"ARLO'S HERE again..."
"Pakisabi po na ayaw ko munang makipag-usap," sabi ko kay Tita Mommy at tumalikod sa kanya. I hugged Nate's shirt and the tears started to fall again.
Ang sakit-sakit. Bakit kung kailan masaya na ako uli, saka naman may darating na problema? Bakit kung kailan nasabi ko na kay Arlo kung gaano ko siya kamahal at saka naman ako masasaktan nang ganito?
Nag-leave muna ako sa trabaho ng isang linggo dahil noong unang linggo na pumasok ako halos puro kapalpakan ang nagawa ko. Kaya sinabi ni Miss Haira na huwag muna akong pumasok hangga't hindi pa ako maayos dahil mas nagiging doble ang trabaho nila dahil sa mga maling nagagawa ko.
Wala rin akong kinakausap sa buong dalawang linggo. Palagi lang akong nandito sa kuwarto ni Nate.
Mahigit dalawang linggo na kasi simula nang makilala ko ang tatay ni Arlo. Dalawang linggo ko na ring hindi kinakausap si Arlo simula nong anniversary party ng mga magulang niya. Alam kong alam na rin niya ang lahat dahil sigurado akong sinabi na rin sa kanya ng tatay niya ang lahat.
Hindi pa rin malinaw sa 'kin ang lahat... hindi ko pa rin maintindihan. Sobrang gulong-gulo ang isip ko.
Ang pamilya ba ni Arlo ang dahilan kung bakit iniwan ni Tito Ben si Nate at ang pamilya niya? Pero bakit niya gagawin 'yon? Hindi ba niya minahal sina Nate at Jen? Paano niyang nagawang iwan ang mga anak at pamilya para bumuo uli ng panibagong pamilya?
Hindi ba niya alam kung gaano kalungkot si Nate tuwing mapag-uusapan namin siya? Kung paano paulit-ulit na sinasabi sa 'kin ni Nate kung gaano siya kagalit sa tatay niya dahil iniwan na lang sila basta nito nang walang paalam! Na isang araw nagising na lang sila at wala na silang tatay! Hindi man lang nagawang magpaalam sa mga anak niya? Sa sarili niyang pamilya?
Nakakagalit!
Iyak lang ako nang iyak. Nasasaktan ako para kina Tita Mommy at Jen. Nasasaktan ako para kay Nate dahil alam kong buong buhay niya galit siya sa tatay niya dahil siya ang umako sa lahat ng responsibilidad na dapat ang tatay niya ang gumagawa.
Naramdaman kong may umupo sa kama.
"Cara, anak..." sabi ni Tita Mommy. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa braso ko. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Nahihiya ako.
Nahihiya ako dahil minahal ko 'yong taong sumira sa pamilya niya. Na minahal ko 'yong taong dahilan kung bakit naghirap sila. Kung bakit mag-isa siyang nag-alaga at nagpalaki sa mga anak nila.
"I'm sorry... I'm so sorry, Tita Mommy." Ang tanging nasabi ko dahil hindi ko alam kung paano haharap sa kanila ngayon. Siguradong palalayasin nila ako kapag ipinagpatuloy ko ang relasyon ko kay Arlo. Mawawalan ako ng pamilya at hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Ben and I are best friends..." panimula niya. "We were so happy and contented with each other. Hindi kami mapaghiwalay. Palagi kaming magkasama. Sobrang bait niyang tao. He's a selfless person. Mas inuuna niya ako palagi bago ang sarili niya. And that's why I fell in love with him... I fell in love with my best friend.
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...