Kabanata 17

80 5 1
                                    

Fooled

Pagkahinto ng kotse namin sa tapat ng gate ng unibersidad ay bumaba na ako kaagad. Wala akong Kyle na nakitang naghihintay sa gate katulad ng dati niyang ginagawa. Aaminin ko, nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya.

Sobrang hirap talagang masanay sa isang bagay na alam mong pwedeng mawala sayo any time. Yung di ka sigurado kung magtatagal. Kaya dapat hindi natin sinasanay ang sarili natin sa isang bagay dahil kapag may biglang nagbago, tayo lang din ang masasaktan. We should always keep this in mind.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa building namin.

"Hi, Rielle. Good morning!" Magkasabay na bati sa akin ni Dame at Naomi.

"Morning pretty." Bati naman ni Ezekiel sabay akbay sa akin. He's calling me both ugly and pretty, it depends on his mood.

"Morning, guys!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Sa tingin ko naman ay bumenta iyon sa kanila dahil ngumiti sila sa akin pabalik.

"Ang bigat mo, Ezekiel. Ano ba!" Reklamo ko sa kaibigan kong lalaki dahil nakaakbay na naman siya sa akin. Ang bigat kaya ng braso niya para sa isang hamak na petite na katulad ko.

"Ang sungit mo talaga." Nang-iinis na bulong niya sa akin sabay alis ng braso niya sa aking balikat.

"Whatever." I rolled my eyes.

Naghagikgikan sa gilid ko si Dame at Naomi. Sinimangutan ko lang silang dalawa.

Nang marating namin ang aming silid ay agad na tumambad sa paningin ko si Kyle na kausap ang mga kapwa niya basketball players at iba pang cheerleaders na kaklase namin.

Now I know the reason why he didn't wait for me yesterday and even today. Simply because he's with his co-popular students. He belongs there. He belongs with them. Right.

Hindi ko na ulit siya binalingan ng tingin. Nagtungo ako sa upuan ko na akala mo ay walang nakita.

"Ay palaka!" Mahinang sigaw ko dahil sa sunod sunod na maliliit na mga crumpled paper na tumatama sa ulo ko.

Nanliliit ang mga mata na nilibot ko ng tingin ang buong silid namin. Si Dame at Naomi ay parehas abala sa paggamit ng kanilang cellphone. Ang iba ko namang mga kaklase ay may kani kaniyang mundo. Nasipat ko si Ezekiel na pasimpleng tumatawa mula sa kinauupuan niya.

Tumayo ako at pumunta sa pwesto niya.

"What can I do for you, Czarielle?" Painosenteng tanong niya nang makalapit ako sa kaniya.

Walang pasabi na binatukan ko siya.

"Aray! What was that for?" Tanong niya habang marahang hinahaplos ang parte ng ulo niya na nasaktan ko.

Nilabas ko ang mga crumpled paper na ibinato niya sa akin kanina. "For these." Sambit ko sabay palo sa balikat niya.

"Sadista ka rin, ano?" Natatawang wika niya hahang pilit hinuhuli ang mga kamay ko na pilit kong ipinangkukurot sa kaniya.

"I am, Mister." I smirked at him then went back to my seat.

Nang makaupo na ako ay nilingon ko siya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang inirapan niya ako. Aba! Lalaki ba talaga siya? Of course, he was acting like this because I am his best friend. Tunay na lalaki si Ezekiel. Hundred percent straight. Nawawala lang talaga minsan ang pagiging manly niya dahil sa akin.

"Nasaan si Kyle?" Tanong ni Dame sa akin nang makarating kami sa cafeteria.

I just shrugged my shoulder.

"Bakit hindi mo alam?" Maintrigang tanong ni Naomi sa akin.

I raised my brow. "Dapat ba alam ko?"

"Friends kayo, diba?"

"Really? I didn't know that."

"Kaya pala siya ganyan." Rinig kong bulungan nilang dalawa.

"Hoy! Naririnig ko kayo!" Mahinang sigaw ko sa kanila.

"Pinaparinig naman talaga namin sayo." Tumawa silang dalawa na sinabayan pa ni Ezekiel. "Kami na ang bibili ng mga pagkain natin." Biglang pambawi nila sa akin.

"Tulungan ko na kayo." Paghabol ni Ezekiel sa dalawa na noon ay naglalakad na.

Umalis silang tatlo sa lamesa namin. I was left alone. Lahat na lang ba ng tao iiwan ako? Joke.

Umingay sa loob ng cafeteria. Lumingon ako upang tignan ang dahilan at doon ay nakita kong dumating pala si Kyle kasama ang mga kapwa niya varsity players.

Tumingin siya sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Sigurado ako na rito siya nakatingin. O baka nag assume lang ulit ako.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na sila Dame dala ang mga pagkain namin.

"Si Kyle oh! He's with the varsities." Mahinang wika ni Dame habang ang mga mata niya ay nakatuon sa akin.

Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pagkain.

Kabilang din naman sa mga varsity si Ezekiel pero bakit siya mas pinipili pa rin kaming samahan? Eh bakit si... Marahas kong pinilig ang ulo ko at hindi na pinagpatuloy ang kung ano man na naiisip ko kanina.

Pagkatapos namin kumain ay nag usap usap muna kami tungkol sa mga naging lesson namin kanina. Hindi naman kasi kami yung tipong nagpapabaya sa pag-aaral.

Nang magkayayaan na ay bumalik na kami sa aming silid. Sandali lang ay dumating na rin ang guro namin. Nagturo siya ng panibagong lesson tapos ay nag quiz bago matapos ang klase namin sa kaniya. Sa huling klase naman namin para sa araw na ito ay nagkaroon lang kami ng activity.

"Sige, mauna na kayo. Bye, guys. You take care." Paalam ko sa mga kaibigan ko na may kani-kaniyang pang gagawin kaya kailangan na nilang umalis kaagad.

Sa sobrang kalat kasi ng gamit ko ay ako na lang ang tanging natira dito sa classroom namin. Ang tagal ko rin kasing mag-ayos kaya hindi ko sila masisisi kung hindi na nila ako mahihintay.

Paalis na sana ako nang masulyapan ko si Kyle na nasa upuan pa niya. Naiwan din pala siya rito. So I was not alone all this time?

I just shrugged off the idea.

Nagkatinginan kaming dalawa. Siya ang unang nagbawi ng tingin at saka tumayo mula sa kinauupuan niya. Naglakad siya palabas ng silid namin, hindi siya muling lumingon pa.

Dahil ba nakakasalamuha na niya ang mga kapwa niya sikat ay hindi na niya ako kaibigan? Sikat na siya noon pa man ngunit ngayon ay mas lalo siyang sumikat. Higit pa siyang nakilala at mas lalong dumami ang mga taong humahanga sa kaniya, pati na rin ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Wala yatang araw ang lumipas na hindi ako nakakakita ng mga babaeng nagbibigay sa kaniya ng kung ano anong regalo.

Iyon ba ang dahilan kung bakit parang hindi na niya ako kilala ngayon? Ganon na lang ba iyon?

Gosh! I feel like I was being fooled.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon