Kabanata 14

77 4 0
                                    

Czarielle's

Nasa loob pa lang ako ng sasakyan namin ay tanaw ko na agad si Kyle na nasa tapat ng gate ng paaralan. Maraming babae ang nakatingin sa kaniya mula sa malayo.

Is he waiting for someone?

Parang may biglang kumirot sa dibdib ko.

Bumaba ako sa sasakyan namin at naglakad na papasok sa loob ng unibersidad. Nilagpasan si Kyle, kunwari ay hindi ko siya napansin.

"Czarielle!"

Isang sigaw mula sa likuran ko ang nagpahinto sa akin sa paglalakad. Sa boses pa lang ay kilala ko na kaagad kung sino iyon. Idagdag pa ang naging reaksiyon ng aking katawan.

Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng sigaw, may kung anong kaba ang gumapang sa katawana ko.

Nakita ko si Kyle na naglalakad papunta sa direksyon ko. May ngiti sa kaniyang labi.

"Why?" Nakataas ang kilay na tanong ko nang makalapit na siya sa akin.

"My first friend seems to be so snob." Sabi niya sa himig na nagtatampo.

"Ano?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Hinintay kita sa gate pero nilagpasan mo lang ako. How could you do that to me?" Aniya sa tonong nagagalit. Pero kita ko naman na pinipigilan niya ang pag-angat ng kaniyang labi.

Ilang segundo ang dumaan bago tuluyang maproseso ng utak ko ang sinabi ni Kyle.

Omg. Ako ang hinihintay niya kanina. Ako. Ako talaga.

"Sinabi na nga niyang ikaw diba? Paulit-ulit?"
Sabi ng isang parte ng isip ko. Ang epal talaga.

Alam kong namumula ako ngayon kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Uhm," hindi ako makahanap ng mga salitang dapat bitawan.

"Lost for words?" He then gave me a mocking smile.

Inirapan ko siya. "Whatever you say. Good morning, Kyle!" Iniwanan ko siya roon at halos patakbo akong nagtungo sa silid namin.

Alam kong nakakawala ng poise ang ginawa ko but who cares, right? I am me so they don't care.

Kung bakit ako tumakbo at kung bakit ko iniwanan si Kyle sa school ground ay hindi ko rin alam. Dahil siguro sa mga fangirl niya na halos patayin na ako sa sobrang sama ng tingin na pinupukol nila sa akin. O marahil ay dahil ang buong sistema ko ay nagma-malfunction kapag nasa malapit si Kyle. O baka dahil sa parehas na dahilang iyon.

"Anong trip mo, Czarielle? Bakit ka tumakbo?" Tanong ni Kyle na sa huli pala ay nagawa pa rin akong maabutan. Bakas ang kaunting pawis sa kaniyang mukha. Tumakbo rin ba siya para maabutan ako?

"Wala. Gusto ko lang." Nag peace sign ako sa kaniya.

Lumapit siya nang lumapit sa akin. Halos one inch na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa sa isa't-isa.

"Don't try to run again. Or else, I will be more than willing to lock you..." Sambit niya gamit ang husky na boses at mas lalo pang inilapit ang mukha niya sa akin. "Here." Pabulong niyang sinabi sabay turo sa parte kung nasaan ang puso niya.

I gasped and once again, I was lost for words.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon