Kabanata 6

109 3 0
                                    

Friendship

Nandito kami ngayon sa school canteen at hindi tulad noong mga nakaraang araw, hindi kami nahirapan sa paghahanap ng mauupuan. Bakit? Dahil kasama namin si Ezekiel. Special treatment, you know.

"Boyfriend mo?" Bulong sa akin ni Dame habang pasimpleng itinuturo si Ezekiel.

"Childhood bestfriend." Bulong ko sa kaniya pabalik.

"Pakilala mo naman kami sa kaniya." Bulong din sa akin ni Naomi sabay pakawala ng isang pa cute na tawa.

I made face but chuckled after.

"Kiel, si Dame at Naomi nga pala, best friends ko. Mga bes, si Ezekiel nga pala, driver ko."

Natawa ang dalawang babae na kasama namin dahil sa sinabi ko habang si Ezekiel naman ay pinulupot ang braso niya sa leeg ko. Iyong tipong sinasakal niya ako, sa pabirong paraan nga lang, ni hindi nga ako nasaktan dahil doon.

"Driver ka diyan. Ano ka sosyal?"

"I am. You're not informed?" Tanong ko sa maarteng paraan.

Sabay-sabay na humagalpak sa tawa ang tatlong kasama ko habang nakatingin sa akin.

I pout. "Masaya na kayo? Okay na kayo? Hindi niyo ako clown, no."

"Aray!" Agad akong napahiyaw sa sakit dahil biglang pinanggigilan ng mga kasama ko ang magkabilang pisngi ko. "Mashakit po!" Saad ko habang hawak pa rin nila ang mga pisngi ko.

"Sorry." Anila sabay peace sign nilang tatlo sa akin.

"Whatever." Inirapan ko silang tatlo. "Magshake hands na nga lang kayo diyan." Kunwari'y masungit na sambit ko pero sa totoo lang ay masaya ako na makita ang tatlo sa mga mahahalagang tao sa buhay ko na magkakasama ngayon.

Dahil sa sinabi ko ay biglang namula si Dame at Naomi. Kinikilig ang mga iyan panigurado. Pagkatapos nilang magkakilalanan ay agad na umalis ang dalawa. Nag offer kasi sila kanina na sila na lang daw ang bibili ng pagkain naming apat para makapag-usap pa kami ni Ezekiel.

"Kyle!" Biglang sigaw ni Ezekiel sa gitna ng kwentuhan namin dalawa. Ang tingin niya ay nasa bandang likuran ko.

Wala akong narinig na nagsalita pabalik. Nakita ko na lang ang fistbump nilang dalawa sa bandang ibabaw ng ulo ko.

Ramdam ko ang presensiya ni Kyle sa likuran ko. At hindi ko alam kung bakit ngunit bigla na naman may nagwala sa sikmura ko. Nagugutom na yata ako. Sana dumating na sila Dame.

"Kakain ka na rin ba? Dito ka na lang sa lamesa namin." Pang-iimbita ni Ezekiel sa lalaki.

"Marami pa namang bakanteng lamesa, maghahanap na lang ako." Sagot ni Kyle.

"Come on, bro... Dito ka na lang para maka bonding mo rin ang iba nating mga kaklase." Pamimilit pa rin ni Ezekiel. Oo nga pala, Ezekiel and Kyle are casual friends.

Wala akong narinig na salita mula kay Kyle. I wonder kung anong iniisip niya sa mga oras na ito.

Napaayos ako ng upo noong may biglang umupo sa tabi ko. I felt my body stiffened nang hindi sinasadya na nagtama ang mga braso naming dalawa.

I swallowed the lump in my throat.

"Dito nakaupo si—"

"Dito na lang uupo si Dame sa tabi namin ni Naomi." Pagputol ni Ezekiel sa sasabihin ko.

Sinamaan ko ng tingin si Ezekiel pero nginisian lamang niya ako.

What do you think are you doing, Ezekiel?
Naisaisip ko habang tinitignan ng masama ang kaibigan kong lalaki.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon