Mature Content Warning:
This chapter may contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, you can just read the next chapter. Reader discretion is advised.
MABILIS KAMING nakarating ni Arlo sa Empire. Hindi ko alam kung gaano kabilis siyang nag-drive, pero parang wala pang sampung minuto ay nakarating na kami agad.
Mabilis na nag-park ng sasakyan si Arlo pagdating namin. Agad-agad din kaming lumabas ng sasakyan na parang ayaw naming mag-aksaya nang kahit isang segundo. Hindi ko alam, pero nawala 'yong hilo ko at ang tanging nararamdaman ko ay ang init ng katawan ko.
At dahil nasa basement ang parking lot ng Empire, kinakailangan naming mag-elevator paakyat sa floor nila. Arlo was holding my hand as if I was his life support. Walang nagsasalita sa amin, pero 'yong puso ko parang lalabas na sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa elevator ay mabilis akong sinunggaban ng halik ni Arlo. Medyo naumpog pa 'yong ulo ko.
Hindi ko inaakala na gagawin ito ni Arlo. First time niya akong halikan sa loob ng elevator. Dati ayaw niya dahil sabi niya may CCTV daw. Pero ngayon, parang walang pakialam si Arlo kahit pa may biglang sumakay man sa elevator.
"Sorry," sabi niya.
Hindi ako sumagot at hinila ko lang uli 'yong ulo niya para halikan siya.
He was kissing me roughly like there was no tomorrow. And I was feeling more excited and turned on by what he was doing. Hindi naman siya ganito tuwing hinahalikan niya ako noon. Sobrang ingat na ingat siya sa 'kin na parang ayaw niyang magkamali sa gagawin niya.
"Si Dhalia?" agad na tanong ko nang makarating kami sa floor ng unit nila. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa hallway. Sobrang tahimik kaya dinig na dinig ko 'yong lakas nang paghinga namin.
"She's at my parent's house," sagot niya.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Arlo. When I asked him to make love to me, hindi siya nagsalita at agad lang siyang nag-drive papunta sa cond niya.
Alam kong mas sasaktan ko lang ang sarili ko dahil sa ginagawa ko pero ayaw ko munang isipin kung ano ang mangyayari bukas.
His hands were shaking when he was trying to open the door, and I just remained quiet. I felt nervous too. I've never been with another guy other than Nate. Arlo was the only guy that I've ever loved ever since Nate.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako na nae-excite.
Alam kong hindi tama 'tong gagawin ko, pero ayaw ko munang isipin ang problema namin. I just wanted Arlo for tonight and nothing else.
Gusto ko lang makasama siya kahit ngayong gabi lang.
Gusto ko lang na mahalin siya kahit ngayon lang.
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...