Kabanata 32

73 2 0
                                    

Kahit saan ka tumingin ay makakakita ka ng kumpol ng mga estudyante na abala sa kani kanilang booth. Abala rin ang mga manlalaro sa kanilang pagpapractice.

"Finally, intrams na bukas!" Masayang hiyaw ni Dame.

"Hindi naman halata na excited ka, no?" Pang-aasar ni Naomi sa kaniya.

Inismiran lang siya ni Dame tapos ay umangkla sa braso ko.

"Good morning, Czarielle."

Sabay na nagpakawala ng impit na tili ang dalawang kasama ko. Parang pusa lang sila na hindi mapaanak.

"Good morning, Kyle."

Ngumiti siya at sumabay na sa amin sa paglalakad.

"Wala kayong practice?" Tanong ni Dame kay Kyle.

"Meron. Ihahatid ko lang muna si Czarielle."

At hayun na naman sila sa tunog ng pusa na hindi mapaanak. Hinila ni Naomi si Dame palayo sa akin at umuna sila sa paglalakad, leaving Kyle and I alone.

"Manonood ka ng practice game namin?"

"Baka hindi, tutulong kami sa booth ng klase natin." Tumango siya at hindi na nagsalita ps. Lakas mangonsensiya ni Kyle. "Pero susubukan kong sumilip mamaya." Dagdag ko pa na siyang nagpangiti sa kaniya.

Nagtinginan ang mga kaklase namin pagkarating namin sa room. Ngunit nag-iwas din sila kaagad ng mga tingin ng umubo si Ezekiel. Mabilis din na umalis si Kyle dahil late na siya sa practice nila.

"Ikaw na talaga. Sayo na ang korona." Wika ni Dame na umarte pang may ipapasang korona sa akin.

Nagtawanan kaming tatlo dahil doon. Pagkalipas ng ilang minuto ay naging abala na rin kaming lahat.

"Breaktime muna, guys!" Sigaw ng aming presidente.

"Let's go. Gutom na gutom na ako." Nakangusong utas ni Naomi habang kinukuha ang gamit niya tapos ay agad kaming umalis sa room namin.

Hindi pa rin nawawala ang mga estudyanteng tumitingin sa akin sabay magbubulungan. It's awkward but I'm trying to be used to it.

Pagkaorder namin ay walang pakundangan na nilantakan nila ang mga pagkain nila. Gutom nga talaga ang mga kaibigan ko.

"Rielle," seryosong pagtawag ni Ezekiel sa akin.

"What is it, Ezekiel?"

"Is he courting you?" He. Wala siyang binanggit na pangalan ngunit may isang tao na agad na pumasok sa isip ko.

Tumango ako bago tinignan si Ezekiel. Naghihintay ng sasabihin niya pero wala. Hindi na siya muling nagsalita pa.

Weird.

"Let's watch their practice game." Pagyayaya ni Dame nang matapos kaming kumain. Agad na sumang-ayon si Naomi at syempre ako rin.

Maingay at marami ng tao sa gym nang makarating kami roon.

"GO, KYLE!" Sigaw ni Dame kaya nagtinginan ang ibang nanonood sa amin at maging ang mga naglalaro- including Kyle.

Bakit ba parang nakalunok ng megaphone ang kaibigan ko? Ang lakas talaga ng boses niya.

Nakatitig lang ako kay Kyle habang naglalaro siya nang biglang tumingin din siya sa akin. Biglang may nag-alburoto sa sikmura ko ng ngumiti siya sa akin.

"Cut that titigan, Rielle. Naglalaro kaya yung tao." Bulong ni Ezekiel sa akin.

Doon ko lang narealize na magkatitigan kami ni Kyle habang nasa gitna siya ng game nila. Oh lupa, bumuka ka at kunin ako ngayon. Nakakahiya pala!

"So, totoo nga ang balita?"

"Siguro. Nakita mo naman yung titigan nila."

"May something nga talaga."

"Oo, meron talaga. So back off, girls!" Medyo malakas na wika ni Dame na umaarteng kausap si Naomi kahit ang totoo ay pinaparinggan niya ang mga babae na nakaupo sa bleacher malapit sa kinatatayuan namin.

In this journey, I'd learned something. Kapag nagdesisyon ka, may tatlong klase ng tao. Una, ang mga tao na tanggap ang desisyon mo. Sila yung mga susuportahan ka kahit anong gawin mo, tutulungan ka sa ano man na pwedeng mangyari. Pangalawa, ang mga taong hindi tanggap ang desisyon mo. Sila yung mga kahit anong paliwanag mo ay hindi ka iintindihin. Sarado ang isip nila at sarili lang nilang desisyon ang pakikinggan. At pangatlo, ang mga taong walang pakealam sa desisyon mo. Sila yung mga taong hindi sang-ayon sayo at hindi rin kontra. Neutral. Pero most of the time, sila lang talaga yung mga taong mas pinipiling hindi mangialam sa buhay ng iba.

Bakit ko kailangang bigyan-pansin ang mga taong ayaw sa desisyon ko kung napapaligiran ako ng mga taong tanggap ito?

Sa mga nangyari sa akin, narealize ko na hindi lahat magugustuhan ka. It's up to you if you will be affected. And as for me, kahit mahirap, mas pipiliin ko na lang na hindi magpaapekto. After all, it is my life.

"Ang galing niyo!" Sigaw ni Dame at Naomi na halatang nasisiyahan sa pinapanood. Tapos na pala ang laro. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko si Kyle na naglalakad papunta sa amin.

Alam mo yung naeexcite ka na kinakabahan? Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Ganito ang epekto niya sa akin. Ano kayang epekto ko sa kaniya?

"I'm glad you came." Pambungad niya sa akin nang magkaharap na kaming dalawa.

"Nagyaya si Dame, eh." I shrugged my shoulder.

"I should thank Dame, then." Marahas na hinila hila ni Dame ang braso ko dahil sa kilig. Kasi nga diba, crush nila si Kyle kahit dati pa. Oo, sila lang. Kaya misteryo pa rin sa akin hanggang ngayon kung paano ako nagkagusto sa lalaking ito. But of course that was a joke.

Natatawa na lang ako sa reaksiyon ni Dame. Hindi niya talaga kayang magpigil ng kilig.

"Una na ako."

Magsasalita pa lang sana ako ngunit mabilis nang nawala sa paningin namin si Ezekiel. Ano bang problema ng isang yun?

"Czarielle,"

"Ha?"

"Kanina pa kita niyayayang umalis. You're spacing out."

"R-really? Sorry about that." Hinging paumanhin ko kay Kyle.

"Are you thinking about something? Or someone?"

"Naisip ko lang si Ezekiel. He's acting weird lately."

Tumikhim ng mahina si Kyle bago nagyaya nang umalis. Bumalik kami sa room namin, hindi pa sila nagsisimulang mag-ayos muli dahil wala pa rin ang iba naming mga kaklase.

"Ang galing niyo kanina, Kyle." Kinikilig na bati ng isa naming kaklaseng babae kay Kyle.

"Thank you." Normal na sagot ni Kyle habang tinatabihan ako sa upuan.

"Will you watch our game tomorrow?"

"Yes."

Malapad ang ngiti na ipinakita niya sa akin bago siya sumandal sa upuan niya.

"You look tired."

"Tinulungan ko si Mama kanina. Marami kasi siyang order."

"Dapat tinawagan mo ako. I can help."

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago bumalik sa pagkakapikit. Ang gwapo naman niyang matulog.

"Kailan nga pala ulit tayo magtitinda?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ka kasali, Czarielle. Mapapagod ka lang doon."

"What? Why? Dali na, Kyle. Natuwa kaya si Mommy nung kinuwento ko iyon sa kaniya."

Napabalikwas siya sa pagkakaupo. "What? Kinuwento mo sa parents mo?"

"Yes. At hindi sila nagalit. In fact, tuwang tuwa sila. Pwede nga rin daw magtinda sa opisina nila si Tita."

Naiiling na bumalik sa pagkakasandal sa upuan si Kyle. Nakakunot din ang noo niya.

"Are you mad?"

Tinignan niya lang ako sandali tapos ay muling umiling. 

May nasabi ba akong mali?

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon