Best friend
Nagising ako mula sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.
"Good morning, princess." Bati ni Mommy nang mapansin niya na gising na ako.
Binalingan ko siya ng tingin at nginitian. Ngumiti siya pabalik sa akin bago pinagpatuloy ang pag-aayos niya ng kurtina sa kwarto ko.
"Good morning, Mom." Inaantok na bati ko sa kaniya.
"Breakfast's ready. Sunod ka na sa dining ha?"
"Yes, My." Sagot ko habang umuupo sa kama ko.
Ganiyan si Mommy, gusto niya na siya ang nag-aasikaso sa akin kapag nandito siya sa bahay. Gusto niya na gumagawa ng mga gawaing-bahay kapag walang siyang trabaho na inaasikaso.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko at saka pumunta sa dining room pagkatapos. Naabutan ko roon ang parents ko na nakaupo at hindi pa nagsisimulang kumain.
"Good morning, Daddy." Bati ko kay Daddy at saka bumeso sa kaniya.
"Good morning, my Princess." Bati niya pabalik sabay ngiti ng malaki sa akin.
Breakfast with My King and Queen. What a way to start my day.
Nasa living room kami ng parents ko nang may nag doorbell. Lumabas si Manang Mercy para tignan kung sino iyon.
"Czarielle, si Ezekiel nasa labas." Wika ni Manang nang makita niya mula sa receiver kung sino ang nasa labas.
"Papasukin niyo po, Manang."
Ilang minuto lang ay kasama na ni Manang si Ezekiel na naglalakad papunta sa living room.
"Good morning po Tito, Tita." Bati ni Ezekiel sa parents ko nang makarating siya sa sala. Nagbeso siya kay Mommy at nakipag kamay kay Dadddy.
"Good morning, Ezekiel. How's your parents?" Tanong ni Mommy habang ino-offeran ni Manang Mercy si Ezekiel ng maiinom.
"Maayos naman po sila, Tita. Nagpapahinga po muna dahil na stress daw po sila sa New York."
"I see." My Mom chuckled. "Please tell them to come over here for dinner some other time. I really want to see Laarnie, it has been a year since the last time we talk."
"I will surely tell them that, Tita." Magalang na sambit ni Ezekiel kay Mommy.
"What brings you here?" Tanong ko kay Ezekiel noong tapos na siyang kausapin ni Mommy. Umupo ako sa tabi niya at tamad siyang tinignan.
"Damang dama ko ang pagiging hospitable mo, Czarielle." Sarkastikong wika niya sa akin.
"Hindi ka ba nauumay sa mga mukha natin? Magkaklase na nga tayo tapos pati ba naman weekends magpapakita ka pa rin sa akin. Give me a break, Ezekiel!" Maarteng wika ko na siyang ikinatawa niya.
"Ang O.A mo, Rielle. And for your information, ikaw lang naman ang may nakakaumay na mukha sa ating dalawa." Balik pang-aasar niya sa akin.
Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.
"Joke lang, hindi ka naman mabiro, Rielle." Nagpeace sign siya sa akin ngunit inirapan ko pa rin siya.
"Sungit mo naman! Let's go, punta tayo sa mall. I'm bored."
I knew it! Hindi naman siya pupunta rito para lamang sa wala.
"Maglaba ka na lang sa bahay niyo." Suhestiyon ko sa kaniya.
"Sa susunod na, kapag naglaba ka na rin." Sabay smirk niya sa akin. Aba! Ang lalaking ito..
Nakita kong natatawa ang parents ko habang nakatingin sa amin ni Ezekiel, marahil dahil sa asaran namin sa isa't-isa. I made face at my parents pero mas lalo lang silang tumawa.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Teen Fiction"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...