"WOW, IKAW ba 'yan Cara?" Atlas said.
"Baks, ang ganda mo! Bagay na bagay sa 'yo 'yang dress mo!" sabi naman ni Gael.
Nginitian ko lang sila. "You both clean up nice, too." I said with a small smile. "Hindi ko nga alam kung sino ang nagbigay nito, eh. Basta kaninang umaga narinig ko lang may kumatok, 'tapos iniwan lang 'to sa labas ng pinto ng apartment ko. Akala ko mali lang ng pinagdalhan, pero may card at nakasulat don 'yong pangalan ko," paliwanag ko. The dress was so beautiful. It was a V-neck desert rose floor-length chiffon dress with a zipper on the back. Sana hindi malamig sa venue kasi kitang-kita 'yong likod ko. I put some makeup on and then I just let my hair down.
Nagkatinginan naman silang dalawa. My forehead creased dahil doon.
At first, medyo alanganin pa akong isuot ang dress kahit may nakasulat na pangalan ko sa card, pero dahil wala akong choice. Wala rin naman akong dress at ayaw ko nang gumastos pa kaya I decided to wear it instead. Akala ko nga si Gael ang nagpadala, kasi nabanggit ko sa kanya na wala akong dress na isusuot at baka hindi na lang ako sumama. Pero dahil sa reaction niya mukhang hindi naman siya ang nagpadala sa 'kin nito.
"Bakit ganyan kayo magtinginan?" tanong ko.
They both gave me a meaningful look.
"Isipin mo na lang may Fairy Godmother ka," Gael said.
Kumunot lalo 'yong noo ko.
"Huwag mo na lang isipin 'yon. Let's just enjoy tonight, okay?" Atlas said before we went downstairs and went to the venue.
Kinakabahan ako dahil ngayon na lang uli ako pupunta sa party. And to think na this was a company party. Eh, hindi naman ako nagtatrabaho sa VM Corp.
After thirty minutes, nakarating na rin kami sa venue at hindi na ako nagulat na sa Montgomery Hall, ang venue ng party. This was one of the biggest event venues here in Manila and I've heard before that they were partners with the owner of the Empire Building.
"Ready?" Atlas said.
Gael and I both nodded at him before we entered the hall.
Ang dami nang tao pagdating namin dahil nag-start na pala ang party. People were just chitchatting with each other while drinking wine. Sobrang formal tingnan ng lahat dahil naka-tuxedo talaga ang mga lalaki at naka-long dresses din ang mga babae.
Mabuti na lang pala isinuot ko 'tong dress na ibinigay sa 'kin! Kung hindi nakakahiya dahil sobrang sosyal nilang tingnan lahat.
They introduced me to their coworkers, and they were nice to me.
"Finally, dumating din kayo. Akala ko hindi na kayo dadating," Cash said nang lapitan niya kami. Nakatayo lang kaming tatlo paikot sa isang mataas at bilog na table kagaya ng ibang tao. I think the purpose of the party was to just drink and socialize with each other. Sana pala kumain muna ako bago kami umalis!
BINABASA MO ANG
Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)
RomanceEMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get through it with the help of her lover, Nate, and his family. They treated her as if she were a member of their family and allowed her to live w...