Moody
Tapos na ang weekend at nandito na ako ngayon sa classroom namin kasama si Dame at Naomi. Wala pa si Ezekiel dahil maaga pa naman.
Umingay sa labas ng silid namin. Hindi nagtagal ay nakita kong pumasok sa pintuan si Kyle.
Naglakad siya papunta sa kaniyang upuan, hindi pinapansin ang atensiyon na ibinibigay sa kaniya ng mga kaklase namin.
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at tumingin na lang ulit ako sa bintana. Hay nako, Kyle. Bakit ba ang suplado mo?
"Hey."
"Ay kabayo!" May kalakasang sigaw ko dahil sa gulat.
"Do I look like a horse to you?" Masungit na tanong ni Kyle sa akin.
Oo tama, si Kyle nga... Ilang segundo akong napatitig sa kaniya, hindi makapaniwala na pumunta siya sa puwesto ko.
"Sort of." Pang-aasar ko nang sa wakas ay nag sink in na sa akin na nandito talaga siya sa tabi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin sabay upo sa upuan sa tabi ko, inilapit niya pa iyon papunta sa akin.
"Just kidding! 'Wag ka kasing nanggugulat diyan." Pagbawi ko kaagad sa sinabi ko kanina nang maisip ko na baka mapikon siya.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Sinabi ko naman na hindi iyon bagay sayo diba?" Balik pang-aasar niya sa akin.
Seriously? Nang-aasar talaga siya? Are we close? Hindi ko talaga maintindihan ang isang ito. Minsan ang snob niya at minsan naman ay ang kulit niya.
"Shut up." Pabiro ko siyang inirapan.
"Sungit!"
"Suplado!"
"Kulit!"
"Yabang!"
"Miss Nobody!"
"Mighty Jerk!"
"I hate you!"
"I like you!"
Nanlaki ang mga mata ko.
Halatang nagulat din siya dahil sa nasabi niya. Pagtingin ko sa paligid ay halos lahat sila ay nakatingin sa amin. Halatang kinikilig si Dame at Naomi habang mukha naman mangangain ng buhay ang mga fangirl ni Kyle.
"Ah... " Napakamot si Kyle sa kaniyang batok tapos ay ginulo ang kaniyang buhok.
Hindi siya makatingin sa akin, ganun din ako sa kaniya.
"Shit." Mahinang sambit niya na narinig ko naman.
Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa frustration na mahihimigan sa boses niya.
"Why are you laughing?" Masungit na tanong niya sa akin.
"Am I laughing?" Tinignan ko siya ng seryoso. Deep inside me ay gusto kong tumawa ng malakas. Kyle and his sungit face is hella cute.
"Whatever." Panggagaya niya sa palagi kong sinasabi tuwing naiinis ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili ako at tuluyan na akong napahagalpak ng tawa. I can't help it, he's just too cute and funny when he's frustrated.
"Pinagtatawanan mo ba ako, Czarielle?" Tanong niya habang unti-unting inilalapit ang mukha niya sa akin. Pilit ko naman inilalayo sa kaniya ang mukha ko.
"Ehem!"
Agad kaming napalayo ni Kyle sa isa't isa at sabay na napatingin sa likuran namin.
"Ezekiel," halos sabay din na sambit namin dalawa.
"Kambal ba kayo?" Natatawang tanong ni Ezekiel. "What are you guys doing?" Tanong niya sa tonong nang-aasar.
Kyle just tsk-ed then walked away. Nagkatinginan kami ni Ezekiel tapos ay sabay na napailing habang pinagmamasdan si Kyle na naglalakad pabalik sa upuan niya. Ang hirap talagang basahin ng isang iyon.
"Problema non?" Nagtatakang tanong ni Ezekiel sa akin.
Nagkibit-balikat ako.
Tinignan ko si Kyle. Nakaupo na siya at blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha habang nakatingin siya sa harapan.
Anong nangyari don? Anong problema niya?
Such a moody guy.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Genç Kurgu"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...