Years ago...
"PLEASE... BABE?" I begged and even twinkled my eyes para lang pumayag si Nate. And I could see that he was just trying to resist me, pero gustong gusto na niyang bumigay sa hiling ko.
"Babe, naman. That's dirty," sabi niya na parang hirap na hirap na tanggihan ako sa gusto ko.
"I don't care, babe. Gusto ko kasi 'yon."
"But, babe, pinagpawisan ako kanina and that's gross, you know..."
I pouted dahil sa sinabi niya. Mahigit twenty minutes ko na siyang pinipilit na ibigay 'yong ginamit niyang T-shirt sa 'kin, pero ayaw niya talaga.
"Sabi ko naman sa 'yo, babe, na puwede mong gamitin 'yong mga malinis na T-shirts ko, basta 'wag lang 'tong nagamit ko na buong maghapon," sabi ni Nate habang yakap-yakap niya ako. He kissed my cheek down to my neck. He really knew what to do kapag nagkakatampuhan kami—kagaya ngayon.
"Pero gusto ko kasi 'yong gamit mo na para naaamoy kita hanggang makatulog ako,"
"But we're sleeping in the same bed and I cuddle you all night. Is that not enough?" Bakas sa boses niya na naiinis na siya sa 'kin. Hindi ko alam kung pang-ilang away na namin 'to dahil sa shirt niya.
"Bahala ka nga diyan!" sabi ko at agad akong tumayo, saka umalis ng kuwarto. Pabagsak kong isinara 'yong pinto. Minsan lang naman akong humiling sa kanya hindi pa niya ako mapagbigyan.
Nagpunta na lang ako sa kuwarto ni Jen at siya na lang ang kinausap ko dahil naiinis ako sa kuya niya.
"Nag-away na naman ba kayo ni Kuya dahil sa T-shirt niya? Gabi-gabi na lang kayong nagkakaaway..." Jen said.
Agad akong tumango. Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos. 'Buti na lang close kami ng kapatid ni Nate dahil parang totoong pamilya na ang turing nila sa 'kin. Mabait silang lahat sa 'kin kaya mabilis na gumaan ang loob ko sa kanila.
"Ang arte kasi ng kuya mo minsan. Ayaw pa akong pagbigyan," pagmamaktol ko.
Tumawa lang si Jen. "You know naman my brother is a clean freak, kaya ganyan na ayaw kang pagbigyan! And it's gross naman kasi talaga, Ate. Bakit hindi na lang 'yong clean shirts ni Kuya ang suotin mo?" sabi niya pero hindi na lang ako sumagot.
Nanood lang kami ng movie ni Jen habang napfu-food trip at halos 11 PM na nang matapos 'yong pinapanood namin. Medyo hindi na rin ako naiinis kay Nate. Usually hindi umaabot ng isang araw kapag nagkakatampuhan kami at siya ang unang sumusuyo sa 'kin. Pero ngayon, simula nang umalis ako ng kuwarto namin kaninang hapon ay hindi niya ako pinuntahan at kinausap kaya naninibago ako.
Nag-good night na ako kay Jen at pumanik sa 'taas, saka dahan-dahan kong binuksan 'yong kuwarto namin pero nakita kong wala si Nate sa loob. Kumunot 'yong noo ko nang makitang may box na nakapatong sa itaas ng kama. Binuksan ko 'yong box at nakitang nasa loob 'yong T-shirts na suot ni Nate kanina.
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...