"HERE'S YOUR key to your room, Ma'am, Sir, and enjoy your stay."
"Thank you," sabi ko sa receptionist habang nakangiti. Kinuha 'yong susi ng kuwarto namin ni Arlo—yes, susi ng kuwarto namin ni Arlo. Isang kuwarto lang ang binook ni Tita Ivy para sa amin ni Arlo! Naloka ako dahil hindi ko alam kung ano ang trip ni Tita Iv. For sure naman na afford niya mag book ng two rooms para sa amin ng anak niya!
Si Tita Ivy nag-book ng plane tickets, hotel and tour naming dito sa Batanes. Oo, may kasamang tour at hindi ko rin alam kung bakit may kasamang tour. Ang ipinunta namin dito ay 'yong magiging wedding church at reception ng kasal ni Tita Ivy at hindi para mag-sightseeing.
"I'll take that," Arlo said when we were waiting for the elevator.
I just rolled my eyes and ignored him. Kita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa 'kin at hinihintay akong ibigay sa kanya 'yong mga bagahe ko.
He was just wearing shorts and white long sleeves that he rolled up until his elbows and he looked so fine! Pero mas nangingibabaw 'yong pagkainis ko sa kanya kaya hindi ko siya masyadong tinitingnan.
When Tita Ivy told us the other day that Arlo and I would go to Batanes to check out the church and reception that she wanted for her wedding, I admit, I was feeling ecstatic. I really didn't know. Alam kong ako 'yong may gustong hindi na kami magkita o mag-usap ni Arlo. But when he didn't speak to me for a week, I didn't know. I was... sad. I kinda missed him when I know I shouldn't feel that way towards him.
But my excitement faded away when he kept on texting me before our flight, saying na kausapin ko raw si Tita Ivy na hindi na siya isama pa rito dahil kaya ko naman daw mag-isa. Uminit talaga 'yong dugo ko sa kanya. Dahil hanggang nasa airport kami waiting to get on board, he was still pestering me that I should just tell him to go home. At ako na raw ang bahalang mag-explain kay Tita Ivy kung bakit bigla siyang hindi .
"Cara..." tawag niya sa 'kin.
Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa bumukas 'yong elevator. Nauna akong pumasok sa loob habang bitbit 'yong mga gamit ko. Si Arlo naman naiwan na nakatayo sa labas at nakatitig lang sa 'kin. Nakakunot ang kanyang noo na para bang naiinis na sa 'kin dahil kanina ko pa siya sinusungitan. Sa buong biyahe rin namin, hindi ko siya pinapansin.
"Sasakay ka ba o iiwan kita diyan?" tanong ko sa kanya. Ready na 'yong daliri ko para pindutin 'yong close button ng elevator.
Nakatitig lang siya sa 'kin at hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Umiling lang siya bago sumakay na rin sa elevator.
I kept rolling my eyes dahil pikon na pikon pa rin ako kay Arlo. I still couldn't believe that I have to be with him for five days here in Batanes. Kailangan kong magtiis na kasama siya ng limang araw. At dahil inis na inis ako sa kanya, hindi ko tuloy masyadong ma-appreciate 'yong mga scenery kanina. Kahit 'yong airport dito sa Batanes, hindi ko tuloy masyadong na-enjoy, dahil mas nangingibabaw 'yong inis ko kay Arlo. First time ko pa naman dito sa Batanes kaya excited talaga ako, 'tapos wala pa kaming isang araw dito, sirang-sira na agad 'yong mood .
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...