TAPOS KO nang gawin lahat ng dapat kong gawin at kailangan ko na lang lumabas. Fifteen minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin ako lumalabas. Hindi ko alam kung bakit pero sobra akong kinakabahan. Para akong masusuka sa sobrang kaba.
I waited for another five minutes. Hindi ko alam kung tototohanin ba ni Arlo na hihintayin niya ako. Dahan-dahan akong naglakad at sumilip sa pinto at nakitang nandito pa rin siya! Nakasandal siya sa labas ng sasakyan niya at parang naiinip na sa 'kin.
Siguradong pagod siya dahil kagagaling lang niya sa work, 'tapos pinaghintay ko pa siya. Well technically, siya pala ang nag-offer na hintayin ako.
Dahan-dahan akong lumabas sa at ini-lock 'yong pinto ng store. Agad naman siyang napalingon sa gawi ko.
I slightly smiled at him. "Sorry," sabi ko.
He just nodded at me. "Sakay ka na," sabi niya bago naglakad papasok sa driver's side.
Tahimik lang kami pareho ni Arlo hanggang sa tumigil siya sa tapat ng apartment ko. Which was hindi na rin ako nagtanong kung bakit alam niya. Mabuti na lang four blocks away lang dito 'yong Little Birds kaya wala pang five minutes ay nakarating na kami agad.
I immediately took my seat belt off. I glanced at him and he was looking at me with those eyes. I really couldn't figure out what he was thinking.
"Thank you," I said, giving him a small smile.
Arlo really didn't have to do this for me. Alam kong may Sera na siya kaya kahit mahirap, I have to accept it.
Kasalanan ko naman. Ako 'yong umalis at nang-iwan.
Hindi siya sumagot kaya binuksan ko na lang 'yong pinto at bumaba.
"Cara," pagtawag niya.
I stopped in my tracks. Dahan-dahan ako lumingon kay Arlo. Nakatayo lang siya at parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang sabihin. He was just staring at me as if he still couldn't believe that I was in front of him.
He used to be transparent, but now he was a puzzle that I couldn't figure out.
I knew I owed him an apology and explanation for everything I've done in the past, but was it still necessary? Was it really necessary for him to hear my explanations when he was already with someone else?
Swerte lang ako dahil hindi ko na sila uli nakitang magkasama. Kahit sobrang init na init ako ay palagi akong naka-hoodie or cap tuwing pupunta ako sa grocery store para lang hindi nila ako makita uli. Para akong preso na tumakas sa kulungan dahil tuwing lalabas ako sa apartment ay para akong may tinataguan palagi.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko nang makalipas ang ilang minuto na nakatingin lang si Arlo sa 'kin at walang sinasabi.
Tatalikod na sana ako para umalis nang bigla siyang magsalita.
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...