HALOS TATLONG linggo na ang nakalipas simula nang biglang pumunta sa bahay si Arlo para dalawin ako. I tried to explain to him for his peace of mind na rin. Dahil alam kong alam niya na hindi ako kumportable na kausapin siya ng anything related to Nate.
It was harder than I thought. Akala ko madali ko nang makakalimutan si Nate, pero simula nang pumasok ako sa kuwarto niya ay parang nag-back to zero ako sa pagmu-move on. Alam ko ring nahihirapan si Arlo sa sitwasyon namin ngayon, but I really appreciated his presence, lalo na ngayon.
Minsan natutulala na lang ako bigla. Minsan parang akong nabibingi kapag bigla kong naaalala si Nate... para akong nawawala sa sarili ko.
Pakiramdam ko minsan, para akong mababaliw. Hindi ko na maintindihan 'yong nararamdaman ko. But Arlo kept me sane. Hindi niya ako pinapabayaan at palagi siyang nandyan sa tabi ko. He knew when I needed him the most. Kung dati sobrang effort na niya sa paghatid at sundo sa 'kin at sa pagdala ng pagkain sa 'kin, for the past three weeks ay parang naging triple pa lalo 'yong pag-effort niya para lang ma-make sure if I was all right. If I was eating properly.
And I really appreciate him... I'm really lucky to have him.
I wanted to tell him how much I loved him, but I couldn't find the right time to say it to him.
"Tulala ka na naman diyan, girl? Okay ka lang ba o tatawagan ko na si Arlo?" sabi ni Bryn.
Ni hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harap ko.
"A-ah... oo. Okay lang ako. May iniisip lang," dahilan ko.
"Sabihin mo lang kung kailangan ko nang tawagin si Papi, ha! Grabe rin kasi mga ginagawa n'on sa 'yo, eh! Kaunti na lang dasalan ka na, girl! Ganda mo lang talaga, eh, 'no!"
Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi ni Bryn. Pero totoo 'yong sinabi niya, dahil minsan nagugulat na lang ako nandiyan na si Arlo sa labas. Minsan naiisip ko nga na parang wala siyang trabaho dahil minsan nandito siya sa office ko nang buong araw.
"Pero maiba ako... ready ka na ba para bukas?" tanong niya habang nakaupo sa upuan sa tapat ng desk ko.
Biglang tumibok nang mabilis 'yong puso ko dahil sa sinabi ni Bryn. "I think so?"
"Bakit para di ka sure?"
"Kinakabahan kasi ako..." pag-amin ko sa kanya, saka ko ipinatong 'yong ulo ko sa desk.
"'Sabagay. Meet the whole clan na kasi! Sa tingin ko naman mababait 'yong kamag-anak ni Arlo. Sa bait ba naman ni Arlo, ewan ko na lang,"
"Tingin mo?" tanong ko nang iangat 'yong ulo ko.
"Sure na sure, girl! Kaya 'wag ka nang kabahan diyan!" sabi ni Bryn.
Tumango lang ako sa kanya.
Tomorrow lunch was the anniversary of Arlo's parents and they invited me. Sabi ni Arlo, puro family and relatives lang ang invited kaya hindi naman masyado madaming bisita. Halos relatives lang sa side ni Tita Ivy ang pupunta.
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...