Kyle Stefan Yu's—
Para sa akin, ang pag-aaral ay isang obligasyon. Obligasyon na kailangan mong gawin bilang isang kapatid, anak at bilang tao. Subalit kahit ganun, hindi ko pa rin maiwasan na maging tamad kung minsan. Paanong hindi eh minsan kinakapos ako sa budget, idagdag pa ang mga fangirls kuno ko raw sa unibersidad na hindi ako pinapatahimik sa araw-araw.
Alam kong dapat ay matuwa ako sa kanila. Ngunit hindi ako katulad ng iba na masaya sa atensyon na natatanggap nila. Gusto ko ng tahimik na buhay. Buhay kung saan makakapag-concentrate ako para matupad ang mga pangarap ko para sa ina ko.
I am one of the scholars in Glamour University, one of the most prestigious school in town. Bago ako nakapasok dito ay dumaan ako sa butas ng karayom. Hindi naging madali para sa akin ang lahat. At kahit ngayon na nakapasok na ako sa unibersidad na ito ay wala pa rin kasiguraduhan ang pagtatapos ko. Kung hindi ko aayusin ang pag-aaral ko ay siguradong mawawala ang scholarship na pinaghirapan ko. Kaya nga hangga't kaya ko ay lumalayo ako sa mga bagay at tao na sa tingin ko ay makakagulo lamang sa akin... katulad ng kaibigan at pag-ibig.
Naniniwala kasi ako sa kasabihan na 'the less people you be with, the less bullshit you deal with'. Kaya kahit ilan taon na ako dito sa paaralan na ito ay wala pa rin akong maituturing at masasabing totoo kong kaibigan.
Sinubukan kong huwag mapalapit sa ibang mga tao. Nagtayo ako ng pader para itago ang sarili ko mula sa mga taong nagtatangkang pumasok sa buhay ko. Sinubukan ko. Nagawa ko iyon sa loob ng anim na taon. That was six freaking long years for crying out loud! Pero ngayon, hindi ko na alam...
Dahil sa kaniya ay nagiba lahat ng pader na itinayo ko. Nabura ang mga pag-aalinlangan ko. Nag-iba ang tingin ko sa mga bagay bagay. Dahil sa kaniya. Sa kaniya.
Ako ang unang nagpapansin. Ako ang unang lumapit. Ako ang unang nakipagkaibigan. Ako ang unang nagbukas ng pinto patungo sa maraming posibilidad. Ako ang nagsimula ng lahat.
Ang sabi nila ang pag-ibig ay isang sugal. Kung hindi ka handang sumugal, huwag kang umibig. Kasi kapag umibig ka, dapat handang kang lumaban... lalaban ka kahit walang kasiguraduhan kung mananalo ka.
Handa na nga ba ako?
Handa ko bang isugal ang puso ko sa kaniya?
Handa ko bang paguluhin ang tahimik kong buhay para sa kaniya?All of these sound so gay. But the heck, I think this is what 'that love' can do.
But wait, am I in love?
If I am, will she catch me?
Or it will be just a game for her?Life is really unpredictable, so does love.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Novela Juvenil"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...