"CHEERS!" sabi namin lahat at sabay-sabay naming itinaas 'yong shot glass na may lamang tequila. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang shot na namin 'to ngayong gabi!
"Hey, Baker! What's up with you and your text mate? Don't tell me na may nililigawan ka ng babae, sa torpe mong 'yan!" sabi ni Cash kay Baker habang tawa nang tawa. Sobrang pula na ng mukha ni Cash dahil siya yata ang pinakamaraming nainom na sa amin.
Si Baker lang ang hindi umiinom sa amin dahil siya raw ang DD sa kanila ngayon.
"Fuck you. Mind your own business," sagot ni Baker habang naka-middle finger pa kay Cash.
Sina Cash at Atlas ay tinawanan lang si Baker before taking another shot. Lasing na 'tong dalawang 'to sigurado ako!
Akala ko maraming invited dito sa birthday party ni Atlas kasi gano'n naman siya usually kapag nagpapa-party. Pero nagulat ako nang dumating kami ni Arlo dito sa bar at ibang kaibigan lang ni Atlas ang nandito. Sina Gael, Cash and Baker, 'tapos kaming dalawa ni Arlo lang ang inimbitahan niya. Dati kasi kahit hindi naman niya kilala, eh, invited sa party niya.
Hindi ko rin in-expect na ngayon ko makikilala ang kaibigan ni Arlo except Kenzo na hindi nakapunta dahil may gagawin daw.
At totoo nga 'yong sinabi ni Dhalia na super daldal ni Cash at kabaliktaran naman niya si Baker, kaya palagi silang nag-aaway. Sobrang ingay tuloy namin dahil nag-aaway sina Cash and Baker, 'tapos sina Atlas and Gael din ay hindi tumitigil sa pagbangayan. Nakakahiya tuloy doon sa ibang kaibigan ni Atlas.
"Sorry about my friends, love. Promise they're not like that when they're sober," bulong ni Arlo sa 'kin. Magkatabi kami sa upuan habang nakahawak siya sa baywang ko.
"Okay lang! Ang saya nga kasama ng friends mo, eh."
"I'll still arrange lunch with them, okay?" sabi niya.
I just nodded at him. He smiled at me before kissing my cheeks. Hindi ko alam kung lasing lang ba si Arlo or what. Pero kanina pa niya ako halos ayaw bitawan, kahit kanina pa siya inaasar ni Cash sa pagiging clingy sa 'kin. But I really liked this clingy side of Arlo!
"Get a room, you two! Respeto naman sa mga single dito!" saway sa amin ni Cash.
Pero hindi siya pinansin ni Arlo at lalo lang niyang hinigpitan 'yong pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko, saka binato ng chips si Cash sa mukha. Habang ako tawa lang nang tawa dito dahil kanina pa sila ganito!
"Kaya nga! Lahat kami single dito, o! 'Di ko lang sure 'tong si Baker mukhang malapit na ring magka-love life," sabi rin ni Atlas.
Hindi naman siya pinansin ni Baker at patuloy lang sa pag-text sa cell phone niya.
"Hoy, Atlas, 'wag mo nga akong idamay sa pagiging single mo! Excuse me, pero may ka-date ako," sabi naman ni Gael.
"Ah, 'yon ba 'yong ka-blind date mong hindi dumating sa date n'yo? Considered bang date 'yon if the guy didn't come?" pang-asar na sabi ni Atlas kaya kumunot agad 'yong noo ni Gael.
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...