Lab partner
It's Saturday morning and I am in our subdivision's leisure park. I was just roaming around and reading good book.
Naupo ako sa isang bench sa harap ng covered court. Ito na lang kasi ang bakanteng upuan dito sa buong lugar.
I started reading. Yes, I'm a bookworm and I'm proud of it. Pakiramdam ko minsan kapag nagbabasa ako ay nakakatakas ako sa realidad. Nakakawala ako sa sakit, problema at kalungkutan na kinakaharap ko sa buhay.
Nasa kalagitnaan ako ng binabasa ko nang makarinig ako ng ingay. Nag-angat ako ng tingin at nakitang may mga taong naglalakad papunta sa loob ng court, mukhang may mga naglalaro doon ngayon. Maririnig mula sa kinauupuan ko ang tunog ng mga sapatos na nanggagaling sa court.
Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagbabasa. Couples of minutes later, I heard louder shouts and whins.
"Ang galing niyo talaga!"
"Kaunti na lang. Kaya niyo 'yan!"
"Go, Kyle!"Wait, what? Kyle? As in Kyle Yu?
Nanatili akong nakaupo ngunit ang atensiyon ko ay wala na sa binabasa ko. Naglalakbay na ang isip ko sa mga taong posibleng nasa loob ng court.
And right there and then, I saw some familiar faces. The cheerleaders of Glamour University. May nakita rin ako na mga kaklase ko na mukhang manonood din ng laro.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa loob ng covered court. At ngayon nga ay nandito na ako sa loob at nanonood sa mga naglalaro.
"Ang galing talaga ni Kyle!" Kinikilig na sambit ng babae sa tabi ko.
"Sinabi mo pa." Pagsang-ayon ng kasama niya. "Go, Kyle!"
Tahimik akong nanood ng laban. Hindi talaga maitatanggi na magaling si Kyle. You can see it on his moves.
Half-time break na. Naglalakad na sila Kyle pabalik sa kanilang bench.
Hindi ko alam kung anong irereact ko nang napagtanto ko na malapit pala ang puwesto ko sa may bench nila.
Yumuko ako at agad na tumalikod. Babalik na sana ako sa labas nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Czarielle?" Rinig kong sambit ng isang boses lalaki.
Ayoko man ay napilitan akong humarap. Who am I to be snob? Sa tingin ko ay wala akong karapatan.
"Oh, hi Carlo." Hilaw akong ngumisi sa lalaki nang nakilala ko siya.
He was my classmate last school year. We were friends because we became laboratory partner in our science subject. Ang alam ko ay bagong pasok lang din siya sa basketball team.
"Aalis ka na? Hindi pa tapos ang practice game namin. Tapusin mo na muna." He smiled playfully at me.
Hindi pa rin pala nawawala ang pagiging playful niya.
Napahawak ako sa batok ko. "Oo, eh. Sumilip lang naman kasi ako."
"Nandito ka na rin lang naman, sulitin mo na. Panoorin mo naman ang lab partner mo."
Natawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya. He used to call me "lab partner" even after we finished taking that science subject. Syempre si Carlo ang naging pasimuno ng lahat.
"Dali na, Czarielle." Dagdag pa niya nang makitang nag-aalinlangan ako.
"Sige na nga." Sagot ko na siyang ikinangiti niya.
"Sama ka sa amin, doon ka na sa may likuran ng bench namin. You can sit there." Pagyayaya niya sa akin.
"No, it's okay. I'm fine here." Todo pagtanggi ako sa alok niya.
BINABASA MO ANG
Fall in Love or Fool in Love?
Fiksi Remaja"Sikat siya, isang hamak na nobody lang ako. Anong laban ko sa mga sikat na babae at fan girls na nagkakagusto sa kaniya? Hanggang pangarap na lang ba ito?" -Czarielle "Mayaman siya. Mahirap lang ako. Anong laban ko kung magkaiba kami ng estado sa b...