thing. It endures no pain. Love changes us, it makes us do the things we've never done before. Love is the reason why we're alive. If not because of the love given to us by God, we will not be here and will not be able to spread the love to others." Sagot ni Czarielle na nakaani ng palakpakan mula sa buong klase.
"Very-well said, Miss Montesilvia. What an inspirational answer." Wika ni Ma'am Gracia sabay ngiti sa kaniya. Ngumiti pabalik si Czarielle bago bumalik sa kaniyang pagkakaupo.
"Best friend namin iyan!" Halos sabay na sigaw ni Dame at Naomi na nagpatawa sa buong klase.
"Okay class, keep quiet. How about you, Mr. Yu? What is love for you?"
Nagulat ako sa biglaang pagtawag sa akin ni Ma'am Gracia. Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na sa akin kaya tumayo na ako para sumagot.
"Love for me is a powerful weapon. It's an abstract, an idea, but it can do a lot. Like what Czarielle said earlier, it endures no pain. Because love is a sacrifice. You sacrifice things for the sake of someone you love. Love is selfless and is bound to be unconditional."
Tumango si Ma'am sa akin at saka ngumiti.
"Mukhang malalim ang mga pinanghuhugutan ninyo." Natawa ang buong klase dahil sa sinabi ni Ma'am.
Napakamot na lang ako sa batok ko tapos ay naupo na.
Matapos ang sandaling introduction ay naglesson na si Misis Gracia tungkol sa kwentong Cupid and Psyche.
"Love cannot stand without trust." Wika ni Cupid kay Psyche sa isang bahagi ng kuwento.
Tama nga naman. Paano ba titibay ang pagmamahalan kung palaging may tamang hinala? Paano ito magtatagal kung nagsisinungaling lang pala kayo sa isa't isa? Love doesn't need to be successful, it needs to be faithful.
Sa huling bahagi ng kwento ay pumunta si Psyche kay Venus at sinabing papatunayan niya ang sarili niya to be worthy of Cupid. Venus let her done four tasks. Lahat mahirap, minsan pa nga ay mukhang imposible. Pero hindi sumuko si Psyche. Sa tulong na rin ni Cupid at ng iba pa, nagawa ni Psyche ang lahat ng pagsubok ni ibinigay sa kaniya ni Venus.
In the end, Pysche became immortal and they lived happily.
Love is really powerful and it is indeed a sacrifice. Because of our love for someone, we are ready to do things for him/her. We all feel the pain that comes with loving someone, but the fact that we want only the best for the person we love is what really matters.
Nagmumuni muni ako nang biglang pumasok sa isip ko si Czarielle.
Czarielle Angeles Montesilvia
Handa akong magsakripisyo para sa kaniya. Who cares about those people who will judge us? I don't give a damn. I know this may be a little bit difficult, but I already made up my mind. And that is to prove myself to her. I will tell her I that I like her no matter what.
Handa akong magsakripisyo para kay Czarielle.
At ang sabi ko kanina ay 'love is a sacrifice.'
Then...
Is this Love?!
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Подростковая литература"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...