Kabanata 15

78 4 0
                                    

Allergy

"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures. For in the dew of little things the heart finds its morning and is refreshed." -Khalil Gibran

---

Lumipas ang mga araw na patuloy kong hindi maintindihan si Kyle. Minsan kasi ay napakasungit niya at minsan naman ay napakalambing. Minsan snob, minsan makulit. Dalawa yata ang personalidad ng lalaking iyon.

Hay nako, bahala siya sa buhay niya.

Nandito ako ngayon sa Techno Room kasama si Naomi. Sa room na ito nakalagay ang mga desktop, laptop, DSLR at kung anu ano pang mga bagay na konektado sa teknolohiya.

I am here because I was lost for choices. Hindi ko talaga alam kung anong club ang sasalihan ko kaya sa huli ay sa photography club na lang ako nagpasyang sumali.

Nagkaroon sandali ng orientation para sa mga dapat gawin ng bawat isa at pagkatapos ay dinismiss na kami agad para raw makapaglibot kami sa buong paaralan at makakuha ng mga picture.

Nandito ako ngayon sa football field. Kinukuhanan ko ng litrato ang mga dahon na sumasayaw sa saliw ng hangin. Ang football team kasama ang mga bagong player nila na ganadong naglalaro. Ang mga mag-aaral na masayang nagkukwentuhan at nag-aaral ng sama sama.

Si Naomi ay sa hardin ng paaralan nagpunta. Photography club at The Varsities ang mga club na sinalihan niya. Si Dame naman ay sa Theater Club at Dance Troupe. Si Ezekiel ay nasa The Varsities din dahil kasali siya sa soccer team at sa The Singing Squad. Habang ako ay kulang pa rin ng isang club hanggang ngayon, baka sa Writers' Guild na lang.

Nag ikot ikot pa ako sa paligid ng field hanggang sa dumapo ang paningin ko sa lalaking nakatingin sa kawalan.

"Huy!" Panggugulat ko sa kaniya.

"Shit." Mahinang sambit ni Kyle.

Ganito ba talaga magulat ang mga lalaki?

Nginiwian ko siya. "Hindi ako shit, tao ako."

"That's not what I mean. I'm sorry." Seryoso ang mukha niya nang humingi siya ng tawad sa akin.

I chuckled. "I'm just joking. What's with the seriousness?" Tanong ko habang umuupo sa tabi niya para tignan ang mga picture na kinuhanan ko kanina.

"Nothing," walang emosyon na tugon niya sa akin.

Tinigil ko ang pagkalikot sa DSLR na hawak ko at saka siya hinarap.

"You can fool other people but not me." Seryosong sambit ko. I know and I'm sure that something is bothering him.

Tumingin siya sa akin kaya tumingin din ako pabalik, hindi ko inalintana ang paghuhuramentado ng buong sistema ko.

"Gusto kong sumali sa basketball team." Nag-aalinlangang pahayag niya.

"Then, join."

"But I don't want to."

I frowned. "What? I don't get you."

"Mahirap lang ang pamilya namin. Scholar ako rito at kapag nawala iyon sa akin ay baka hindi na ako makapag-aral pa. I don't want any distractions."

Nakatingin siya sa malayo habang sinasabi ang mga iyon sa akin.

"That is the reason why you are detaching yourself from others?" Manghang tanong ko. Dahil sa sinabi niya ay pakiramdam ko kahit papaano ay may nalaman ako tungkol sa mas malalim na pagkatao niya.

"Uh huh," pagsang-ayon niya sa akin. "That's the reason why I don't have real friends other than you."

Napaawang ang bibig ko.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon