Perfect Scene
"Mommy, you're here!" Masayang bati ko nang mabungaran ko si Mommy na nakaupo sa sala at nagbabasa ng magazine.
Ibinaba niya ang hawak niya at saka ako tinignan. "Yes, sweetie. I'm here." Aniya habang nakangiti sa akin.
Mabibilis ang mga lakad na nagtungo ako sa kaniya. Tumayo siya nang magkaharap kaming dalawa. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. "I missed you, Mom."
"I missed you too, sweetie." Saad ni Mommy at muli akong ginawaran ng isang yakap.
Kakauwi lang nila galing sa long trip nila sa Amerika.
"Si Daddy po?" Tanong ko habang sabay kaming umuupo sa long couch.
"Nasa opisina niya. May mga pagbabago kasi sa proposal na sinabi sa kaniya kaninang umaga lang kaya kailangan niyang i-review iyon agad."
See? Pati sa bahay namin ay may opisina sila. Ganoon ka-workaholic ang parents ko.
Tumango ako at ngumiti na lamang sa kaniya. Sanay na ako at naiintindihan ko rin naman sila. Pero kahit ganon, may mga pagkakataon pa rin na hindi ko maiwasan makaramdam ng tampo sa kanilang dalawa. Sa tingin ko naman ay normal lang iyon, ang mahalaga ay huwag magtatanim ng galit sa mga magulang.
"Nakauwi na pala sila Ezekiel mula sa New York?" Tanong ni Mommy habang muling binubuklat ang magazine na hawak niya kanina.
"Yes, Mom. Pumasok na rin po siya kanina sa klase."
"That's great. Let's invite them for dinner some time."
Magkaibigan ang parents ko at ang parents ni Ezekiel simula pa noon kaya ganon na lang din ang closeness naming dalawa. They are business partners, too.
"Sure, My. Sabihan ko na lang po si Ezekiel."
"Okay, sweetie." Tinignan ako ni Mommy at nginitian. "How's your studies?"
"I'm doing great, My. Nakakapanibago po pala ang college life pero nakaka adopt naman po kami."
"You can do that, sweetie. At first nandiyan yung adjusting period but later on maeenjoy mo na rin ang college life mo. Just don't hesitate to talk to us whenever you have problems, alright?"
Ngumiti ako at tumango sa kaniya.
"Sweetie, hindi man lang ba sumagi sa isip mo na magpamake over? Mag contact lens? Or magpalit ng salamin?" Malambing ang boses na mga tanong ni Mommy sa akin. Alam ko na ang ganitong istilo niya, she has been doing it for couple of times already. Gusto niya kasi talaga na magpalit na ako ng salamin at paminsan minsan ay gumamit na lamang ng contact lens. Gusto rin niya na magpaayos ako at magpalit ng istilo ng pananamit.
Ang salamin kasi na suot ko ay medyo malaki at makapal. My hair is always in ponytail and I don't wear fitted clothes. Ang madalas na soot ko ay shirt at pants, nagsosoot lamang ako ng short kapag nasa loob ng bahay namin. Wala naman akong nakikitang problema rito kaya hindi ko alam kung bakit gusto niya na magpalit ako or atleast daw magbago ng istilo. She's encouraging me to try different style of clothing like sleeveless and off-shouler tops, skirts and dresses.
"I'm fine with this Mom. At komportable naman po ako sa mga sinosoot ko."
"Okay, sweetie. Basta kung bigla mong maisipan magpaayos... just tell me, okay?"
"Yes, Mom."
Muli niya akong niyakap habang hinahaplos haplos ang buhok ko.
"May nanliligaw na ba sa baby ko?"
"My, naman. Stop calling me baby. Matanda na po ako eh."
I heard her chuckled. "Parang dati lang gusto mo na ikaw lang yung baby namin tapos ngayon ayaw mo ng tatawagin kita sa ganon? Ang bilis talaga ng panahon." Natatawang wika niya na sinamahanan pa niya ng pag-iling.
"It's not like that, My. I will always be your baby, of course. Kaso matanda na po ako ngayon." I grinned.
"But you will always be our Princess."
Sabay kaming napalingon ni Mommy sa nagsalita. Nakita namin si Daddy na naglalakad pababa sa hagdanan.
"I miss you, my princess. Where's my hug?" Tanong ni Daddy habang naka spread ng malaki ang dalawang braso, inviting me for a hug.
Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya. Ghad! I missed my parents so much. Almost one month din silang nawala dito sa bahay.
My parents and I are really close. Naaalala ko noong bata pa ako ay palagi kaming namamasyal na buong pamilya. Pumupunta kami sa mga parke, mga mall, amusement parks, museum at kung saan saan pa. Iyon nga lang habang tumatanda ako ay dumadalang na ang pagba-bonding namin, madalas na kasi silang wala dito sa bahay o kung nandito man ay abala naman sila sa kanilang opisina.
"So, the Queen was left alone?" Tanong ni Mommy sa himig na nagtatampo.
"Huwag ka ng magtampo, My Queen. Come here and join us." Masuyong wika ni Daddy habang may matamis na ngiti sa kaniyang labi.
Lumapit agad si Mommy sa amin ni Daddy at sumali sa yakapan.
This is one of the best things that I will treasure forever: Me, my Mom and my Dad hugging one another with so much love.
Nagulat kami nang biglang may tumunog na shutter ng camera na sinundan ng flash mula roon. Paglingon namin ay nakita namin si Manang Mercy na hawak ang Ipad ko.
"Manang?" Natatawang tanong ni Mommy and Daddy.
"Sorry, Ma'am and Sir. Masyado kasing maganda ang view kaya hindi ko napigilan na kuhanan ng litrato. You know, memories."
Ang sosyal ni Manang Mercy... may pa 'you know' pa siya. Nagtawanan tuloy kami ng parents ko.
"Ano ka ba, Mercy, ayos lang iyon. Salamat rin sa ginawa mo." Sabi ni Mommy habang nakangiti kay Manang.
"Remembrance din po iyan." Singit ko sa usapan.
Natawa silang tatlong matanda dahil sa sinabi ko.
Oppss, my bad! Tatlong adult pala dapat. Siguradong kikilitiin ako ni Mommy kapag narinig niyang sinabihan ko siya ng matanda.
"Nako, Ma'am at Sir, namiss kayo ng sobra ng alaga ko. Kaya sige ho, sa kusina ho muna ako para makapag-usap naman kayong tatlo. Catch up, catch up din kapag may time."
"Manang naman! Baka lumaki po ang ulo nila Mommy at Daddy niyan, baka isipin nila masyado akong clingy." Pabirong turan ko sabay tawa.
Nakatanggap tuloy ako ng kiliti mula kay Mommy at Daddy dahil doon. Pinagtulungan nila akong dalawa na kilitiin, pilit akong lumalayo sa kanila habang tawa nang tawa, sila naman ay panay ang habol sa akin.
I missed the moment like this.
Ilang oras kaming nag stay sa entertainment room para sulitin ang araw na magkakasama kaming tatlo. Noong mag gabi na ay saka lamang ako humiwalay sa kanila dahil kailangan na rin nilang magpahinga. Alam kong pagod na pagod pa sila at hindi pa masyadong nakakapagpahinga mula sa mahabang biyahe nila kanina.
Noong nasa kwarto ko na ako ay nag open ako saglit ng social media account ko. I posted our picture in my Instagram with the caption "They're back! Missed my Queen and King."
Nag comment sila Dame at Naomi doon ng "Sweet!". Sa litrato kasi ay magkakayakap kaming tatlo, nasa gitna ako nila Mommy at Daddy habang magkatitigan silang dalawa at matamis na nakangiti sa isa't isa. It was an awesome picture, really.
A perfect scene for me.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Novela Juvenil"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...