Kabanata 12

90 3 0
                                    

First friend

Tapos na ang klase namin ngayong araw. Naglalakad na ako pauwi nang may biglang sumabay sa akin.

"Kyle?" Gulat na tanong ko habang matamang nakatingin sa bagong dating na lalaki.

Pansin niyo ba... Napakahilig manggulat ng lalaking ito. O magugulatin lang talaga ako?

"Hindi. Si Ezekiel 'to." Pambabara niya sa akin.

"Corny." Nilagpasan ko nga siya. Akala niya diyan ah.

"Hey, wait."

May kalakasang sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.

"Are you deaf? I said wait!" Bakas na ang iritasyon sa boses niya ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad ko.

Ang bossy niya talaga! Bahala siya diyan.

"Czarielle Angeles Montesilvia!" May kalakasang sigaw niya.

Dahil sa hiya ko ay tumigil na ako sa paglalakad at nakasimangot na nilingon siya.

"What do you want?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.

"You." Tugon niya sabay kagat sa ibabang labi niya.

Damn. He's so hot.

Wait, what? Wala akong sinabing hot siya. Wala talaga.

Pero tama ba yung narinig ko? Hindi ba ako pinaglalaruan lang ng pandinig ko?

Ako? Ako raw ang gusto niya? Damn. Ramdam ko na naman ang pamumula ng mga pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Nice joke," utas ko. Pinilit kong huwag ipahalata sa kaniya na kinakabahan ako. At kung bakit ako kinakabahan ay hindi ko alam.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryosong tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga sa sobrang lakas nito ay maririnig na niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Stop fooling me."

"Do I look like fooling around?"

Napilitan akong tignan muli siya. Seryoso ang mukha niya habang patuloy pa rin siyang naglalakad palapit sa akin. Gusto kong maglakad palayo subalit hindi ko alam kung ano ang nangyari sa buong sistema ko at ayaw nitong mag function ngayon.

"Ano bang trip mo? Stop it. It's not funny!" Nasasagad na ang pasensiya ko dahil sa kaniya. I don't get him. One moment he was like this then later on he was like that. Hindi ko alam kung ano ba talaga sa mga pinapakita niya ang totoo at ang dapat kong paniwalaan.

"Mukha ba akong nantitrip?" Nakangiwing tanong niya sa akin.

"I don't get you, Kyle!" I shouted out of frustration.

O.A. na kung O.A, hindi ko lang talaga mapigilan. My emotion was overwhelming that I can't no longer contain it.

"Czarielle..." Malumanay na pagtawag niya sa pangalan ko.

Lalong nag-alburoto ang nararamdaman ko. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Calm down, please?" Pakiusap niya habang pinapasadahan ng palad ang kaniyang buhok.

Nag-iwas ako ng tingin. An unfamiliar warmth crept into my body, ito yung init na mararamdaman mo kapag alam mong secure ka. But ironically, I know I'm in danger because of this warmth.

"Ihahatid na kita sa inyo."

"Ha? Huwag na!"

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Hindi tayo close."

Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko.

Kung minsan talaga ay walang filter itong bibig ko.

"Hi. I'm Kyle Stefan Lopez Yu. Scholar sa Glamour University. I'm living with my Mom alone, and to tell you the truth, we're not rich like your family but I want you to be my friend." Mahabang lintaya niya sabay lahad ng kaniyang kanang kamay sa akin.

Pagkakataon ko naman ito para umawang ang bibig ko. Hindi ko ineexpect na gagawin niya iyon. I thought he would get really offended and would just walked away because of what I had said. But I guess Kyle was really different. Ang hirap i predict ng mga susunod niyang gagawin.

I shook my head before I decided to accept his hand. "Hello, Kyle. My name is Czarielle Angeles Montesilvia. I'm from Glamour University, too. I don't care if you are rich or not, as long as you're not a jerk then I'm fine with you. Now, we're friends."

Sa huli ay natawa rin ako sa ginawa kong pagpatol sa kalokohan ni Kyle.

"But I'm a jerk at times." Mahinang sambit niya gamit ang husky na boses.

I bit my lower lip as I looked away. His husky voice was just so sexy. Para siyang nang-aakit. Idagdag mo pa ang natural na nangungusap niyang mga mata.

"Then I guess we can't be friends." Sambit ko sabay smirk sa kaniya.

Nakita kong nagulat siya dahil sa sinabi ko tapos ay agad namula.

"But I will try to change myself." Nagsmirk din siya pabalik sa akin. "For you." Dagdag pa niya sabay kagat muli sa ilalim ng labi niya.

I blushed a little.

Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Kyle ang mga ginagawa niya ngayon o hindi. But as I stares at him right now, he looked unaware of everything he did. Parang kusa na lang niya itong nagagawa dahil sa sitwasyon.

"Simula ngayon ay magkaibigan na tayo. Ikaw ang unang totoong kaibigan ko mula sa University, alam mo ba iyon?"

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan.

"Hindi dahil magkaibigan na tayo ay pwede mo na akong akbayan." Sabi ko habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko.

"Ang damot naman!" Natatawang bulong niya sa kaniyang gilid.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya ng sobra.

"My first friend in Glamour University is so cute. So damn cute." Wika niya sabay iwas ng tingin sa akin at saka naglakad palayo.

Iniwanan niya ako roon na nakaawang ang bibig habang namumula ang mga pisngi.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon