Chapter 12

3.2K 97 28
                                    

"LET'S TAKE another picture here

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"LET'S TAKE another picture here."

"Okay!" masayang sagot ko at mabilis na naglakad palapit kay Arlp. Hindi mawala-wala 'yong ngiti sa mga labi niya simula kaninang umaga nang sunduin kami ng tour bus namin.

Nandito kami ngayon sa Basco Lighthouse at napakaganda rito! Nanggaling na rin kami kanina sa Japanese Tunnel, Vayang Rolling Hills and St. Dominic Church, 'tapos ngayon nandito naman kami sa lighthouse. At ang huling pupuntahan namin sa North Batan Tour ay 'yong Valugan Boulder Beach.

Mabuti na lang at mahabang dress ang isinuot ko, dahil sobrang hangin dito. Kung hindi, liliparin 'yong suot ko at masisilipan ako agad. Mabuti na lang din palagi akong inaalalayan ni Arlo. Sobrang gentleman niya talaga.

Hindi kami nag-usap ni Arlo nang susuotin, pero nagkataon na pareho kaming naka-kulay blue and white. H wass wearing white and blue shorts with white long sleeves, and I was dressed in a white sundress with blue patterns.

Nagulat na lang ako nang marinig 'yong tunog mula sa cell phone ni Arlo at nakatutok sa 'kin. Kinuhanan pala niya ako ng picture habang nakamasid ako sa magandang tanawin.

"Patingin ako! Baka pangit ako diyan, ha," sambit ko.

"Nope. You look cute here!"

"Burahin mo na lang. Mag-selfie na lang tayo," sabi ko habang pilit tinitingnan 'yong picture na kinuha niya. Hindi pa naman ako photogenic! Ang unfair lang kasi si Arlo kahit anong view, ang guwapo niya! Samantalang ako, kailangan pa ng tamang angulo para lang maganda 'yong pagkakakuha sa 'kin.

"Stop pouting, Cara. I promise that you look beautiful in that picture," sabi niya nang lapitan niya ako. He held my left cheek and made me face him. Para akong napaso sa paghawak niya sa 'kin habang deretso siyang nakatitig sa mga mata ko.

"Talaga?" I asked.

He nodded his head, smiling brightly. "Now, let's take another selfie for my sister."

"Okay..."

He held my hand and we stood in front of the lighthouse and took another selfie. "Say cheese!" sabi ni Arlo habang hawak ang cell phone niya.

Ready na akong nakangiti at nakatingin sa screen ng phone niya nang bigla siyang lumingon sa gawi ko at tumitig sa 'kin habang nakangiti bago niya pinindot 'yong shutter button.

My cheeks became red because of what he did. Para kaming couple na nagse-selfie habang nasa bakasyon. Napagkamalan din kami kanina n'ong tour guide na mag-jowa. At ito namang si Arlo hindi man lang itinama na hindi naman talaga kami mag-boyfriend-girlfriend.

Tiningnan ko si Arlo habang busy siya sa ginagawa niya sa phone niya. Seryoso lang siya sa ginagawa.

Hindi ko inakala na mae-enjoy ko 'yong pagpunta namin dito sa Batanes. Akala ko kasi hindi kami magiging magkasundo sa buong pag-stay namin dito. Pero mabuti na lang at naging maayos na kami dahil sayang naman pala 'yong tour kung hindi namin mae-enjoy 'to.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon