Chapter 37

33 1 1
                                    

Walang akong gana na naglalakad sa hallway nang mapatigil ako dahil sa narinig kong usapan.

"Kyle is back!" Narinig kong patiling wika ng isang estudyante.

"He was tagged in a post in his facebook account." Hindi magkamayaw na kwentuhan nila.

Kyle... Tama ba ang narinig ko? O nabibingi na ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko?

"Kyle? You mean Sebastian Kyle Yu?" Tanong ni Dame sa babaeng nasa gilid namin. Mukhang curious din ang kaibigan ko sa narinig, pero hindi tulad ko hindi niya kayang makinig lang.

"Uh, yes." Naguguluhang sagot ng babae kay Dame sabay baling sa mga kasama niya. Tapos ay naging abala na sila sa hawak nilang mga cellphone.

Agad akong hinila nila Dame papunta sa room namin.

"What?" My brow arched.

"Wala..." Aniya sabay tawa ng peke at saka naupo na. I rolled my eyes upward as I sat beside them.

Inilabas ni Dame ang kaniyang cellphone. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakatitig sa screen ng cellphone niya. Nasa facebook ito, sa profile ng isang tao na nagngangalang 'Kyle Stefan Yu'. Ibinalik na pala niya ang facebook account niya. Hindi ko iyon alam dahil hindi na akong nagtangkang tignan pa iyon sa ilang buwan na lumipas. Bakit pa, 'di ba? Para mas lalo lang akong masaktan? Huwag na lang.

She scrolled up until she saw a post. Mayroon iyong kasama na nasa mga sampung larawan iyon at may caption na "Finally in the Philippines. So glad to be here. Hi Kyle's birth place!"

Isang babaeng nagngangalang Gianina Johnson ang nagpost non.

Tila ako nawalan ng hininga sa nakita at nabasa. So he's really back in the Philippines? I didn't even know he went abroad. Naramdaman ko ang muling pagtabang ng damdamin ko.

Inalis ko ang tingin ko sa cellphone ni Dame. Hindi ako magsisinungaling at sasabihin na hindi ako nasasaktan. Nasasaktan ako hindi dahil mahal ko pa siya, kung hindi dahil bumalik sa akin ang lahat ng mga alaala ng nakaraan. Na iniwan niya ako basta at hindi man lang nagpaalam. Tapos ngayon ay bumalik na siya at mukhang masaya pa.

Wow, great huh?

He gave me so much memories to remember. He made me feel I'm capable to love and to be loved. And I may be mad at him but I won't deny the fact that I loved him before. I loved him truly. But I think my anger, hatred, disappointment or whatever you called this is overpowering my love for him. I can't hide the bitterness soothing within me.

Nagpokus ako sa klase namin. Pinilit kong tanggalin sa isipin ko ang mga nalaman ko. And luckily, I succeeded. Natapos ang klase ko ngayong araw na hindi ko naisip si Kyle o kahit iyong babae niya.

"Rielle, hindi kami makakasabay sayo ngayon. May aayusin pa kami para sa report namin bukas." Ani Naomi habang malungkot na nakatingin sa akin.

"Ayos lang, no. Malaki na naman ako." I joked, but I guess I'm not that good because they didn't even smile. "You take care, okay? Bye!" Bumeso ako sa kanilang dalawa bago ako tuluyang naglakad palabas sa silid namin.

Ngayong mag-isa ako ay hindi ko na naman maiwasan ang mag-isip ng kung ano ano. Ugh! I shook my head and tried to focus my attention in the road. Maglalakad ako ngayon pauwi dahil gusto kong maglibang.

Pumasok ako sa Coffee House at doon nagpalipas ng oras. I was sipping my coffee when I saw a familiar face.

"Oh shit!" Bulong ko sa sarili. Pigil ang paghinga na ibinaba ko ang kape na iniinom ko.

This can't be! Hiyaw ng isip ko.

Kyle Stefan Yu was standing in front of me... with... a girl. They were laughing while walking. I guess they will go to the vacant table who happened to be beside... me. Oh fuck!

Gusto kong tumayo na lang at umalis sa pwesto ko ngayon ngunit hindi ako makagalaw. Tila nag-ugat ang mga paa ko sa sahig.

I heaved a deep sigh before I looked away but it was too late. Nakita ako ni Kyle! Bahagyang nanlaki ang chinito niyang mga mata pagkakita sa akin. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko magawa.

Walang masyadong nagbago sa mukha niya. Mas lalo nga lang tumingkad ang features niya. His hair still looks messy. His perfectly chiseled jawline is still visible as ever. Ang kilay niya na nagdedepina sa chinito niyang mga mata ay ganon pa rin. Ang labi niya ay mamula mula pa rin at mukhang malambot. Pero katawan niya ay tila bahagyang nagmature, dala na rin siguro ng lumipas na mga panahon.

Dumako ang tingin ko sa kanang braso niya. May kamay na nakahawak doon at hindi ko na kailangan pang tignan kung kanino iyon dahil alam ko na naman sa umpisa pa lamang.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at saka kinuha ang bag ko sa aking gilid. Tumayo ako at hindi na sila muling binalingan ng tingin.

Paglabas ko sa Coffee House ay agad akong napahawak sa aking dibdib habang inaalala ang nangyari kanina.

He is back... for real!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall in Love or Fool in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon