Chapter 15

3.2K 97 20
                                    

IT WAS Sunday, and I was on my way to Gael's condo to spend time with her

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IT WAS Sunday, and I was on my way to Gael's condo to spend time with her. It had been a week and she had been nagging me to hang out with her.

"Kung hindi ka busy kay Arlo, busy ka naman sa trabaho," she remarked, mirroring her trademark eye rolling. If I would recall correctly, she was with Atlas when I was in Batanes.

It had been a week since Arlo and I returned from Batanes. That also meant it had been a week since I began dating Arlo. We haven't discussed our official label or what we were—all I knew was that I was happy when I was with him.

We also have a new client at Waldorf's since Tita Ivy postponed her wedding. It was not a big client like Tita Ivy. That was why we were not too busy.

"Grabe. Wait lang naman, baks. Heto na pataas na ako sa unit mo!" sabi ko kay Gael.

Hindi talaga siya makapaghintay. Tumawag pa talaga siya para tanungin kung bakit ang tagal ko raw. Pinatay ko na 'yong tawag nang makasakay ako sa loob ng elevator.

"Hi, Ate Gisel!" bati ko sa ate ni Gael nang makarating ako sa condo unit.

"OMG Cara! It's been a while," sabi niya at mabilis niya akong niyakap. "Wow! Ang blooming mo ngayon, ah! Grabe ang puti mo talaga, 'no? Sana all na lang!" natatawang sabi niya.

"Nako, Ate, luma-love life kasi 'yang si Cara kaya ganyan ka-blooming!" sabad ni Gael.

Inirapan ko lang siya. Masyadong madaldal talaga 'tong babaeng 'to!

"Talaga ba?! Tara na sa living room. Mabuti na lang at day off ko today!" yaya ni Ate Gi. "Gael, get some snacks. Hintayin ka namin sa sala," sabi niya kay Gael bago ako hilain papunta sa sala.

Nagkuwentuhan lang kaming tatlo buong maghapon. Nagkuwento ako sa kanila kung anong lugar 'yong mga pinuntahan namin ni Arlo sa Batanes. Ikinuwento ko uli—para kay Ate Gi—kung paano ko nakilala si Arlo.

At ang dalawang magkapatid naman grabe kiligin sa kuwento ko!

Sina Gael at Ate Gi ang mga itinuturing kong best friend. Kahit busy most of the time si Ate Gi dahil sa work niya at kahit halos eight years ang tanda niya sa amin ni Gael. Pero kapag may free time talaga siya o day off, gusto niyang mag-bonding kaming girls. Naglalaan talaga kami kahit isang araw lang na kaming tatlo lang magkakasama tulad ngayon. And no boys allowed!

Nag-uusap kami mostly tungkol sa mga dine-date nilang lalaki—dahil si Nate lang din naman ang dinate ko dati, 'tapos ngayon si Arlo nga. Kaya ang dalawang magkapatid, sobrang excited maki-chika agad!

"Nag-sex na ba kayo?" prangkang tanong ni Ate Gi.

Muntik ko nang maibuga 'yong iniinom kong tubig habang si Gael naman, tawa lang nang tawa! "Grabe ka talaga, Ate!"

"What?! You're both turning twenty-three na kaya! Kaya huwag nga kayong pa-virgin diyan! If I know—"

"Ate stop!" sigaw ni Gael.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon