Chapter 16

3K 89 32
                                    

"GIRL NARINIG mo ba 'yong sinabi ko?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"GIRL NARINIG mo ba 'yong sinabi ko?"

"H-ha?" wala sa huhuwisyong tanong ko kay Bryn.

"Kanina kapa lutang diyan! May problema kayo ni Papi?" tanong niya.

Napabuntong hininga ako, 'tapos ay umiling. Wala naman talaga kaming problema ni Arlo, eh. Ako lang ang may problema.

Ilang araw ko na rin kasing iniiwasan si Arlo simula nang gabing nagpunta siya sa amin. Hindi ko rin siya masyadong nire-reply-an. Alam kong nagtataka na siya sa mga kinikilos ko pero... ewan ko ba!

Natatakot talaga ako dahil nakita kami ni Jen. Which is hindi naman dapat ako matakot dahil ano ba ang ginawa namin ni Arlo? He just hugged me! Puwede namang isipin ni Jen na friendly hug 'yon, 'di ba?

Napabuntong-hininga na lang ako... Napapraning na naman ako sa kakaisip!

"Wala pala, eh, bakit kanina ka pa tulala diyan at wala sa huhuwisyo?" nag-aalalang tanong ni Bryn, 'tapos naupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ko. She adjusted her glasses before staring straight at me.

Break time namin at nandito kami sa staff room para mag-coffee break—kahit hindi naman talaga ako umiinom ng kape.

I just need a break from my mind... From my own thoughts...

Hindi ko lang talaga maiwasang isipin si Jen dahil kahit wala siyang sinasabi, alam kong nakita niya kami ni Arlo sa labas noong nakaraang gabi. Sobrang iwas ko na rin sa kanya sa bahay. Kung puwede lang na hindi muna ako umuwi, gagawin ko para lang makaiwas!

Hindi naman talaga ganoon makitungo sa 'kin si Jen dati. She used to be a cheerful and carefree young lady, but... everything changed. Nagbago siya simula nang mawala ang Kuya Nate niya. Dalawa lang silang magkapatid and despite their age gap, they were super close. Simula nang mawala ang Kuya niya ay mas nag-mature siya at mas naging responsable—in a different way na para bang lahat na lang ng problema ay inaako at sinasalo niya.

She forced herself to be more focused on her studies. To be the one responsible for everything that Nate used to be the one responsible for. Na para bang kailangan niya maging responsable sa lahat ng bagay para sa kanila ni Tita Mommy.

"Wala kaming problema ni Arlo... but I think Jen knows about me and Arlo," I explained to Bryn before drinking water from my tumbler—which by the way, Arlo gave me para daw hindi ako masyadong gumagastos sa pagbili ng bottled water and to save the earth.

Nakakunot -oo si Bryn habang nakatingin sa 'kin. "So?"

"Anong so?"

"So, what if Jen knows about you and Arlo?" litong-litong tanong niya sa 'kin. She took her glasses off at hinilot pa 'yong sentido niya na parang nai-stress siya dahil sa mga sinasabi ko.

I sighed. Hindi ko rin talaga alam bakit ko pinoproblema 'to kasi sasabihin ko rin naman sa kanila 'yong tungkol sa amin ni Arlo.

Eventually. Not right now, though.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon