Chapter 09

3.3K 114 14
                                    

HINDI KO namalayan na may tumulong luha na pala mula sa mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI KO namalayan na may tumulong luha na pala mula sa mata ko. I almost forgot how special and important this necklace was to me. Hindi ko mapigilang hindi maging emotional, dahil every time na nakikita at nahahawakan ko 'to, naaalala ko agad si Nate. This was the only thing that he left for me.

And all this time na kay Arlo lang pala 'tong kuwintas?

I didn't even have any idea or clue that he had been holding on to this.

'Sabagay, hindi ko rin naman magawang itanong kay Arlo noon dahil hindi ako handang sagutin siya kung sakaling magtanong siya pabalik sa 'kin kung bakit sobrang desperada kong mahanap 'tong kuwintas. Gano'n din ang sinabi ko kay Dhalia. Huwag na huwag sasabihin sa kuya niya ang tungkol dito.

Arlo became special to me, pero iba pa rin ang pagmamahal ko kay Nate. Na kahit wala na siya, nasa kanya pa rin ang puso ko. Alam kong sa kanya pa rin tumitibok 'to.

Lumabas ako ng washroom habang hawak ko 'yong kuwintas. Mabilis na napalingon sa gawi ko si Arlo. Nakakunot ang noo niya na para bang nagtataka siya kung bakit hindi pa rin ako nakakaligo dahil kanina pa ako sa loob ng washroom.

I approached him and stood in front of him. Agad napunta ang atensiyon niya sa hawak kong kuwintas at dahan-dahan nanlaki ang mga mata niya. Agad siyang tumayo para kunin sana 'yong kuwintas nang agad ko itong nilayo mula sa kanya.

"Sa 'kin 'to," madiin na sabi ko.

"What?"

"I've been looking for this everywhere. For a month now! At na sa 'yo lang pala 'to."

"Wait... what?" naguguluhang tanong niya.

"Nawala ko 'to sa airport noong araw na makabalik ako mula sa Canada. You don't know how important this is to me, Arlo. Akala ko hindi ko na mahahanap pa 'to," paliwanag ko at kitang-kita ko kung paano nanlaki 'yong mga mata niya na para bang bigla niyang naaalala 'yong araw na 'yon.

"You're that girl?" His forehead creased.

I slowly nodded at him. Sandali akong nabigla nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"I am truly sorry, Cara. I'm sorry for taking your ride and bumping into you... but I swear I didn't intend for it to happen! I was just in a rush that day..." Biglang naging malungkot 'yong expression niya. Pero agad din niyang naitago 'yong lungkot sa mukha niya.

Weird.

"That's why I've been seeking her to return the necklace and ask for forgiveness. All along, that girl has been you. I've been with the girl I've been looking for the entire time."

Tumango ako at huminga nang malalim para pigilan 'yong mga nagbabadyang luha. Para akong maiiyak sa galak.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Mabilis akong tumalikod sa kanya at pasimpleng pinunasan 'yong mga kumawalang luha.

"Cara, are you crying? Is that necklace really so special that it made you cry?" tanong niya.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon