"Czarielle, gising na! May bisita ka!" Sigaw mula sa labas ng kwarto ko na dahilan para magising ako.
Ang sarap sarap ng tulog ko sabay gani—— wait, what? May bisita ako? MAY BISITA AKO?
Wala naman akong matandaan na may usapan kami nila Dame ngayon. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa side table para tignan ang oras. Ngunit nakuha ang atensyon ko ng isang mensahe.
From : Kyle Stefan Yu
I'll pick you up at 7am. Sorry, I am just too excited. Good night, princess. Sleepwell.Alas nuwebe pa ng gabi niya tinext sa akin iyon. Bakit ba hindi ko naisipan tignan ang cellphone ko kagabi? I mentally slapped myself.
Bumalik ang tingin ko sa mensahe niya at agad na pumula ang mga pisngi ko. Umagang umaga umiinit ang pisngi ko dahil sa lalaki na iyon.
"Susunod na po ako, Manang!" Sigaw ko pabalik sabay takbo papunta sa banyo ko para maligo at mag-ayos.
I just wore an off the shoulder white top, light blue jeans and pair it with a flat shoes. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya pinili ko na lang isoot ang damit na komportable ako. I put a light foundation and a lip tint and viola— I'm ready to go.
I saw Kyle in our living room, sitting comfortably there and waiting patiently for me. I can't help but be amazed on how simple his clothes are— gray and white polo shirt and black pants, yet he still managed to look as handsome as ever.
"Sorry, naghintay ka pa sa akin." I told him the moment our eyes met.
"It's alright. I told you, I'm willing to wait. By the way, here." Inabot niya sa akin bouquet ng bulaklak na hindi ko napansin na hawak niya. "Good morning, Czarielle." He then flashed a very charming smile.
"Yeah, good morning. But you don't need to give me this. Thanks though." I said trying to calm my already distracted self.
Nagkibit balikat siya sabay kindat sa akin. I rolled my eyes upward. Akala ko dahil sa ginawa ko ay tatahimik siya but guess what? He just laughed at me. I think he gets more playful this time.
"Tara na?" Naitanong ko na lang para mawala ang pagkainis ko sa lalaking nasa harapan ko.
"Hindi ka pa kumakain ng breakfast." He didn't asked me, it is a statement and he said it in a way like he was commanding me to do it.
"And so?" Nanghahamon na sagot ko sa kaniya.
Remember, we're not in good terms yet. Yeah... yet.
"Eat first!" He stated with a firm voice, as if he was really commanding me.
"I had my milk, that's enough." I answered with a much firmer voice. Sorry Kyle, but today I don't see myself loosing.
"Hard-headed girl." Bulong niya sa isang tabi na narinig ko naman.
"What did you just say?!" I whinned.
"Sabi ko, tara na. Kumain na lang muna tayo bago tayo pumunta sa pupuntahan natin." Aniya, sabay hawak sa kanang kamay ko nang walang paalam.
I stiffened.
"Kyle, yung kamay ko." May kalakasang sambit ko nang makahupa mula sa gulat. Pinalo ko ng mahina ang kamay niya na nakahawak pa rin sa kamay ko.
He grinned at me. "Sorry, I got carried away."
Kung nakamamatay lang ang irap, I swear, kanina pa siguro nakahandusay dito ang lalaking kasama ko. He's so playful, hindi ko alam kung anong mayroon sa kaniya ngayong araw na ito.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Teen Fiction"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...