Stop
Mabilis na lumipas ang weekend at ngayon nga ay papasok na ako muli. Nasa gate pa lang ako ay tanaw ko na si Kyle kasama ang mga kapwa niya manlalaro.
Nakayuko akong dumaan sa gilid nila. Bago pa ako tuluyang makalayo sa kanila ay hindi ko napigilan na lingunin si Kyle. Nagulat ako nang makita kong nakatingin din siya sa akin gamit ang malamlam na mga mata, hindi ko inaasahan ang bagay na iyon.
Alam kong dapat akong humingi ng tawad sa kaniya dahil sa nangyari noong Sabado. Subalit paano ko gagawin iyon kung hanggang tingin lang siya? Na kapag kasama niya ang mga kapwa niya varsity players ay hindi na niya ako pinapansin? Paano ko gagawin iyon kung natatakot akong baka kapag nilapitan ko siya ay hindi niya ako pansinin, and worst... baka umarte pa siya na hindi niya ako kilala? Hindi ko yata matatanggap kapag ginawa niya sa akin ang mga bagay na iyon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakita ko sila Dame na nauna na sa aming silid na abala na naman sa kanilang mga cellphone.
"Morning," bati ko sa dalawa sabay halik sa kanilang mga pisngi.
"Morning, bes." Hyper nilang bati pabalik sa akin kahit ang mga mata nila ay nakatutok sa screen ng kanilang cellphone.
Pumunta na ako sa pang-apat na row kung nasaan ang upuan ko. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Kyle kasama ang mga kaklase namin na kasama niya sa basketball team. Umingay sa buong silid nang pumasok sila.
"Hi, Czarielle. Good morning." Bati ni Carlo sa akin mula sa bintana ng silid namin.
"Good morning." Tugon ko sa kaniya bago sila umalis ng mga kasama niya. Siguro ay pupunta na rin sila sa kanilang mga klase. Ngumiti pa siya at kumaway sa akin bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Ang kulit lang talaga ni Carlo, that is one of the many reason why everyone loves him... he has a jolly personality.
Natapos ang klase namin at ngayon ay oras na para sa aming tanghalian. Kani-kaniyang pagmamadali ang mga kaklase ko sa pagpunta sa cafeteria dahil sa sobrang gutom. Nag-extend na naman kasi ang prof namin ng halos isang oras. Nabawasan tuloy ang sana ay mahaba habang vacant time namin.
"I'm sorry."
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita mula sa likuran ko.
"Huwag ka ngang nanggugulat diyan!" Pagtataray ko sa kaniya. Aatakihin yata ako sa puso dahil sa lalaking ito. Kung dahil sa gulat o dahil sa sama ng loob ay hindi ko rin sigurado.
"I'm sorry, I didn't mean that." He half-smiled at me. "Sorry din pala sa nangyari noong Sabado."
Tinanguan ko lamang siya. Gusto ko rin humingi ng tawad sa kaniya ngunit tila walang salita ang gustong kumawala mula sa bibig ko. Akmang maglalakad na ako paalis nang hulihin niya ang braso ko.
"I said I'm sorry." Frustration was written all over his face. Again.
"Tumango ako diba? That means 'okay'. We're good now. At pasensiya na rin." I said in monotone. Finally!
"That's it?" Nagtatanong ang mga mata niya nang tignan ako.
"Ano pa bang gusto mo, Kyle? Dapat ba yakapin kita at sabihing 'Pinapatawad na kita'? Gusto mo bang makipagkamay pa ako sayo at ngumiti ng malaki? O baka gusto mong maging fangirl mo na rin ako simula ngayon? Ano?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog na ang inis ko na kailan ko pa pinipigilan kumawala. May mga pagkakataon talaga na maikli lang ang pasensiya ko at mukhang isa ang araw na ito sa mga pagkakataon na iyon.
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa naging pagsabog ko. "Hindi iyon ang gusto kong mangyari." Nakayukong wika niya.
"Then what?!"
"Let's be friends again, Czarielle. Hindi mo na kasi ako pinapansin. Alam kong galit ka sa akin kaya let's settle this already." Nangungusap ang mga mata niya nang tignan ko ito. Hindi ako sigurado kung lungkot ba ang nakikita ko roon o guilt lamang.
"Ayokong manumbat pero sino ba ang unang nang-iwan? Sino ba ang unang hindi namansin? Sino ba sa atin ang kapag kasama na ang mga ka team niya ay parang hindi na nakakakilala? All of a sudden, nagbago ka. Nagbago ka bigla, Kyle." I shook my head in disappointment.
"Listen Czarielle, it's not what—"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya. "Lalapitan mo lang ako kapag mag-isa ka. Lalapitan mo lang ako kapag walang ibang tao. Now tell me, how can you explain those actions of yours? Requirement ba sa pagiging varsity player na hindi pwedeng mamansin ng mga estudyanteng hindi hamak na nobody lang? Ganoon ba iyon? Kung kinakahiya mong makipagkaibigan sa isang hamak na who's who lang then stop being my friend. You are not just fooling yourself, you are also fooling me." Mahabang lintanya ko habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Nakatitig lang siya sa akin. Ginulo niya ang kaniyang buhok at hinawakan ang batok niya gamit ang isang kamay. Kilala ko si Kyle, alam ko na sign iyon na naguguluhan siya at nahihirapan sa sitwasyon.
"Huwag mo akong pansinin kung ayaw mo. Huwag mo akong pansinin kung napipilitan ka lang. Let's just be ourselves." Wika ko habang tinatanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at saka ako naglakad paalis.
Bago pa ako tuluyang makaalis ay tumigil ako sa pintuan ng silid. "Stop fooling me, Kyle. Masakit na kasi." Malumanay ngunit may diin kong sinabi sabay tinalikuran siya.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Novela Juvenil"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...