Chapter 29 - The Talk (Part II)

76 3 0
                                    

"Hi, kuya!" Sigaw ng mga babae mula sa lamesa nila noong dumaan kami ni Kyle.

Nginitian sila ng kasama ko at kitang kita ko ang biglaang pamumula ng mga mukha nila dahil doon.

Takpan ko kaya ang mukha ni Kyle? Tss.

Why am I thinking such thing?

Bakit ba ganito ako ngayon? Bakit ba ako naiinis? Baka magkakaroon na ako. Tama, baka iyon nga ang dahilan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na hinintay ang lalaki na kasama ko. Bahala siya sa buhay niya, malaki na naman siya.

"Czarielle, wait!"

Narinig kong sigaw mula sa likuran ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Czarielle!"

Pagtawag muli niya sa pangalan ko. Nararamdaman ko na medyo malapit na siya sa akin.

"Hard-headed talaga." Bulong ni Kyle sa kanang tainga ko.

Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko na mapatili sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot niya sa tabi ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang pasimple siyang tinitignan. Inirapan siya nang humupa na ang nararamdaman ko.

"What's the problem, Czarielle?"

"Wala!" Inis kong sagot sa kaniya.

"Imposibleng wala. Alam kong meron. What is it? Come on, tell me." Pamimilit niya sa akin.

Wala naman talaga diba? Dapat wala, hindi ko lang alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaganito bigla.

"Wala nga." I answered trying to end this conversation.

"Are you... jealous?" Mahina ang pagkakabanggit niya sa huling salita ngunit na iyon para marinig ko.

Jealous? Ako? Huh! Dream on, Kyle.

"Of course not!" Maagap na sambit ko.

"Alam ko naman na imposibleng mangyari iyon. It was just that, naging ganyan ka right after mag-ingay ng mga babae kanina. O baka naingayan ka lang talaga sa kanila." Paliwanag niya habang bakas ang pagkalito sa mukha.

May point siya roon pero hindi ibig sabihin nun nagseselos nga ako. Naingayan lang talaga ako kanina. Masakit kasi sa mata— I mean sa tainga, of course.

Pagkalipas ng halos kalahating oras na biyahe ay nakarating kami sa isang lugar. Hindi ito subdivision at hindi rin naman squater area, kumbaga ay sakto lang.

"What are we doing here?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya

"Ayaw mo ba sa ganitong lugar?" Nababahalang tanong niya sa akin pabalik.

"No. I'm just curious."

"This is my place." Wika niya sa hindi ko maipaliwanag na tono.

Bahagyang umawang ang labi ko. "Why did you bring me here?"

"I want you to see my place, to see my life. I want to show you who I am and what I really am." Sinserong wika niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"But why?" Shocked was surely written all over my face.

Nakita kong napalunok siya bago huminga ng malalim at saka sumagot. "Because I like you so damn much."

Naramdaman kong nanigas ako sa kinatatayuan ko. He just made a confession, right? And it was unexpected- really unexpected.

"It's alright if you don't feel the same. I mean, of course it's not alright, but I will accept it. Just please, don't get mad at me." Tila nagsusumamo na pakiusap niya sa akin. I don't know what to say so I just nodded.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon