Kabanata 36

45 1 0
                                    

Two years

July 18 20xx

I stared at my phone then realized something.

It was exactly two years ago when that happened. It was two years ago when my heart got broken. Again.

Indeed, time passed by quickly.

I sighed.

Isa isa kong kinuha ang mga gamit ko na nasa ibabaw ng lamesa at saka nilagay sa loob ng bag ko. Pagkatapos non ay lumabas na ako sa library. Nakatanggap ako ng mensahe kanina mula kay Dame na nagsasabing nasa room na raw sila at naghihintay sa akin.

"Are you okay, Rielle?" Naomi asked me in low voice.

I know why she was asking me that. I'm pretty sure she remembered it too.

"Oo naman, Naomi. It has been what, two years? Wala na sa akin iyon." I tried to laugh but it turned out into an awkward one.

"Basta Czarielle, when you feel-"

"Hush, Dame. I'm okay, really. Let's not talk about it." Pagputol ko sa kung ano mang sasabihin niya sabay ngisi sa kanilang dalawa.

People constantly asking me if I'm okay just remind me that I'm not really okay. It serves as a daily reminder to me that my heart has been broken and I'm still going through that pain until now. And I don't like this feeling anymore.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nilang dalawa bago ako nginitian at saka umupo sa tabi ko.

Fourth year college na kami ngayon. And luckily, magkakasama pa rin kaming tatlo. Si Ezekiel ay bumalik sa ibang bansa para tulungan ang mga magulang niya sa kanilang negosyo. Hindi niya natupad ang pangako niya na dito magtatapos, nagkasakit kasi ang ama niya kaya kailangan nilang bumalik sa New York dahil kailangan siya roon para tumulong na mamahala sa mga negosyo ng kaniyang ama. At kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Dame ay hindi ko na pinakialaman pa. Basta ang alam ko ay masaya silang dalawa kahit magkalayo sila. Sapat na iyon para maging masaya rin ako sa kanilang dalawa.

Masaya kahit magkalayo.

Ramdam ko ang pagtabang ng damdamin ko dahil sa naisip ko.

Two years ago...

Nakasuot ako ng royal blue long sleeve flowing dress just above my knee. Nilagyan ako ni Dame ng light make up at hinayaang nakalugay ang aking buhok na kinulot ang dulong bahagi. Ni hindi ko makilala ang sarili ko ngayong araw dahil sa magandang ayos na ginawa sa akin ni Dame.

"You are beautiful!" Komento ni Dame habang tinitignan ako mula sa vanity mirror na nasa kwarto ko.

"It's all because of your help." I grinned at her.

"Of course not. Talaga lang na maganda ka." Ngumisi siya at bahagya akong niyakap mula sa tagiliran. "I'm happy for you, Rielle."

"Thank you, Dame." I whispered as I hugged her back.

Ngayon ang araw na magmi-meet ang pamilya ko at ang pamilya ni Kyle. Sa isang restaurant na napagkasunduan namin ni Kyle kami pupunta ngayon kasama ang pamilya naming dalawa at ilang mga malalapit na kaibigan. Halos dalawang buwan na ang nakalipas mula noong sinagot ko si Kyle, we are finally a couple. Wala ang parents ko noong mga panahon na iyon, nasa business tour sila within that duration. Although nasabi ko na sa kanila na sinagot ko na si Kyle, ngayon pa lang kami magkakasama samang lahat sa iisang lugar. Naisaayos na rin ng parents ko ang flight nila kaya gusto ni Kyle na ngayon namin sabihin sa kanila ng personal ang mga nangyari. I told my parents about the plan and they were both happy, kaya mula sa airport ay uuwi lang sila sandali sa bahay para sunduin ako tapos ay diretso na agad kami sa restaurant.

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon