Chapter 02

5.9K 169 34
                                    

HINDI AKO masyadong nakatulog kagabi dahil iniisip ko pa rin 'yong kuwintas ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI AKO masyadong nakatulog kagabi dahil iniisip ko pa rin 'yong kuwintas ko. Alas-siyete pa lang nang magising ako nang marinig kong tumunog ang cell phone ko. Mabilis akong bumangon nang makita na galing 'yon kay Manong Grab.

Noong una ay ayaw pa niyang pumayag pero nang sabihin kong na-snatch-an ako ng lalaking sumakay sa kanya, pumayag din siya. Pero noong ikinuwento ko sa kanya 'yong nangyari ay ayaw talaga niyang maniwala noong una dahil hindi naman daw mukhang snatcher 'yong lalaki. Mukha raw mayaman dahil Inglesero magsalita. But I was adamant na walang ibang kukuha ng kuwintas kung hindi siya lang. Siya lang naman ang nakabunggo sa 'kin kahapon at malaki ang chance na nasa kanya 'yong kuwintas.

Wala pang twenty minutes, nakapag-ayos na ako. I just wore a white shirt and blue jeans and put my hair in a bun. Mabilis akong bumaba para hintayin si Manong.

I just left a note for Gael, para hindi siya mag-alala dahil bigla na lang akong umalis.

Halos anim na buwan din akong nawala kaya medyo kinakabahan ako. Pero mahalaga talaga 'yong kuwintas na 'yon sa 'kin.

"Salamat po, Kuya at pumayag kayo. Mahalaga po talaga sa 'kin 'yong kuwintas na 'yon," paliwanag ko kay Manong dahil alam kong bawal 'tong ginawa niya para lang tulungan ako.

"Basta, ineng, sa susunod iingatan mo 'yong mga mahahalaga sa 'yo. Sa panahon ngayon, may mga tao talagang mapansamantala at bigla ka na lang aagawan." Seryoso si Manong habang sinasabi 'yon kaya naman natahimik ako.

Hindi ko alam kung bakit pero parang double meaning 'yong sinasabi ni Manong kaya naman tumahimik na lang ako habang pinupuntahan namin kung saan niya ibinaba 'yong lalaki.

Biglang lumakas 'yong pintig ng puso ko nang tumigil sa isang tabi si Manong. Nasa tapat kami ng isang building. Nagdadalawang-isip pa ako bago ako bumaba.

"Salamat po uli." Inabutan ko ng bayad si Manong at dinagdagan ko na rin dahil naabala ko pa siya. "Pandagdag po para sa kita n'yo ngayong araw."

Nagpasalamat si Manong at umalis na rin.

I was standing in front of a building. It looked fancy kaya nalilito ako kung snatcher ba talaga ang lalaking tinutukoy ni Manong. Siniguro ko pa kay Manong kanina kung tama ba 'tong lugar at sabi niya, oo raw at tama 'tong lugar. Siguradong-sigurado raw siya dahil tanda raw niya lahat ng nagiging pasahero niya.

I took a deep breath and I started walking inside. Akala ko mukhang sosyal na sa labas pero mas sosyal pa pala sa loob. Bigla akong nahiya sa suot kong blue jeans and white T-shirt. Parang ang yayaman kasi ng mga tao sa lobby.

"Hi! Good morning, Ma'am. How may I help you?" nakangiting bati sa 'kin ng receptionist.

Nag-aalangan akong lumapit at ngumiti. Paano ko ba hahanapin 'yong lalaki, eh, hindi ko rin naman siya mai-describe at lalong hindi ko alam ang pangalan niya.

"Miss, puwede ko bang tanungin kung anong unit ng lalaking dumating dito kahapon nang mga bandang hapon. Ganito siya katas, 'tapos medyo built 'yong katawan niya." Sinubukan kong i-describe pero nakatingin lang sa 'kin si Ate na parang litong-lito sa mga sinasabi ko.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon