"A-ANO PO'NG ginagawa n'yo rito? Sino po'ng kasama n'yo?" tanong ko. I was stuttering. 'Yong buong sistema ko ay nagpa-panic.
Paano kung kasama niya si Arlo? Handa na ba ako?
Agad akong lumingon sa paligid kung nandiyan lang ba si Arlo sa tabi-tabi.
I heard Tito Ben chuckle. "Don't worry. Arlo didn't stay, hija," sabi niya.
Agad naman ako nakahinga nang maluwag.
Mas maayos na ako kumpara dati pero alam kong hindi pa 'to ang tamang oras. Gusto ko handing-handa na ako kapag nagkita kami uli ni Arlo. 'Yong alam kong sigurado na ako.
Pero ang kinakatakot ko ay kung tatanggapin pa ba niya ako pagkatapos ko siyang iwan na lang basta. Kung handa pa rin ba siyang tanggapin ako despite sa pag-alis ko nang wala man lang paalam. Tanging sulat lang ang iniwan ko sa labas ng unit nila sa Empire dahil hindi ko kayang magpaalam sa kanya nang harapan.
Pero kung sakaling... naka-move on na siya at kinalimutan na niya ako ay tatanggapin ko. Hindi ko siya sisisihin. Alam kong marami rin akong pagkukulang at nagawang kasalanan. Pero hindi ko pinagsisisihan na umalis ako para mas maging better person. I knew for a fact that I have greatly improved. I was getting better at controlling my emotions. I now understood how to deal with stress. Most importantly, I've finally learned to love myself first.
Now I knew what I was worth. I learned to value myself.
Na hindi masamang magmahal nang lubos basta alam mong may natitira ka pa ring pagmamahal para sa sarili mo.
"Ivy and I got married just last weekend and we extended our stay here in Batanes beccause it's beautiful in here," dugtong pa niya.
Hindi na ako nagulat na natuloy ang kasal dahil alam kong si Tita Ivy talaga ang mahal niya.
"Congratulations po."
"Salamat, hija. Ivy deserves this beautiful wedding," sagot niya.
I just nodded, pero agad na naisip ko si Tita Mommy. She deserved an apology from Tito Ben, for everything that he did to her. Hindi ko alam kung nagkaayos na ba sila bago umalis ng bansa sina Tita Mommy and Jen. Nabalitaan ko na lang kasi mula kay Gael na umalis pala sila ng Pilipinas pagkaalis ko.
"I know that things didn't end well between you and my son. But I just want you to know that whatever mistakes that I did in the past, walang kasalanan si Arlo roon. It's all on me. I'm the only one to blame and every day, I regret everything that I did in the past. Malaki ang kasalanan ko sa mga anak ko at kay Lilian. I just wish that someday, she'll be able to forgive me," sabi ni Tito Ben habang seryosong nakatingin sa 'kin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Never sumagi sa isipan ko na sisihin si Arlo sa mga nagawang kasalanan ng tatay niya. Alam kong pareho lang kaming naipit sa problema ng mga magulang niya at ni Tita Mommy.
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...