I SLOWLY opened my eyes when the sun hit my face. I groaned when I tried to move. Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan kahit na kagigising ko lang. Ramdam ko pa rin ang pagod sa buong katawan ko, pati na rin ang ngalay dahil sa puwesto ng pagkakatulog ko.
"Arlo?" I called pero wala siya sa loob ng sasakyan niya. Tiningnan ko 'yong paligid at saka ko lang na-realize na umaga na pala!
I checked the time at 5:30 na ng umaga! Kaya pala maliwanag na sa labas! We spent the night here at Jollibee's parking lot?!
Agad akong napaayos ng upo dahil sa panic! Kailangan ko nang umuwi at kailangan ko pang maligo at magpalit ng damit dahil hindi ako puwedeng bumalik sa Waldorf's na ito pa rin ang suot ko. Siguradong may ibang iisipin na naman si Bryn! At saka nakakahiya kung hindi ako maliligo at magpapalit, lalo pa't may client akong kikitain ngayong araw. Medyo may pagkamaldita at maarte pa naman 'yong bride!
Inayos at binalik ko sa dati 'yong upuan ko at mabilis na chineck 'yong hitsura ko sa salamin. At hindi na ako nagulat pa nang makita 'yong hitsura ko na sobrang haggard. Halata pa 'yong eyebags ko! Sobrang gulo rin ng buhok ko! Mabuti na lang at hindi ako nawawalan ng wipes sa bag. Agad kong kinuha 'yon at pinunasan 'yong mukha ko para naman mag mukha akong tao kahit paano!
Nasaan na ba si Arlo?! Kailangan ko nang umuwi! Bakit niya ako iniwan ditong mag-isa? At saan naman siya pupunta?
Ang lakas na ng kabog ng dibdib dahil hindi ko alam kung aalis na ba ako at magbu-book na lang ng Grab dahil kailangan ko na talagang umuwi! Lagot din ako kay Tita Mommy dahil siguradong nag-aalala na 'yon nang sobra! Iniisip ko pa lang na galit siya, natatakot na ako! Dati kasi hindi kami nakauwi ni Nate dahil sa school project, 'tapos hindi namin namalayan na nakatulog kami sa bahay ng classmate namin dahil sa pagod. Kinabukasan pag-uwi naming, galit na galit si Tita Mommy! Halos umiyak at lumuhod kami dahil sa takot!
Natapos na akong magpunas sa mukha ko at suklayin 'yong buhok ko, wala pa rin si Arlo. 24 hours pala 'tong Jollibee na napuntahan namin. Mabuti na lang at heavy tinted 'tong sasakyan dahil halos seven hours kaming nakatulog. Walang nambasag ng salamin habang natutulog kami. Mukha pa namang mamahalin 'tong sasakyan niya! 'Tapos may mga mamahaling gamit din siya sa loob.
Tumingin ako sa labas at wala pang gaanong tao. Kinuha ko na 'yong cell phone ko para tawagan si Arlo at mag-book na ng Grab. Kailangan ko talagang makabalik sa office before eight at baka ma-traffic pa ako pagpasok.
Pagtingin ko sa cell phone ko, ang daming text messages at missed calls galing kina Tita Mommy, Jen at Gael. Hindi ko muna binuksan 'yong mga text galing kina Tita Mommy at Jen. Mamaya na ako mag-e-explain sa kanila. Binuksan ko muna 'yong text galing kay Gael.
From: Baks
Hoy, baks! Nasaan ka? Kanina pa nagte-text at tumatawag si Tita Lily sa 'kin at hinahanap ka!
Carmela Raleigh Fuentes!!!
San ka ba?! Mag-reply ka naman! Nag-aalala ako!!
Tawagan mo ako agad!! Sasabunutan talaga kita pag nagkita tayo >:(
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...