True friends
"Czarielle, nandito na sila Dame." Tawag ni Manang Mercy mula sa labas ng kwarto ko.
"Opo, Manang. Saglit lang po, lalabas na rin ako." Sagot ko pabalik habang tinatapos ang pag-aayos ko sa harap ng salamin.
I went downstairs five minutes later. I saw Dame and Naomi sitting pretty in our long coach.
"Good afternoon, turtle!" Sabay na bati nila sa akin habang may malawak na ngiti sa mga labi.
"Turtle?" I asked and raised an eyebrow.
"Ang tagal mo kasing kumilos." Halos sabay na sagot nila tapos ay nag-apir silang dalawa.
I made face at them. "Remind me again why you two are my best friends?"
"Because we are awesome!" Pinagdiinan nila ang salitang awesome, tumayo pa sila at sabay na umikot ikot.
Should I call the mental hospital already?
"Girls, calm down please. We will buy your medicines later. I promise." I gave them a mocking smile.
The two just frowned at me.
Natigil kami sa biruan namin nang makarinig kami ng tawanan. Napalingon kami sa pinanggagalingan nito. There we saw Manang Mercy and my parents laughing loudly while looking us.
Nagkatinginan kaming tatlo ng mga kaibigan ko at halos sabay sabay na namula. Bigla kaming nahiya sa mga pinagsasasabi namin kanina.
"Aalis na po kami." Paalam naming tatlo sa parents ko habang nakatungo. Hiyang hiya pa rin kami hanggang ngayon kolokohan namin kanina, mas lalo na iyong dalawang kasama ko.
"Sure, sweetie. You take care, girls." Saad ni Mommy habang halatang pinipigilan ang pagtawa niya. Pero nang mapatingin siya kina Dame na parang mga maamong tupa na tumango tango sa kaniya ay hindi na niya napigilan ang tawa niya. Tawa nang tawa si Mommy, kami naman ay napatingin na lamang sa kaniya. It's so lovely seeing my Mom looking very happy.
Nang makahupa na siya sa nangyayari ay humalik na kami sa pisngi niya at kay Daddy.
Half-day lang ang klase namin ngayong araw kaya nagyaya ang dalawa kong kaibigan na pumunta kami sa mall. Pagkatapos ng klase namin ay umuwi muna kami sa mga bahay namin at saka kami nagkita kita rito sa bahay namin.
Pumayag ako sa alok nila dahil alam kong kailangan ko ito. Atleast kahit papaano ay makakalimutan ko muna ang lahat ng stress na dala ni Kyle sa buhay ko. At isa pa, namimiss ko na rin ang bonding namin tatlo. This is for the girls only kaya iniwanan namin si Ezekiel.
Noong nasa mall na kami ay kumain lang kami nang kumain at saka nag-ikot ikot sa mga boutiques na naroon.
"Punta tayo sa salon." Pagyayaya ni Dame sa amin habang tumitingin kami sa mga nakahilerang stalls ng accessories.
"What for? Okay naman ang mga buhok natin." Sagot ko habang hindi nakatingin sa kaniya, nakatingin kasi ako sa hikaw na nakita ko kanina.
Hindi rin kasi ako mahilig pumunta sa mga salon. Ni hindi nga ako masyadong palaayos ng mukha.
"Huwag kang KJ, Rielle. Let's go, let's have our make-over." Naomi winked at me.
I frowned. "Hindi naman tayo panget."
"Daming satsat! Mga panget lang ba ang pumupunta sa salon? 'Wag ka nga, Rielle!" Aniya sabay tawa. "Tara na, dali!" Halos kaladkarin na nila akong dalawa papasok sa salon na nakita namin sa hindi kalayuan.
"Anong gusto mong gawin ko para sayo, Miss?" Anang babaeng sumalubong sa amin sa loob ng salon.
"Wala p—" Pinutol ng dalawang kaibigan ko ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Fiksi Remaja"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...