Czarielle's POV
"At natunaw na po silang dalawa."
Napakurap ako ng mga mata ko ng dalawang beses at saka ako nabalik sa realidad. Agad kaming nag-iwas ng tingin ni Kyle sa isa't isa.
What have we done?
I mentally shooked my head.
"Bakit kayo tumigil? Ayos lang naman sa amin. Just continue on what you're doing, don't mind us." Pang-aasar sa amin ni Naomi sabay hagikgik. Agad naman iyon sinegundahan ni Dame at Ezekiel.
Napailing na lamang ako mula sa kinatatayuan ko at agad na umupo sa tabi Naomi. Tahimik kaming kumain at noong matapos kami ay agad akong nagyaya na bumalik na kami sa classroom namin.
Pagdating namin sa room namin ay siya rin dating ng guro namin na agad rin nagturo. Mabilis na natapos ang discussion namin sa kaniya kaya maaga niya kaming pinauwi.
"Rielle, hindi pa ako makakauwi agad. May emergency meeting kasi sa theater club." Ani Dame nang lapitan ko siya noong tapos na akong magligpit ng mga gamit ko.
"Ako rin. May pinapagawa pa sa akin si Ma'am eh. Masyado iyon matagal kung hihintayin mo ako, baka masayang lang ang oras mo." Nakalabing wika ni Naomi, itinaas pa niya ang hawak niyang folder para ipakita iyon sa akin.
"It's okay, girls. Sasabay na lang ako kay Ezekiel." Nginitian ko silang dalawa at saka binalingan si Ezekiel.
"Sorry, Rielle, pero may practice kami ngayon diba?"
"Okay fine. Iwan niyo na akong lahat, sanay naman ako." Pagdadrama ko sa kanila sa himig na talagang nagtatampo.
"Ang drama mo, bes." Sabay pabiro akong binatukan ni Dame at Naomi.
I pouted my lips. "Grabe kayo! Hindi niyo na nga ako sasabayan pag-uwi tapos sinasaktan niyo pa ako." Pagdadrama ko pa rin sa kanila.
"Ang drama mo talaga. Umayos ka nga." Natatawang saway sa akin ni Dame.
Naglapit silang dalawa ni Naomi at agad akong pinalibutan. "We love you, Rielle!" May kalakasang sigaw nila sabay yakap sa akin.
I bit my lower lip to stop myself from smiling widely but I failed. A sweet huge smile formed into my lips. My girls are so sweet. I don't know what I have done to deserve this kind of friends.
"Basta mag-iingat ka pag-uwi mo ha? Text us when you get home." Habilin ni Ezekiel sa akin sabay marahang tinapik ang balikat ko.
Mabagal akong tumango sa kaniya at nagpaalam na sa kanila pagkatapos.
Naglalakad ako palabas sa gate ng school nang maramdaman kong tila may tao sa likuran ko. Syempre uwian na kaya marami akong makakasabay sa paglalakad, iyon ang naisip ko. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit tila may nagsasabi sa akin na lumingon ako... pero sa huli ay hindi ko pa rin ginawa. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang pakiramdam na iyon.
"Czarielle," mahinang tawag mula sa likuran ko.
Napatigil ako sa paglalakad at napalunok.
That voice.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya nang hindi man lang siya nililingon.
"Wala kang kasabay?"
"May nakikita ka ba?" Hindi ko maiwasang magsungit dahil sa tanong niya. Is he blind? Masyado naman kasing obvious ang sagot sa tanong niya.
"Wala. So would you mind if I walk with you?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Mabuti na lang at hindi kami magkaharap ngayon. Agad kong ikinunot ang noo ko para itago sa kaniya ang kung ano mang emosyon na hindi dapat ipakita sa kaniya.
"Ay palaka!" May kalakasang sigaw ko nang makita ko na lang siya bigla sa tabi ko.
May lahi bang kabute ang lalaki na ito?
"Ang tagal mo kasing sumagot." Pagdepensa niya sa sarili sabay gulo sa kaniyang buhok.
Sinimangutan ko lang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Can we talk?" Biglang tanong niya.
"We're already talking."
"Not like this. I mean, a serious talk."
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya.
"Please?" Nagsusumamo ang mga mata niya habang matamang nakatingin sa akin.
"Fine." I surrendered that easily. Hindi ko alam kung anong mayroon kay Kyle, ang tanging alam ko lang ay kaya niyang gibain ng ganoon lang kadali ang pader na pilit kong hinaharang sa sarili ko.
"I will pick you up at 8 o'clock in the morning tomorrow." Malawak ang ngiti na wika niya.
This guy is really handsome. No questions asked.
"Ang aga naman." Pagrereklamo ko sa kaniya.
"I'm willing to wait, don't worry." Aniya sabay kindat sa akin.
Ramdam ko ang biglaang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin ko sa kaniya.
Pull yourself together, Czarielle. Hindi ka pwedeng basta basta na lang kiligin sa kaniya dahil lang alam mong gusto mo siya. You have to remember everything that happened between the two of you. You have to guard yourself if you don't want to get hurt again.
Pagpapaalala ko sa aking sarili."Oo na. Sige na, dito na ko. Bye." Tinalikuran ko siya at naglakad na ako papasok sa aming subdivision na hindi na siya muling nilingon pa.
"Czarielle, wait!" Narinig kong sigaw niya na siyang nagpatigil sa akin sa paglalakad.
Nag-aalinlangan na nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"I was jealous. I am jealous. And I think I will always be jealous with those guys you are close with."
I can feel the sincerity in his voice and it gives me shiver. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Ni hindi ko nga alam ang irereact ko dahil sa sinabi niya. Basta isa lang sigurado, dahil sa sinabi niya ngayon ay nagwawala ang buong sistema.
And I think right now, my guard has fallen.
Nakita ko ang pagpapakawala niya ng buntong-hininga bago siya ngumiti sa akin. "I'm not expecting anything from you though. Sige na, umuwi ka na. You take care, okay?"
Napatango na lamang ako at naglakad na muli.
His voice keeps on echoing in my head.
I was jealous. I am jealous. And I think I will always be jealous with those guys you are close with.
How? Why? What was that? Is he ... No! That's impossible!
Gosh! My baby heart....
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Jugendliteratur"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...