Why
Ilang linggo ang lumipas na hindi kami kinikibo ni Kyle. Oo nga pala, kahit noon pa man ay hindi naman kami nagpapansinan. The only difference now is that, parang lumalayo siya at umiiwas sa amin— intentionally. Nararamdaman namin iyon. Baka ganun talaga, sikat siya eh, kami ay hindi hamak na who's who lamang dito sa Glamour University. At hindi rin naman nakakalimutan na may kasalanan kami sa kaniya. Maybe we really had crossed the line.
"Okay students, two weeks from now will be the opening of the different school's clubs. So, here's a slip where you can choose the clubs you want to join in." Ibinigay ng guro sa amin ang slip kung saan nakalista ang mga club na maaari naming salihan. "As always, you can choose two clubs. One of it will be your main club and the other one is the secondary."
Tinignan ko ang slip at binasa ang mga nakalagay doon. Writers' Guild. The Varsities. Dance Troupe. The Singing Squad. Photography Club. Theater Club. The Geeks. etc.
Ano kayang sasalihan ko? As usual, hindi ko na naman alam.
"Anu-anong club ang sasalihan niyo?" Tanong ni Naomi habang naglalakad kami pauwi noong araw din na iyon.
Naging hobby na yata talaga namin ang maglakad pauwi. Sabagay, maganda itong exercise para sa mga katawan namin.
"Sa Theater Club pa rin ako." Sagot ni Dame habang nakangiti sa amin.
Pangarap niyang maging artista. Bata pa lang daw siya ay sumasali na siya sa mga acting workshops. At hanggang ngayon nasa college na kami ay active pa rin siya sa pagsali sa mga ganito. Marami na rin siyang play na nasalihan, ilan sa mga iyon ay nakuha niya ang lead role. She really loves to act, to perform and to entertain.
"Hindi ko alam ang sasalihan ko." Mahinang wika ko habang problemadong nakatingin sa mga kasama ko.
"Hindi ka kasi sumasali dati kaya ngayon ka tuloy namomroblema." Ani Naomi sabay tawa nilang dalawa. Tignan mo ang dalawang ito, problemado na nga ako rito tapos pinagtatawanan pa nila ako.
"Nakakatulong kayo. Sobra!" Sarkastikong wika ko sa kanila.
Ngumisi sila sa akin na inismiran ko lamang.
"Eh kung sa Theater Club ka na rin sumali?" Suhestiyon ni Dame sa akin. Mapupungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, convincing me to say yes to her suggestion.
"Wala akong talent pagdating sa pag-arte."
"Photography?"
"Nakakatamad maglibot nang maglibot. Magselfie lang ang gusto ko." Natatawang sagot ko. Natawa rin silang dalawa dahil sa narinig.
"Sa Varsities?"
"Wala akong master na sports. I can only play badminton, pero average lang yung skills ko doon."
"Noong nagsabog yata ng talento sa mundo ay natutulog ka kaya naubusan ka, kung may nakuha ka man parang ambon lang. Kaya kung ako sayo, mag-drop ka na lang bes." Ani Dame tapos ay tinawanan na naman nila akong dalawa ni Naomi.
Ang saya talaga ng mga kaibigan ko. Sobra.
May club naman akong sinalihan noong high school ako but I don't think I can join that club again. The past will surely haunt me.
"Bahala na," tanging nasabi ko bago kami nagpaalam sa isa't-isa.
***
Ngayon ay Sabado at nandito ako sa isang parke. Naglalakad lakad lang ako kanina nang makita ko ang lugar na ito. Umalis ako sa bahay namin dahil wala naman ang parents ko, as usual. At dahil nga nag-iisa akong anak ay puro mga kasambahay at driver namin ang mga kasama ko. Kaya heto at nagpasya na lang akong maglibang at magpalipas ng oras.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Teen Fiction"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...