Kabanata 16

74 4 0
                                    

Pissed off

Ang dami ng tao sa gym noong nakarating kami. Kasalukuyan nagaganap ngayon dito ang try out para sa basketball team, volleyball team at pep squad ng school.

"Itutuloy ko pa ba?" Tanong ni Kyle noong nakalapit na ako sa kinatatayuan niya. Hinintay niya pala ako sa bukana ng gym.

"Nandito na tayo, ngayon ka pa ba uurong?" Pagpapalakas ko sa loob niya.

"Pero baka mapasama ang kalagayan ko. Baka mapahawak ang scholarship ko." Halatang nagdadalawang-isip pa rin siya hanggang ngayon.

"Don't stress yourself too much. Just follow your heart." I tapped his shoulder. "Dali na. Go, Kyle!" Dagdag ko pa sabay tulak sa kaniya papasok sa loob ng gym.

Nag-aalinlangan siyang naglakad palapit sa kumpol ng mga basketball player.

"Kyle Stefan Yu? Magtatry out ka?" May kalakasang sigaw ng kung tama ang pagkakatanda ko ay water boy ng basketball team.

Napalingon ang mga tao sa direksyon ni Kyle dahil sa sigaw na iyon. Nakita kong napayuko ang lalaki.

Hindi pa ba siya sanay sa atensyon? He receives that almost everytime.

Kakaiba talaga ang lalaking ito.

"Magtatry out ka?" Rinig kong tanong ni Sir Steve kay Kyle, siya ang headcoach ng basketball team.

Grabe! Nilapitan pa talaga siya ni Sir Steve. Sikat nga ang isang ito, hindi na kailangan magduda pa.

"Opo." Nahihiyang sagot ni Kyle.

"Okay."

Mabilis na binato sa kaniya ni Sir Steve hawak nitong bola na agad naman niyang nasalo.

"Show me what you've got." Simpleng saad ni Sir Steve sabay lakad papunta sa gilid ng court.

Kitang kita ko ang hesitation sa mukha ni Kyle habang hawak niya ang bola ng basketball. Tumingin siya sa gawi ko kaya agad akong nag thumbs up sa kaniya, tanda na suportado ko siya sa gagawin niya. Ngumiti siya sa akin at saka nagbawi ng tingin.

He then started playing like a pro. Una ay nagdribble siya ng bola at ibinato iyon mula sa three-point line. Sunod naman ay nagpakita siya ng fade away jump. Hindi pa siya nakuntento at naglay up pa siya na para talagang professional. He even made different executions and ball exhibitions.

Biglang umingay sa loob ng gym dahil sa sigawan ng mga nanonood kay Kyle. Panay ang tilian ng mga babae na naririto ngayon kasabay nang pagcha-chant nila ng pangalan niya.

To say he is a good player is an understatement. He played basketball too well. Ang buong akala ko talaga ay marunong lang siya ng basketball, an average player maybe, pero dahil sa napanood ko ngayon ay naniniwala na akong magiging varsity player siya ng school hindi lang dahil sa sikat siya kundi dahil sa kakayahan niyang maglaro.

Patuloy pa rin ang pagsuporta ng mga babae sa kaniya kahit noong natapos na siyang maglaro. Ang ibang mga lalaki naman na nandito ay mga nakasimangot, iniisip siguro nila na may bago silang kakumpitensiya sa larangan ng basketball.

"I didn't know that you're so good in playing basketball, Mr. Yu." Wika ni Sir Steve habang kinakamayan si Kyle.

"Salamat po, Sir." Ngumiti si Kyle at saka yumuko.

Mahiyain talaga ang isang ito.

"From now on, call me Coach Steve dahil pasok ka na. Welcome to the basketball team!"

Naghiyawan ang mga taong nandito sa gym dahil sa sinabi ni Sir Steve, ako man ay nakisali rin sa hiyawan.

Kinausap pa si Kyle sandali ni Sir Steve bago siya tuluyang pinaalis. Nang naglalakad na siya paalis sa gitna ng court ay pinagkaguluhan siya ng mga kababaihan na nanood sa kaniya kanina.

"Kyle!"
"Ang galing mo talaga!"
"Papicture naman kami!"

Hindi sila magkamayaw sa pagsigaw at paglapit kay Kyle. Mula sa kinaroroonan ko ay nakikita kong hindi makaalis si Kyle dahil naipit na siya sa gitna ng napakaraming babae na may kani kaniyang hawak na mga cellphone. Halos lahat sila ay gustong makalapit sa kaniya.

Lalapitan ko ba siya? Huwag na lang siguro. Baka awayin pa ako ng fangirls niya kapag lumapit ako sa kaniya ngayon.

Umupo muna ako sa bleacher. Hihintayin ko na lang na matapos siya roon. Hahanapin naman niya siguro ako bago siya umalis, diba? Siya kaya ang nagsama sa akin dito.



"Aaah....," mahinang sambit ko habang nag-iinat at kinukusot ang mga mata ko. Nakaidlip pala ako rito sa gym habang nakaupo. Sinipat ko ang aking relo at nakitang alas tres na ng hapon.

My gosh! Halos isang oras na akong naghihintay dito?

Nilingon ko ang lugar kung saan ko huling nakitang nakatayo si Kyle. Nadismaya ako nang makitang wala ng mga tao roon. May mga nagtatry out pa rin sa gym subalit hindi ko makita ni anino ni Kyle mula sa kanila.

Talaga bang iniwanan niya ako rito? I can't believe it! Alam kong siya si Kyle, mighty jerk pa nga ang tawag ko sa kaniya noon dahil sa ugaling una niyang ipinakita sa akin, pero kahit ganon ay hindi ako makapaniwalang talagang magagawa niya akong iwanan dito.

Nakakainis lang na hinintay ko siya pero nagawa niya akong iwanan. Imposible naman na hindi niya ako naalala. Dahil kung talagang hindi nga ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya.

I'm so pissed off!

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon