Chapter 05

4.2K 140 16
                                    

"ARE YOU feeling better?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ARE YOU feeling better?"

"Yeah, thanks for the soup, Arlo." Sagot ko, saka ko siya nginitian. Kinuha niya 'yong pinagkainan ko at saka niya inilagay sa sink.

Tumayo ako at saka nilapitan siya, tutulungan ko sana siya sa pag hugas ng mga ginamit namin dahil nakakahiya naman masyado kung siya pa ang maghuhugas 'e siya na nga ang nagluto para sa'kin.

"Kaya ko na 'to, Magpahinga ka na muna diyan." Pag pigil niya sa'kin, pero kinuha ko yong sponge sa kamay niya, baka akalain niya na tamad ako.

"Tutulungan na kita, nakakahiya—"

"Cara..." Pagtawag niya. Seryoso 'yong mukha niya, pero kahit naka serious mode 'yong expression niya, hindi ko magawang matakot dahil he's just...too cute. "Just take some rest, I'll do the dishes."

Hindi ko alam kung anong nilagay niya sa niluto niya, pero agad na nawala 'yong hangover ko. I need to know his recipe para sa susunod 'yun nalang din lulutuin ko tutal ako nalang naman ang mag-aasikaso at mag-aalaga sa sarili ko.

Nginitian ko siya ng nakakaloko, "What?" He asked, nakakunot pa 'yong kilay niya dahil hindi niya alam kung anong binabalak ko,

"Ayaw mo talaga na tulungan kita sa pag-hugas ng plato?"

"Ayaw."

"Sure ka na talaga diyan?" dahandahan akong lumapit sakaniya habang nakangiti pa rin, kaya mas lalong kumunot ang noo niya, hindi naman siguro magagalit si Gael kung madudumihan dito sa kusina niya at ako rin naman ang mag-aayos kaya bahala na!

"Cara, what are you planning to do?" Gulat na tanong niya ng kunin ko 'yong faucet sa sink, hi end kasi yong faucet sa dito sa condo ni Gael. Puwede mong hilain, parang bidet lang.

"Gusto lang naman kitang tulungan e, pero dahil ayaw mo, I have to do this." I said as I turned the sink on, at saka ko siya binasa ng tubig. Tawa ako ng tawa habang ini-spray-an ko siya ng tubig, pero hindi ko masyadong nilakasan 'yong tubig dahil baka mabasa 'yong ibang appliances ni Gael.

"Cara! This is not funny!" Nagulat ako ng tumaas 'yong boses niya kaya napako ako sa kinatatayuan ko. Mas naging seryoso 'yong mukha niya.

"S-sorry Arlo. I was just messing around with you." Paliwanag ko, agad kong ibinalik 'yong faucet sa sink at saka tumalikod para sana kumuha ng towel para kay Arlo ng tawagin niya ako.

"Cara." Pagtawag niya sa'kin pero hindi ako lumingon,

Hindi ko alam pero sa sobrang kaba ko na baka galit si Arlo dahil sa ginawa ko 'e naiiyak ako. Akala ko kasi nakikipagbiruan din siya sa'kin. Hindi ko naman inakala na seryoso pala talaga siya. I don't even know what I'm thinking. We just met last night and here I am, binasa siya ng tubig pagkatapos niya akong ipagluto ng soup.

"Ang tanga mo rin kasi, Cara!"

"Cara, look at me." Pagtawag niya ulit, I sighed, at saka siya hinarap, pero nagulat ako ng siya naman may hawak noong faucet at nakangiti sa'kin.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon